Chapter 17

377 15 0
                                    


THE TRUTH...

THAILA'S P.O.V.

Sabi nila sa paglipas ng panahon maghihilom ang sugat sa puso ng isang tao. Pero bakit sakin hindi nangyayari? Gaano ko pa ba katagal itong pagdurusahan? At bakit ako pa?

Bakit nga ba sakin nangyari ang ganitong bagay? Oo alam kong everything has a reason pero ano nga ba ang rason?

Sinimulan kong dahan dahanin ang pagpasok at bumungad sakin ang nakatalikod na doctor. Nakaharap sya sa pasyenteng nakahiga sa kanyang kama. Nasa tabi naman ng doctor ang ina ng pasyente at tinitingnan lang din ito.

Halos natatakpan nila ang pasyente kaya di ko ito makita. Muli kong tiningnan ang papel at ang dala kong pagkain ni Papa saka ako dahang dahan lumapit. Natatakot akong lumingon sa pasyente kaya deretso lang akong nakatingin sa Papa ko.

Napansin kong lumingon sakin ang babaeng nakasabay ko sa elevator kanina. At saka lumingon sakin si Papa ng mapansin nyang nakatingin sa gawi ko yung babae.

Nang makalapit na ako sa kanila ay ngumiti silang pareho. Ngumiti ako pabalik at ibinigay kay Papa yung dala ko "P-Pa eto na yung pinadala ni Mama.." saad ko na nakatitig kay Papa para makaiwas ng tingin sa lalaking walang malay na nakahiga

"Salamat anak" saad ni papa at tumingin sya dun sa babae "Mrs. Gordon eto nga pala ang nag iisang anak ko si Thaila" saad ni Papa kaya tumingin ako kay Mrs. Gordon at ngumiti

"Oo Doc nakilala ko na sya kanina lang..." Nakangiting saad ni Mrs. Gordon na ikinagulat ni Papa natawa nalang kami sa reaksyon nito "so Thaila pala ang pangalan mo? By the way just call me Tita Leah.." saad nito kaya ngumiti at tumango nalang ako.

"Well magkakilala na pala kayong dalawa? Hahaha.. siguro mamaya na ako makikipagkwentuhan sa inyo i have to go May iba pa akong aasikasuhin.." paalam ni papa na nauna nang lumabas

"By the way Thaila this is my son Nathan yung kinuwento ko sayo.." turo nya sa pasyente. Nanginginig at dahan dahan ko itong tiningnan...



Sa mga huling sandali ay natulala ako at kumabog ng mabilis ang puso ko... At tuluyan nang nanginig ang kalamnan ko sa nasa harap ko ngayon...





Si Z-Zack....


Tuluyan nang pumatak ang luha ko sa hindi ko maintindihang nararamdaman. "Z-Zack..." Wala sa sariling saad ko

"D-Do you know him?" Nagtatakang tanong ni Tita Leah kaya napatingin ako sa kanya kahit patuloy na nalalaglag ang mga luha ko. Unti unti akong tumango at tuluyan na akong humagulgol

Sinimulan akong yakapin ni Tita Leah at pinatahan pero hindi ko na napigilan ang mga luha kong kumawala ng kusa..

Pagkatapos ng pag iyak ko kanina ay sinubukan kong huminahon agad. Tiningnan ko ang walang malay na si Zack at gwapo pa rin ito kahit May mga benda pa sya..

Ikinuwento ko kay Tita Leah ang lahat ng nangyari. Nung una hindi sya naniniwala but everytime na sinasabi ko ang mga katagang sinasabi ni Zack ay unti unti itong naniwala. Kaya habang nakikinig sya sakin ay nakahawak sya sa mga kamay ng kanyang anak at umiiyak...

"Before sya naaksidente Naabutan ko syang naglalaro ng basketball sa bakuran namin sabi ko tumigil na muna sya sa paglalaro dahil May inihanda akong meryenda pero sabi nya mamaya nalang daw kaya hinayaan ko syang maglaro at pinanood ko lang sya... Nang inihagis na nya ang bola bigla itong sumala at tumalsik sa malayo... Pinagalitan ko sya noon dahil baka May matamaan o makaaksidente sya ng ibang tao pero hindi na nya ako pinansin dahil tinakbo agad nya yung bola... Akma na akong papasok ng bahay noon ng bigla akong makarinig ng malakas na pagsalpok ng bakal at nakaramdam ako ng kaba agad ko itong pinuntahan at..." Naiyak na naman sya ng sobra

"N-Nakita ko syang naliligo sa sariling dugo at walang malay na nakahandusay habang pinaliligiran ng maraming tao..." Saad nya kaya pati ako ay napaiyak na rin "that was November 25 the un--" nagulat ako ng bigla nyang banggitin ang petsa

"N-November 25 po?!" Kung hindi ako nagkakamali... Y-Yung b-bola that day...

Muntik na akong madapa ng May bola ng basketball akong nasipa. Leche sino naman naglagay nito dito?! Paano yung nadapa ako ng tuluyan?! Hayst badtrip naman na araw oh!

Sa inis ko ay itinapon ko nalang ito sa kung saan palayo sakin at ilang minuto lang ay May narinig akong isang malakas na pagsalpok ng kung ano pero di ko na ito pinansin dahil sa badtrip ko at dumeretso na sa bahay...

"K-Kung hindi po ako nagkakamali sa kanya ang bolang muntik ko ng maapakan!" Saad ko kaya ikinagulat ito ni tita Leah at tumingin sa akin

"Kaya ba ikaw ang sinundan ng kaluluwa nya?" Tanong nya na unti unting sumasagot sa tanong ko kung bakit ako ang nakasama nya... Ito na ba ang sagot o rason?

Nagkwentuhan pa kaming dalawa ni Tita hanggang sa napatingin ako sa orasan..
Medyo gabi na rin kaya nagpaalam na ako dahil May pasok pa ako bukas..." Sige iha mag iingat ka, masaya akong kahit kaluluwa lang si Nathan ay nagawa mo pa syang tanggapin at mahalin..." Masayang saad nito sakin kaya ngumiti ako ng malawak.

"Babalik nalang po ako bukas after class..." Saad ko dito at niyakap na ako ni tita pagkatapos ay lumapit ako sa May tenga ni Zack " please comeback to me baby... I'm here na hindi na ko papayag na mawala ka pa..." Bulong ko dito at hinalikan sya sa pisngi

Umuwi ako sa bahay ng May ngiti. Nang makarating ako ay dumeretso na agad ako sa kwarto ko at nahiga sa kama...

Isang malawak na ngiti ang bumabakas sa mga labi ko ngayon..

buhay si Zack... Buhay ang mahal ko...

Naiiyak ako sa sobrang saya. Sa pagkakataong ito tutuparin ko na ang sinabi kong kapag nahanap ko na yung para sa akin hinding hindi ko na ito papakawalan

Ngayong alam ko na ang katotohanan wala nang makakahadlang sa pag iibigin naming dalawa ni Zack sana lang ay gumising na agad sya dahil excited na ako pero di ko rin maiwasan na kabahan.. what if hindi na nya ako makilala? Anong gagawin ko?....

Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon