PROLOGUE

1.8K 31 2
                                    


Sabi nila ang mundo ng tao at mundo ng ibang nilalang ay hindi pwedeng magsama dahil ang lahat ng ito ay may kalakip na gulo o isang parusa pero paano nga ba kung mangyari ito? Totoo kaya na posibleng magkaron ng isang gulo?

THAILA'S P.O.V

"Happy friendsarryyyyyyy!!!!" Sigaw ko sa dalawa kong kaibigan na kakarating lang sa tree house namin. Hays late na naman sila. Sila Elle at Yreal ay itinuring ko ng kapatid and ako ang panganay saming tatlo

"Happy friendsarryyyy diiiinnnn!" Sigaw naman ni Elle na May dalang cake at bigla itong yumakap sakin. Sya ang pangalawa saming magkakaibigan

"Happy friendsarry!" Bati naman ni Yreal ang bunso namin na tahimik palagi pero kalog. dala naman nya ang ibang lutong pagkain na inilapag muna nya sa lamesa bago ito yumakap sakin

"Bakit kayo late? Ang usapan natin 8am SHARP but it's already 10:13am" medyo irita at may pagtatampo kong saad sa dalawa

"Sorry ate nalate ako ng gising and tinawagan ko pa si Andrei para magpasundo kasi ayokong mag-commute" paliwanag ni Yreal kaya si Elle naman ang tiningnan ko

"Ahm... He-he-he you kno-"

"Nakipag-date ka muna?" Mataray kong tanong sa kanya " Yeah right as always.." pagdurugtong ko sa sasabihin ni Elle pangalawa sya pero she act na parang bunso childish kasi..

"Sorry na ateeeee!" Paglalambing naman agad nya

"Ok lang basta wag nyo lang kalimutan kung ano ang mas importante kesa sa mga jowa nyo ha?" Paliwanag ko sa mga ito and yeah ako lang ang single saming tatlo. But Nevermind di pa naman ako jowang jowa kaya nga binabusted ko lahat ng manliligaw ko e

"Yeyyyy! Iloveyousomuch ateeeee!" Dagdag pa ni Elle

"Let's eat?" Sabat naman ni Yreal kahit kailan matakaw pa rin sya pero di tumataba mana sya sa ate nya hehehe... Kaso tumataba ako and I like it.

Bago kami magsimulang kumain ay kumuha muna kami ng mga litrato para ipandagdag sa memory treasure box namin saka kami sabay sabay na nagdasal at sinimulan ang pagkain

Marami kaming pinagkwekwentuhan hanggang sa matapos kaming kumain kadalasan ay tungkol sa mga jowa nila kaya nabibitter ako pero happy na naman ako para sa dalawa. Iniligpit ko nalang ang pinagkainan at hinugasan ang mga ito habang nakikipagkwentuhan sa kanilang dalawa na tawa ng tawa na animo'y kinikilig pa kaya napapairap na lamang ako ng palihim

"Ate ikaw? Bakit di mo sagutin mga manliligaw mo? Actually gwapo naman halos lahat ah?" Tanong ni Elle. Okey here we go again...

"Kaya nga ate? Wala ka bang balak magjowa? Bahala ka nakakapanget daw kapag hindi ka naiinlove HAHAHAHA" Sabi naman ni Yreal at nagtawanan silang dalawa

Actually nakakawalang gana kapag ganito palagi ang usapan and I think I will end up again on walking out just tio ignore their questions

"I told you many times na Ang pag ibig hindi minamadali and if the right time comes I will assure you na di ko na papakawalan yon" medyo irita kong saad sa dalawa ilang beses ko na kasing nasagot ito sa dalawa "For now maghihintay nalang muna ako na isang araw May lalaking titingin ng deretso sa aking mga mata at sasabihing mahal ako." Dagdag ko pa. Yun kasi yung di pa kayang gawin ng mga lalaki sakin ang tumingin ng deretso sa mga mata ko I think they are scared or something?

Marami ang nagsasabi na boyish ako but for me it's not. I just like simple and oversize shirts than wearing some girly stuff. Mas comfortable suotin. And then yung lakad ko daw parang siga pero para sakin hindi rin dahil di ko naman gusto yung kumekendeng kendeng pa habang lumalakad. Wala ako sa pageant para kumilos ng ganon

"Too corny ate! Masyado kang nadadala jan sa mga binabasa mo sa wattpad! Do you think Mangyayari sayo lahat ng nangyayari Jan?" Saad ni Yreal

"Maybe." Tipid kong sagot

"HAHAHAHA you wish!" Sarcastic na sabi ni Elle imbis na sagutin sila ay lumabas na ako sa tree house namin at bumaba na narinig ko pang tinatawag nila ako pero naglakad na ako pauwi sa bahay

Hindi pa naman late para magkaron ng boyfriend and di ako nagmamadali kung ibibigay man sakin yung lalaking pinaka iintay ko ngayon why not? Edi tatanggapin ko hays...

Muntik na akong madapa ng May bola ng basketball akong nasipa. Leche sino naman naglagay nito dito?! Paano yung nadapa ako ng tuluyan?! Hayst badtrip naman na araw oh!

Sa inis ko ay itinapon ko nalang ito sa kung saan palayo sakin at ilang minuto lang ay May narinig akong isang malakas na pagsalpok ng kung ano pero di ko na ito pinansin dahil sa badtrip ko at dumeretso na sa bahay...

Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon