FRIENDS?THAILA'S P.O.V
Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko kaya agad ko itong inabot at pinatay. Umupo muna ako sa kama at nagkusot kusot ng mga mata. Nag unat na rin ako ng mga braso at inaantok na pumunta sa CR upang maghilamos at maligo na.
Sa sobrang antok ko ay natagalan ako ng isang oras sa loob ng CR. Pagkatapos ay nag ayos na ako para makababa na at kumain ng almusal. Pagkababa ko nakita ko sila Mama na kumakain na..
"Goodmorning anak!" nakangiting sabi ni Mama sakin pero bigla itong naglaho " hindi ka na nagbago! Late ka na naman! Ambagal bagal mo kasing maligo! Ayan sige! Magpuyat kapa!" Biglang sigaw nito sa akin kaya napaatras ako akala ko maganda ang mood nya ngayong umaga hindi pala
"Hays! Hayaan mo na nga yang anak mo pakainin mo na muna yan kesa angawan mo lalo yang malelate e!" Saad ni Papa o diba May kakampi ako hihi... "Hoy! Ikaw bata ka! Sinabihan kita kagabi diba?! Wag mo ng uulitin ha?kumain Kana at ng makasabay ka sakin! Pasaway ka talaga! Bilisan mo at malapit na akong matapos!" Angaw din sa akin ni Papa akala ko pa naman kakampi ko hayst! Ang iinit ng ulo nila ngayong umaga ha?
Umupo nalang ako at kumain ng mabilis si Papa naman ay nauna ng lumabas para ihanda yung sasakyan. Nang matapos ako ay nag paalam na ako kay Mama
Pagkalabas ko ng bahay ay naabutan kong nasa loob na ng sasakyan si Papa at binuhay na yung kotse. Papasok na sa trabaho si Papa ako naman ay sa school kaya sabay kami lagi sa uwian lang hindi dahil late syang umuwi kesa sakin
Isa syang doctor sa isang kilalang ospital at hindi sa pagmamayabang sya ang pinakamagaling na surgeon doon. Nang makarating na ako sa gate ng school ay nagpaalam na ako kay Papa at inintay itong makaalis
Bigla kong naalala yung nangyari kagabi siguro panaginip ko lang yon kakabasa lang siguro ng wattpad kaya ako nakapag imagine ng ganon.
"Okey! Kalimutan mo na yon! Cynothaila Hailey Hizon imaginations mo lang talaga yon. Wala na sya ok?" Sabi ko habang nakapikit at ng magmulat ako ng mata ay napasigaw ako ng malakas sa nasa harapan ko
Hindi! Hindi pwede! Hallucinations lang to! Pinikit ko pa ng ilang beses ang mga mata ko pero hindi ito nawawala sa harapan ko habang nakangiti... Y-Yung lalaking multo kagabi nasa harapan ko habang nakangiti sakin a-anong gagawin ko?!
"Goodmorning! Napag isipan mo na ba?" Nakangiting saad nito
"A-Alin?" Sabi ko na pabulong at nilagpasan na sya dahil nasa akin na pala nakatingin ang mga mata ng ibang studyante
"Y-Yung tutulungan mo kong maalala lahat?" Tanong nito kaya hinarap ko sya. Nakalimutan ko yun kagabi hayts akala ko pa naman nakaligtas na ako sa multong ito
"H-Hindi pa ----" naputol ang sinabi ko ng May bumangga saking matabang lalaking tumatakbo na out balance ako at kung hindi ako nagkakamali sa kanal ako babagsak. Napapikit nalang ako dahil wala na akong magagawa pero ilang minuto pa ang lumipas ng hindi ko naramdaman at naamoy ang mabahong tubig sa kanal... Nang magmulat ako ng mata ay nakita ko ang isang light brown na pares ng mga mata. Napakaganda pala ng mata nya
"A-Ayos ka lang ba?" Malambing na tonong saad nya ngunit nanatili akong nakatitig sa kanya. Bakit parang nalulunod ako sa ganda ng mga mata nya? Nakikita ko ang kalungkutang nararamdaman nya sa mga oras na ito at para bang humihingi ng tulong
"Tutulungan na kita..." Wala sa sariling nasabi ko na ikinagulat nya
"Talaga?!" Gulat pa nyang sabi at dun na ako natauhan. Napaayos na ako ng tayo dahil nakahawak pala sya sa bewang ko at nakaalalay
"H-Huh?" Takang tanong ko pero huli na...
"Wala nang bawian! Nasabi mo na! Tulungan mo ako at tutulungan din kita sa mga problema mo..."
"P-Pero---" biglang nawala ang ngiti nya at seryosong tumingin sakin "s-sige na nga!" Napipilitan kong sabi at muli kong nakita ang mga ngiti nya sa labi
B-Bakit ngayon ko lang napansin na sobrang gwapo pala ng multong ito?! Ang saya nya makitang masaya at nakangiti.. kung hindi ka lang mult----
"T-Teka nga! Diba multo ka? B-Bakit nahawakan mo ako kanina? At hindi ka ganun kasing lamig?" Takang tanong ko rito. Malakas na ang loob kong magsalita dahil wala nang studyante ngayon sa paligid namin dahil time na
"Kaya namin hawakan ang gusto naming hawakan at hindi ko naman alam kung bakit hindi ako malamig. Sa totoo lang wala pa akong ibang nakikitang multo bukod sakin..." Paliwanag nito
"H-Huh? Pwede ba yon? Hays Nevermind! Papasok na ako late na ako mamaya nalang ulit!" Paalam ko rito pero muli ko syang hinarap "hindi ka ba pumapasok sa school?" Tanong ko rito na ikinakunot ng noo nya
"Hindi ko alam e" sagot nya sakin
"Di na bale... Teka ano bang pangalan mo?"
"Ang naalala ko lang sa pangalan ko ako si Zack..."
"Ako naman si Thaila nice to meet you Zack see you later..." Nakangiti kong sagot saka sya iniwan. Ang weird pero bakit parang nae-excite ako? Hayst bahala na nga!
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again...
RomanceDid you experience having a third eye? but did you also having a relationship with a ghost? Paano kung isang araw May makilala kang isang multo at magkaron ka ng nararamdaman sa kanya? Are you ready for its consequences?