THE PROMISE...
THAILA'S P.O.V.
Unti-unti akong naglakad palapit sa kanya. Kinakabahan ako sa mga titig nya sakin. Nang makalapit ako ay hindi manlang sya mabakasan ng sayang makita ako.
Hinawakan ni tita ang balikat ko at nakangiti syang nakatingin sakin kaya ngumiti ako. Muli kong tiningnan si Zack at pagkunot lamang ng noo ang bumakas sa kanyang mukha
"Mom? Who is she?" Tanong nya nagpatigil ng mundo ko...
H-Hindi... Z-Zack... Don't tell m-me....
Tumingin ako kay Tita at nagtataka rin syang tiningnan ako. Agad na lumapit si Papa sa akin at chineck si Zack
"Nathan did you recognize her?" Tanong ni Papa at unti unti nang pumatak ang luha ko
"N-No... Who is she?" Muli nyang tanong at nagtuloy tuloy na ang luha ko
"How about in your dreams? Did you remember her?"tanong pa ni Papa at nag isip si Zack kaya natagalan syang sumagot.
Oo ang sagot na iniintay ko Zack please.. wag mo kong kalimutan Zack hindi ko kakayanin...
"No" simpleng saad nya kaya tumakbo na ako palabas ng kwarto nya at umupo sa upuan na katabi ng pintuan ng kwarto nya. Dun ang umiyak ng umiyak. Ito na yung kinatatakutan ko. Ang hindi nya maalala ang tungkol sakin, samin...
Ilang sandali pa ay lumabas si Tita Leah kasunod nya si Papa. Pumunta sila sakin at tumabi. "Napag usapan na namin ito noon Thaila nung dumalaw kayo ng mga kaibigan mo hindi na namin sayo sinabi sayo noon dahil maliit na tsansa lang naman na maaaring magkaron sya ng amnesia.." paliwanag ni Papa "kaya nung nagising sya nagtanong ako about sa sarili nya and natandaan naman nya lahat kaya natuwa kami dahil hindi sya nagkaron ng amnesia.." dugtong pa nya
"Pero Thaila... Ikaw... Hindi ka nya maalala" saad ni Tita Leah na nagpaiyak sakin ng sobra
"Maybe he's forgot about his dreams dahil madali lang naman kalimutan Ang isa---"
"P-Pa... T-Tama na... A-Ang sakit ng marinig e.." nag iiyak kong saad tinapik lang ni Papa ang balikat ko at sumenyas na mauuna na. Kaya natira na lamang kaming dalawa ni Tita. Hinayaan nya akong umiyak ng umiyak hanggang sa tumigil na ako
"Nag aasikaso ako ng higaan nya kanina ng napansin kong gumalaw ang daliri nya at nagmulat ng mga mata.. sa sobrang gulat ko ay nataranta ako at tinawag ang papa mo. Nagtanong agad sya kung May naaalala si Nathan and he said yes kaya nakahinga ako ng maluwag. Ang sabi ko sa sarili ko the long wait is over dahil hindi ako sumukong umasa na gigising pa sya... Kaya Thaila please wag mo syang bibitawan.." biglang kwento ni Tita Leah kaya ngumiti lang ako sa kanya
Umuwi nalang muna ako sa bahay namin at nagpahinga. Hindi ko matanggap na hindi nya ako maalala pero siguro ayos na yon at least makikita ko pa rin sya at pwede ko pa syang makasama. Basta hindi ako susuko na muli nya akong maalala kung hindi man nya magawa. Magsisimula nalang ulit kaming dalawa.
It's been a week mula ng magising sya nandito ulit ako sa ospital. Chinecheck sya ni Papa. Hindi talaga nya ako maalala kaya hinayaan ko nalang minsan kinakausap ko sya pero hindi sya masyadong nagsasalita sakin. Kapag binibisita ko rin sya lagi syang tulog kaya umaalis nalang ako at umuuwi sa bahay. Kapag naman naaabutan ko syang gising ako ang naghahanda ng pagkain nya pero hindi nya kinakain at hinahanap nya si Tita.
Ngumingiti nalang ako kay Tita para mabawasan ang awa nya na nakikita ko sa mga mata nya. Alam kong mahirap at masakit na hindi na nga nya ako naaalala hindi pa nya ako kinakausap ng maayos at parang iniiwasan ako.
Minsan kapag umuuwi ako galing sa ospital ay umiiyak ako sa kwarto ko. Sobra akong nahihirapan at nasasaktan sa nangyayari pero sabi ko nga sa sarili ko hindi ako susuko sa kanya. Kakapitan ko yung masasayang memories na nangyari saming dalawa
"Ok Nathan pwede ka nang makauwi bukas magaling ka na naman" nakangiting saad ni Papa kaya ngumiti sya. Iba yung ngiti nya noon kesa sa ngayon. Parang pilit lamang ang ngiti nya..
"Maraming salamat Doc Hizon" saad ni Tita Leah habang nakangiti saka sila tumingin sakin. Sinenyasan nila akong aalis muna sila kaya tumango nalang ako at ngumiti sa kanila..
Pagkalabas nila ay naghintay muna ako ng ilang sandali at huminga ng malalim bago ako tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Prenteng nakaupo lang sya sa kanyang higaan habang nakasandal sa pader inaabot nya ang apple sa bed side table nya kaya tinulungan ko ito
"A-Ako na huhugasan ko muna.." saad ko rito at ngumiti pero tiningnan nya lang ako
"Wag na ayos lang yan pupunasan ko nalang..." Malamig na saad nya at kinuha nya sa kamay ko yung apple at ipinunas sa damit nya saka ito kinagatan
"Ahm... O-Orange? Gusto mo ipagbalat kita?" Tanong ko pero di nya ako pinansin..
"Ayoko may kinakain na ako!" Saad nya
"A-Ahh oke---"
"Bakit ba nandito ka?! Hindi naman kita kilala dahil naaalala ko naman lahat mula ng maaksidente ako pero hindi ko alam kung bakit andito ka pa din? Yaya ka ba namin?" Tanong nya sobrang sakit nya magsalita at hindi ko kinakaya. Sya pa ba yung minahal ko at minahal ako??...
Bakit parang gusto ko nalang bitawan ang pinangako ko sa kanya..? Susukuan ko na ba ang pangako ko?

BINABASA MO ANG
Until We Meet Again...
RomanceDid you experience having a third eye? but did you also having a relationship with a ghost? Paano kung isang araw May makilala kang isang multo at magkaron ka ng nararamdaman sa kanya? Are you ready for its consequences?