Chapter 21

433 16 3
                                    

HE DID?...

THAILA'S P.O.V.

Minsan talaga hindi mo malalaman agad kung anong iniisip ng isang tao. Minsan naman kapag nalaman mo babaguhin nila ito hanggang sa maluto katulad ngayon!

"H-Hey! Kinakausap ko pa sya!" Sigaw ni Liam habang hinahabol kami sa paglalakad. Ito kasing Zack na ito walang pakundangang hinigit ako palayo kay Liam

"B-Bitawan mo nga ako! Nasasaktan yung braso ko!" Saad ko pero humarap lang sya kay Liam

"Stop following us!" Sigaw nya na nakapagpatahimik samin

"Eh gago ka pala e!" Saad ni Liam at binanatan na nya ng suntok si Zack buti nalang nakailag si Zack at agad nya namang binawian ng suntok si Liam sa sikmura na parang hindi sya kakalabas lang ng ospital

Agad akong gumitna sa kanila at masamang tumingin kay Zack "ano ba?! Pwede ba tigilan mo si Liam?! " Sigaw ko kaya napatigil sya ng akma nya ulit sasaktan si Liam

"Eh nangingialam yang hayop na yan e!" Saad nya kaya hinarap ko si Liam

"Liam mauna Kana ako nang bahala dito kakilala ko naman sya eh" saad ko kay Liam na nakahawak sa sikmura nya. Ayaw pa sana nyang pumayag pero pinilit ko sya hanggang sa umalis na sya "o ngayon! Sabihin mo kung anong problema mo! Ang aga AGA sinira mo agad ang araw ko ano?! Pahihirapan mo na naman ako?! Sasaktan mo ko?!sisiga---" naputol ang sasabihin ko ng hilahin nya ako palapit sakanya at nagulat ako sa kasunod nyang ginawa

Inangkin nya ang mapupulang labi ko. Kitang kita ko ang nakapikit nyang mata at ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.. ito yung unang halik nya na ramdam na ramdam ko ang diin ng pagmamahal nya. Hindi ko napigilang pumatak ang luha habang nakatitig sa kanyang mga matang nakapikit..

Nang humiwalay na sya sa mga labi ko ay niyakap na nya ako ng mahigpit at ang huling limang salita nya ang tuluyang nagpaiyak sakin...

"Come back to me baby..."

~~~~~~~~~

Akala ko noon hindi na nya ako maaalala dahil isa lang naman akong panaginip para sa kanya. At sa aaminin ko man o hindi madaling kalimutan ang isang panaginip panigurado namang hindi lahat ng panaginip ay naaalala..

Hindi na ako mapakali ngayon dahil limang minuto nalang ay makikita ko na sya. Pero para sakin ang bagal bagal ng oras.

Tiningnan ko silang lahat at nag aayos na ng gamit ang teacher namin ibig sabihin papauwiin na nya kami. "Ok class you May now le---" hindi ko na sya pinatapos at tumakbo na paalis ng school.


Sa pag uusap namin kanina ay iniwan nya akong tulala pagkasabi nya ng mga salitang nagpatigil sakin. Sinabi nya na magkita kami kung saan nya ako dinala noon. Gusto ko sana kaninang umaga pero malelate na ako kaya pumayag akong after class nalang


Umuwi muna ako sa bahay para magpalit ng damit at makapagpaalam naabutan ko sila Mama at papa na nasa sala

"O anak? Anong nangyari sayo at mukha kang hinabol ng aso?" Tanong ni papa

"H-Hindi ako hahabulin ng aso Pa! Ako r-reyna nila e-eh!  Hindi nga lang mukhang aso!" Saad ko habang hinihingal saka tumakbo sa taas at mabilis na nagpalit pagbaba ko ay hinarang ako ni Mama

"Nagkita na ba kayo ni---"

"Ma! Mamaya na kita kakausapin urgent lang!" Saad ko at tumakbo na

Pagdating ko doon ay nakatalikod sya sakin habang nakaupo sa damuhan. Dahan dahan akong lumapit sa kanya saka ako nagsalita

"Ano? Uupo ka nalang ba Jan?" Tanong ko kaya lumingon sya sakin at ngumiti.

Yung mga ngiti nya... Antagal na panahon bago ko muling masilayang ito "come here baby..." Saad nya habang nakaturo sa pwesto kung saan ako umupo noon kasama sya para akong nahypnotize sa mga mata at ngiti nya kaya agad ko itong sinunod.


Niyakap nya ako ng mahigpit katulad noong unang punta namin rito. Iba sa pakiramdam dahil ramdam na ramdam ko na ang init ng bawat dampi ng kanyang balat

"I miss you so bad baby..." Saad nya

"Naaalala mo na ba ako?" Malungkot na tanong ko

"Hindi kita nakalimutan baby.." saad nya na ikinagulat ko at napatingin sa kanya "I love you so much baby..."saad nya pa habang nakangiti





Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon