HELP ME.THAILA'S P.O.V
"T-Tulungan mo ko....." Saad nito at akmang lalapit sakin kaya napaatras ako
"T-Teka p-paano naman kita matutulungan??" Kabadong sagot ko
"H-Hindi ko rin alam..." Malungkot na sabi nito "Tulungan mo kong maalala ang lahat" sabi nito at lumapit sakin kaya lumayo ako
"W-Wag kang lumapit sakin! Natatakot na ko sayo kaya pwede ba?! Lumayo ka" takot na takot kong sabi sa kanya
"Hindi naman kita sasaktan but please I really need your help" Sabi nito sa akin na mukhang nagmamakaawa "Please tulungan mo ko para malaman ko kung ano ang nangyayari sakin... Hindi ko alam kung bakit naging m-multo ako ang natatandaan ko lang talaga n-nawalan na ako ng malay..." Mahabang sabi nito
"P-Pwede bang pag isipan ko muna yung magiging desisyon ko? At pwede bang wag ka munang magpakita sakin ngayon natatakot kasi talaga ako!" Nanginginig na ako sa takot. Yumuko muna sya at ng mag angat ito ng tingin sakin ay huminga muna ito ng malalim
"Sana yung magiging desisyon mo ay ang tulungan ako dahil hindi ko na alam kung saan pa ako pwedeng humingi ng tulong gantong di ako nakikita ng ibang tao.." paliwanag nya at aaminin kong naawa ako sa kanya "sige iiwanan na muna kita bukas nalang ulit ako magpapakita sayo para alamin ang naging desisyon mo" sabi nito at bigla na lamang naglaho. Ilang minuto muna akong nakatayo sa aking pwesto bago ako tumakbo pababa ng hagdan
Gusto kong sumigaw sa takot nanginginig ang buong kalamnan ko sa takot. Gusto kong umiyak at magsumbong kaso sa nangyari kanina baka hampasin lamang ako ni mama.
Naabutan ko sila mama sa kusina at saktong naghahanda na sila ng Pagkain"O andyan ka na palang bata ka umupo ka na rito ng makakakain na tayo!" Sabi sakin ni Papa ng mapansin nya ako. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumapit at umupo.
"Ikaw bata ka! Wag ka ng magbibiro pa ng mga kung ano ano ha?! Pag yan nangyari sayo bahala ka sa buhay mo!" Sermon ni Mama sakin na nasa katapat ko habang nilalagyan ni Papa yung plato nya ng pagkain
"Pero Ma---" naputol na naman ang sasabihin ko
"Hindi Thaila! Tumahimik ka na lamang!" Sigaw nito sakin. Kung nasa kalapit nya lang ako paniguradong nabatukan na nya ako
"Ano ba yan? Nasa harap kayo ng pagkain tas ganyan mga inaasal nyo kumain na nga lang kayong dalawa" saway sa amin ni Papa kaya natahimik na lamang kami "oo nga pala Thaila bakit natulog ka pa kanina? Alam mo naman na May pasok ka na bukas malelate ka na naman ng gising nyan" paalala sakin ni Papa
"Nakatulog po kasi ako kanina" sabi ko nalang at nagpatuloy sa pagkain. Nagkwekwentuhan lamang sila Mama at Papa tungkol sa trabaho mga kailangan dito sa bahay ng matapos naman ako ay dumeretso na ako sa sala para manood ng TV pagbukas ko rito ay horror ang palabas kaya napatalon ako sa gulat.
Naalala ko na naman yung kanina leche! Dapat pala di nalang ako nagbukas ng tv hayst! Sana hindi na sya bumalik. Sana imahinasyon ko lamang yung kanina.
Ilang sandali lamang na paghahanap ng magandang palabas ay umakyat na rin ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at napagdesisyunan ko nalang na magbasa ng wattpad
Nasa kalagitnaan ako ng kilig ng May mahulog na kung anong bagay sa May gilid ng cabinet ko kaya sa gulat ko ay napabalikwas na lamang ako sa kama ko nagkumot
Leche andyan na naman ba sya?! Naku naman sabi nya bukas nalang diba?! Asar naman o! Ang ganda na nung binabasa ko e
Ilang oras na ang lumipas at di ko pa rin tinatanggal ang kumot ko kahit pawis na pawis na ako. Hahayaan ko nalang ang sarili kong makatulog. Kung noon makakatulog lamang ako kapag patay ang ilaw ngayon naman ay ayoko na itong patayin
Sumilip muna ako sa labas ng kumot ko at inilibot ko ang aking mga mata. Wala naman akong nakita kaya napabuntong hininga na lamang ako
Inalis ko na ang kumot dahil sa sobrang init. Binuhay ko na din ang electric fan at nahiga na ulit. Nagpagulong gulong na ako sa kama pero di pa rin ako dinadalaw ng Antok. Bakit nga ba kasi ako natulog kanina?! Haysss..
Tiningnan ko ang oras sa wall clock at 11:47 na ng gabi. Malapit na mag alas dose ano ba yan!? Sabagay wala na namang bago lagi na naman akong late sa klase. Hinayaan ko nalang ang sarili kong mag isip ng mag isip hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako...
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again...
RomanceDid you experience having a third eye? but did you also having a relationship with a ghost? Paano kung isang araw May makilala kang isang multo at magkaron ka ng nararamdaman sa kanya? Are you ready for its consequences?