FIRST...?THAILA'S P.O.V
After ng pag uusap namin kagabi ay nagpaalam na akong matutulog dahil may pasok pa ako.. pero ang totoo umiwas na ako dahil di ko alam kung bakit ganon yung nasabi ko sa kanya
"Isa na kaya ako sa mga stars dyan?" Malungkot na tanong nya habang nakatingin sa langit
"Hindi pa siguro..." Wala sa sarili kong sagot dito at napatingin ito sa akin
"Sana nga..."
Na-feel kong bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin nya yon habang nakatingin sa aking mga mata ng deretso..
Nagmulat na ako ng mga mata kahit hindi pa tumutunog yung alarm ko. Mabilis akong naligo at nag ayos ng sarili. Pagkababa ko ay magluluto palang si Mama
Tumingin ako sa wall clock at 6:02 am palang yung oras. 8am pa yung pasok ko. Ewan ko rin kung bakit ang aga aga ko nagising ngayon pero parang nagustuhan ko kasing mag aral na ng mabuti alam mo yon? Hinde malamang di ka nag aaral ng mabuti e chour! Hahaha..
"Thaila ikaw ba yan??" Gulat at di makapaniwalang tanong ni mama
"Ay hindi Ma! Ako bahay lang po ako! Magpapaalam lang ako na magnanakaw ako sa bahay nyo!" Pilosopong sagot ko kaya napaismid ito at binato ako ng pot holder na agad kong naiwasan
"Lechugas kang bata ka! Kung ano ano pinagsasabi mo! Iniinis mo ko Thaila agang aga ah?!" Iritang sagot nito habang nakapamewang
"Edi mamayang gabi nalang" pabulong kong saad saka pinulot yung pot holder
"Ano kamo?! May sinasabi ka bang bata ka ha?! Napakapilosopo mo talaga!" Sabi nito sakin at pinagpatuloy ang pagluluto nya kung ano ano pa yung mga sinasabi nya pero umupo nalang ako at nagtakip ng tenga maya maya lang ay dumating si Papa nagulat din ito at parang di makapaniwala nagkusot kusot pa ng mata galeng!
Hmp! Bawal na ba akong gumising ng maagap?
Lumapit si Papa kay mama at niyakap nya ito ng mahigpit "goodmorning asawa ko! Hmm... Ang bango bango naman ng niluluto mo" paglalambing niya kay mama
"Umalis ka nga sa likod ko! tatadyakan kita Jan!" Pagbabanta nito kaya umalis na si Papa umupo na sya sa tabi ko at nagtatakang tumingin sakin
"Oo na Pa! Maniwala ka na sa himala! Bakit? Bawal na ba magbago?" Saad ko dito
"HAHAHAHA... Hindi pa ako maniniwala Jan nak! Hihintayin ko muna kung gaano ka tatagal sa pagiging maagap mo!" Natatawang saad nito
Akala ko pa naman pupurihin nya ako nanlait pa nga! Hmp! Tingnan nyo hanggang matapos ang school year maagap ako! Ipapangako ko rin na tataas ang grades ko!
After magluto ni Mama ay kumain agad kami ni Papa. Mainit na naman ulo ni Mama kaya nilalambing syang pilit ni Papa. Agang aga ang lalandi ng magulang ko syemsss di ko sila afford May ghad!
Nang matapos ako ay nagpaalam na akong aalis. Nagpahintay pa si papa para daw sabay kami e hindi pa nga sya nakakalahati nung kinakain nya e. Si mama naman binatukan pa si Papa dahil puro daw kasi kalandian psh! Parehas lang naman sila.
Iniwan ko silang nagtatalo sa hapag kainan ako naman ay dumeretso ng lumabas ng bahay. Maya maya lang ay sumulpot na sya
"Goodmorning Thaila!" Nakangiting bati nito
"Goodmorning Zack! Mukhang ansaya mo ngayon ah?" Puna ko rito
"Ewan ko nga e! Feeling ko lang May magandang mangyayari ngayon!" Nakangiting saad nito
Nagpatuloy kami sa paglalakad kapag May dumadaan o nakakasalubong kaming tao hindi ako nagsasalita dahil baka kung ano isipin ng mga yon. Naglalakad lang kami papunta sa school. Habang naglalakad ay nag usap kami kung ano ang gagawin namin para matulungan sya
"Zack lang ba talaga naaalala mo sa pangalan mo?"
"Oo pinipilit ko ngang alalahanin lahat e pero di ko talaga matandaan" sabi nya at napakamot sya ng batok
"Huwag mo na munang pilitin darating din yung panahon na maaalala mo rin yan!" Nakangiting saad ko dito at tiningnan sya nakatingin din pala sya sakin. Natulala na naman ako sa mga mata nya
"Thaila! Ilag!" Biglang sigaw nito at kinabig nya ako papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit. Natumba kaming parehas at pag bagsak ko ay natagpuan ko ang sarili kong nasa ilalim nya pero lakit gulat ko rito ng makita ko ng malapitan ang kanyang mga mata at...
At....
At ang labi nya ay nakadampi na sa mga labi ko... That was my First... Kiss?
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again...
RomanceDid you experience having a third eye? but did you also having a relationship with a ghost? Paano kung isang araw May makilala kang isang multo at magkaron ka ng nararamdaman sa kanya? Are you ready for its consequences?