Chapter 13

366 13 1
                                    

ON HER BIRTHDAY...?

THAILA'S P.O.V.

"So anong plano mo ate?" Tanong sakin ni Elle na kasalukuyang naglilinis ng kuko. Andito kaming tatlo sa tree house kakagaling lang namin ng school at magga-gabi na kaya tambay lang kami.

"San?" Saad ko habang kumakain. Si Yreal naman ay May kinakalikot sa cellphone nya

"Birthday mo na bukas remember?" sabi ni Yreal na di manlang inalis ang mga mata sa cellphone nya..

"Wala naman dapat i-plano remember walang naging masayang birthday para sakin?" Walang gana kong sagot at nagpatuloy lang sa pagkain

"Malay mo naman ate? Masaya na birthday mo this year?" Saad ni Elle. Alam nila na never naging masaya birthday ko

Nung 7yrs. Old ako naaksidente si mama sa mismong araw ng birthday ko. Nung 12 yrs. Old naman ako ay ako naman ang nadisgrasya nahulog ako sa hagdanan namin noon at nabalian ng buto. Sa araw ng birthday ko laging May nangyayaring disgrasya o kaya naman ay May emergency na kailangang asikasuhin.

"Sana nga..." Saad ko. Sana nga masaya na lalo na at kasama ko na si Zack gusto kong kasama ko sya mag-celebrate ng birthday ko

After ko kumain ay umuwi na muna ako sa bahay. Dumeretso lang ako sa kwarto ko at nahiga. Napansin ko naman na tumabi sakin si Zack

"Ikaw ha? Birthday mo na pala bukas di mo manlang ako sinabihan!" Nagtatampong tonong saad nya

"Di ka naman nagtanong e!" Natatawang saad ko

"Napaka pilosopo mo talaga babe!" Saad nito at yumakap sakin saka nya isiniksik sa leeg ko ang mukha nya. "Gusto kong maging masaya ka bukas baby..." Saad nito sa ganoong posisyon " kahit anong mangyari gusto kitang maging masaya bukas ok?" Simpleng pagtango lang ang nagawa ko

Nagbihis lang ako ng pangtulog at saka nahiga sa kama.. magkaharap kami ni Zack magkatitigan lang kaming dalawa at nakangiti sa isa't isa

"Ang ganda mo baby..." Nakangiting saad nya saka nya hinawakan ang pisngi ko.. hinalikan nya ang noo ko "i love you" saad nya at ngumiti ako sa kanya

"I love you too.." sa pagkakataong ito naman ay ako ang humawak sa mga pisngi nya at hinalikan sya sa labi "goodnight baby" nakangiting saad ko at yumakap na sa kanya saka ko ipinikit ang mga mata ko

Nagising ako ng maramdaman kong May humahaplos sa pisngi ko at hinalik halikan ang buong mukha ko "baby gising na..." Malambing na saad nya. Ito ang pinaka masayang oras araw-araw para sa akin dahil ramdam ko ang pagmamahal nya "it's your birthday baby... Happy birthday" saad nito at hinalikan ako sa labi


Tinatamad pa akong tumayo pero napilitan ako kaya pumunta muna ako sa CR para gawin ang morning routine ko.. Paglabas ko nakaabang na sya sakin at niyakap nya ako ng mahigpit.

"I love you baby..." Saad nito at hinalikan ako sa noo. Sabay kaming bumaba at nagulat ako ng pumutok ang confetti kasabay ng sigaw ng lahat

"Happy birthday Cynothaila!!!"masayang bati nila mama at papa kasama sila Elle at Yreal pati mga jowa nila. Nandito rin ang iba naming mga kaklase pati si Ms. Silvia. Tiningnan ko si Zack at nakangiti lang sya

"Happy birthday anak blow your first birthday cake" saad ni mama habang hawak naman ni papa yung cake. Oo first birthday cake ko dahil di ko dahil nga never natuloy yung birthday ko.. "make a wish anak..." Nakangiting saad ni papa kaya pumikit muna ako

This is my first cake and ang wish ko ay ang manatili si Zack sa buhay ko...

I blow the candle at pumalakpak silang lahat. Binigay nila mga regalo nila sakin at nagsimula na kaming kumain. Meron pang nagsabi ng messages para sakin halos lahat sila at ang pinaka nagustuhan ko ay yung kay papa at mama pati na rin kela Elle at Yreal...

Gabi na nang matapos ang party naglaro kami at aaminin kong sobrang saya. Ito ang pinaka masaya sa lahat... Nagsiuwian na ang lahat at ako naman ay tinulungan na si mama

"Thankyou Mama sa inyong dalawa ni Papa" nakangiting saad ko at niyakap sya sakto namang lumabas si Papa kaya yumakap rin ito sa amin

Umakyat na rin ako sa taas at pumasok sa kwarto ko wala si Zack at kanina ko pa sya hinahanap pero wala.

Ilang sandali pa ay May kumatok sa pinto ng kwarto ko at ng bumukas ito ay si Mama pala..

"Anak aalis kami ng papa mo May nangyari sa pasyente nya e maiiwan ka muna namin dito ha? Pakisaraduhan ang gate" nagmamadaling saad ni mama at umalis din agad.

Ilang minuto lang ay bumaba na rin ako. Tahimik na at halatang wala sila mama at papa. Patay ang ilang pero May napansin akong mga nakatirik na kandila at nagsilbi itong daan kaya sinundan ko ito...

Habang sinusundan ko ito ay biglang tumunog ang isang sweet song... Perfect by Ed Sheeran

I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me
'Cause we were just kids when we fell in love

Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine


Nung parteng chorus na ay nagpakita sya sakin while holding a rose... Lumapit sya sakin at ibinigay nya sakin yon... Inaya nya akong magsayaw sa palibot ng mga kandila at mga petals sa sahig

"Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight" sumasabay sa kantang saad nya.. It was so romantic tonight hindi mawala ang mga ngiti ko sa mga labi ko

"Happy birthday baby..." Muling saad nito at sa puntong ito naiiyak ako dahil sa sobrang saya.. "i love you.." muling saad nya at hinalikan ako sa labi.

"I love you t---" naputol ang sasabihin ko ng...




Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon