Chapter 11

384 15 0
                                        

OUR FAITH...

"Bilisan mo na nga Jan!" Angaw ni Zack sa labas lagi syang ganyan kapag umaga. Sya ang nagturo sakin na magbago at kailangan daw mag aral ako ng mabuti

"Oo na eto na!" Sigaw ko habang nasa loob ng CR

"Ang bagal bagal mo! Malelate ka na naman nyan eh! Bilisan mo Jan kundi papasukin kita Jan!" Sigaw nito

"Edi pasukin mo!" Pamimilosopo ko habang nagtatapis ng tuwalya. Napangisi nalang ako ng di sya nakapagsalita agad. Pero agad akong napatalon ng lumitaw sya sa harap ko

"Pasukin pala ha?" Nakangising saad nya habang nakatingin sakin ng masama. Dahan dahan na syang lumapit sakin kaya napaatras na rin ako

"A-Anong binabalak mo ha?!" Kabadong tanong ko rito. Lalo syang napangisi tumingin sya sa labi ko at kinagat nya ang labi nya.

"Ang bango mo baby.." husky na saad nito. Huminto sya at tiningnan nya ang mukha ko hanggang Paa. "Fresh..." Soft boys na saad nito at nagpatuloy sa paglapit sakin. Napahinto ako ng pader na pala ang naatrasan ko. Agad nya akong kinulong sa pagitan ng dalawang braso nya

"H-Hindi magandang b-biro yan Z-Zack!" Sabi ko rito at inilapit nya sakin ang mukha nya kaya napapikit ako. Pero ilang sandali pa ay lumapat ang labi nya sa noo ko kaya nagmulat na ako ng mga mata...

"I love you baby..." Sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin nya yon... "Magbibihis Kana o ako magbibihis sayo? Choose pero mas bet ko yung pangalawa" nakangising saad nito at inalis na ang dalawang braso nya na nakatuon sa pader

"Magbibihis na! Lumayas ka na dito!" Bulyaw ko rito at nagtawa lang ang loko bago ito naglaho. Hinawakan ko naman ang puso ko dahil sa kaba juskoooooo

Nang matapos ako ay kumain na muna ako bago ako umalis ng bahay. Naglalakad lang kaming dalawa at tahimik dahil marami kaming nakakasalubong. Magka-holding hands lang kaming dalawa at ng mapadaan kami sa isang park ay May nakita akong matandang nakatingin sa akin.

Nung una ay nginitian ako nito kaya ngumiti nalang din ako pabalik.. pero nung napadako ang tingin nya sa tabi ko ay tila ba nakikita nya si Zack nagbago ang ekspresyon nito at muling tumingin sakin. Parang kinakaawaan nya ako sa mga tingin nya..

Nakarating kami sa school and as usual. Puro sulat na naman sa first subject and sa second subject naman ay puro discuss..

Nung break time namin ay tumambay ako sa bench kasama si Zack. Walang masyadong tao kaya nakakapag usap kaming dalawa pero nahinto yon nang May lumapit sakin..

"Hi Thaila" bati ni Liam isa sa nagkakagusto sakin na di ko pinapansin. Nakita ko si Zack na masama ang tingin rito pati sa akin pero nagkibit balikat lang ako sa kanya

"Tss.. sino yan babae ha?! Paalisin mo yan dito!" Nakangusong saad nito pero di ko muna ito tiningnan

"Ano kailangan mo?" Straight to the point kong saad.

"Baby! Bakit di mo ko pinapansin?! Paalisin mo na yan!" Naiirita na nitong sabi sa akin pero di ko ito pinansin " baby di ko gusto mga titig at ngiti nya sayo!" Seryosong saad na nito

"Wala lang... Nakita lang kitang mag isa kaya nilapitan kita" saad pa nito at ngumiti kaya lalo syang pumogi "and gusto sana kitang imbitahin sa sabado kung pwede kang makasamang lumabas?" Tanong nito at si Zack naman ay tuluyan ng umalis. Susundan ko na sana ito ng hawakan ni Liam ang braso ko kaya agad ko itong tinanggal

"Ahh... sorry may jowa na ko" simpleng saad ko rito at tumakbo na palayo. Hindi ko na alam kung saan nagpunta si Zack hinanap ko sya pero di ko makita. Kaya napagpasyahan ko nalang na pumasok sa next subject ko

Math ngayon and di ako mapakali. Nagpapalingon lingon ako nagbabakasakaling nasa paligid ko na sya pero wala. Natapos na ang buong klase at mag isa akong naglalakad dahil wala pa rin si Zack

Nang mapadaan ako sa park ay nakita ko na naman yung matanda kanina. Kung nung una ito'y nakangiti ngayon naman ay hindi. Bigla syang lumapit sakin kaya hinarap ko na rin sya

"Apo... Maghanda ka!" Saad nito na parang kinakaawaan na agad ako

"P-Po? P-Para saan po?" Takang tanong ko rito

"Malapit mo ng harapin ang parusa mo at malapit na syang umalis sa tabi mo apo..." Malungkot na saad nito sa akin. Isa lang naman ang alam kong pwedeng mawala sakin ng bigla eh... Tatanungin ko pa sana yung matanda pero wala na pala ito

Naglakad ako ng May mabigat na iniisip.

kaya ko na ba? Kaya ko na bang mawala sya? Kaya ko na bang harapin ang parusa ko dahil nagmahal ako ng isang multo? Alam kong May consequences ang lahat pero anong klaseng parusa?

Ang alam ko lang sa sarili ko kaya kong harapin ang parusa kung makakasama ko sya... Basta I still have my faith to God dahil alam kong May maganda syang plano para saming dalawa...

Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon