Chapter 8

440 14 0
                                    


ROOM 025..?

THAILA'S P.O.V

"M-May naalala ako kanina about sa nangyari sakin..." Saad nya hindi ko alam pero may naramdaman akong kaba o takot sa hindi ko alam na dahilan " yung sinabi kong bola ng basketball, naalala ko na naglalaro ako ng basketball pero hindi ko alam kung saang lugar yon. Solo lang akong naglalaro at nung hinagis ko yung bola... H-Hindi ko na alam kung anong nangyare" dugtong pa nya na ikinalungkot nya

"A-Ano ka ba? Maaalala mo rin yan lahat wag ka magmadali ok? Ayos lang yan malay mo mamaya or bukas? Madagdagan yan diba?" Pagchecheer up ko rito " sabihan mo ko ulet pag May naalala kang bagay para mapagtagpi tagpi natin lahat ng tungkol sa nangyari sayo ok?" Saad ko pa. Tumango naman sya sakin at muling ngumiti

Hindi na kami umimik pa at bumalik na kami sa classroom alam kong nasa likod ko lang sya at nakikinig rin sa teacher namin.

Hindi ko maiwasan na hindi mag isip about sa kanya. Patuloy lang ang mga what if's sa utak ko. What if maalala na nya lahat at bigla nalang sya maglaho? Kasi ganon naman sa palabas diba? Kapag naalala na nya yung mga nangyari sa kanya tuluyan na syang maglalaho?
Ewan ko pero ang weird na talaga!

Natapos ang second subject ng di ako natulog at ikinatuwa yun ni Ms. Silvia sana raw ay ipagpatuloy ko lang yon.

Kasalukuyan kaming nakatambay tatlo sa bench. Nag uusap lang sila tungkol sa sasalihan nilang sports sa intrams next week.

"Ikaw ate? Ayaw mo?" Tanong nila

"Hmm... Volleyball pa rin ba?" Tanong ko rito pabalik

"Oo katulad lang nung last school year." Saad nila simple lang akong tumango sa kanila at hindi na sila sinagot kinain ko nalang yung binili kong pagkain sa canteen kanina

"Bakit ang seryoso mo ate?" Tanong ni Elle

"Ah wala gutom lang.." tipid kong saad at ngumiti sa kanya. Natapos ang buong maghapon at lahat ng teachers ko pinuri ako dahil di na raw ako natutulog sa klase nila

Maagap akong umuwi pero pinapunta naman ako ni Mama sa hospital para dalhan ng pagkain si Papa dahil baka raw malelate raw ito ng uwi.

Nasa tabi ko lang si Zack habang naglalakad ako. " T-Thaila May g-gusto sana akong sabihin..." Panimula nya

Alam kong kanina pa nya gustong sabihin yun pero siguro nakikiramdam lang sya na wala ako sa mood kanina pa "ano yon?" Tanong ko rito habang patuloy pa rin sa paglalakad

"T-Tama ba yung narinig ko sa mga kaibigan mo?" Tanong nya na ikinakunot ko

"Ang alin?" Napatingin na rin ako sa kanya

"Na siguro daw totoo talaga yung sinasabi mo sa kanilang multo e diba ako yon?" Tanong nya at tumango lang ako rito ng simple "A-At.... gusto mo daw ako?" Tanong nya na nagpatigil sakin sa paglalakad dahan dahan akong humarap sa kanya at nakatingin rin sya sakin

"A-An---"

"Nagugustuhan na rin kita Thaila..." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Magkakatitigan lang kaming dalawa. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Gusto kong tumalon sa sobrang saya pero May part sakin na kinakabahan ako "inaamin kong una palang alam kong part ka ng past ko and May something sa puso ko kapag kasama kita..." Pagpapatuloy pa nya

"Z-Zack H-Hindi pwede!" Pagtanggi ko rito na ikinagulat nya "oo gusto rin kita at di ko ine-expect ito pero Zack magkaiba ang mundo natin!" Paliwanag ko rito

"Alam ko yun Thaila pero sana hindi na maging hadlang yon sana hayaan mong mahalin kita hanggang andito pa ako sa mundo mo..." Sa sinabi nyang yon pumatak ang unang luha ko na para sa kanya. Agad ko syang niyakap ng mahigpit ang akala ko ay lalagpas ako sa kanya pero hindi dahil ramdam kong niyakap nya rin ako pabalik

"Thaila will you be.... Mine?" Tanong nya at walang alinlangan ko itong sinagot

"What ever it takes sayo na ko. Lalaban tayo at eenjoyin natin ang natitirang sandali Zack..." Sabi ko  sa kanya. Walang mapaglagyan ang saya namin sa sandaling iyon

Oo nagkajowa na ako pero di ko inaasahan na isang multo ang makakabihag ng puso ko..

Nakarating kaming dalawa ni Zack sa hospital at agad kaming pumunta sa office ni Papa. Sabi ng assistant nya May chinecheck pa syang pasyente kaya naghintay nalang muna kami sa office. Nakaupo lang ako sa swivel chair ni Papa at nagpapaikot ikot don si Zack naman ay mukhang hindi mapakali

"Anong nangyayari sayo Zack?" Tanong ko rito

"Ewan ko pero parang May something na di ko ma-explain e" sabi nito akma ko syang lalapitan ng Masagi ko ang kumpol ng mga papel. Agad ko itong pinulot at May nabasa akong pangalan na natatakpan yung second name

"Natha--"

"O anak? Andyan Kana pala?" Biglang sabi ni Papa na kakarating lang kaya agad kong inayos yung mga papel na nahulog ko at ibinalik sa dati nitong lalagyan si Zack naman ay nakatayo lang sa likod ni papa at tahimik na nakamasid samin

" Ah Pa! Eto na yung pinadala ni Mama na pagkain mo" sabi ko at itinuro yung pagkain nya

"Ah sige salamat anak pasensya na natagalan ako dun sa pasyente kong Naka coma ngayon hindi pa rin kasi nagpapakita ng sign na gagaling pa sya e. Dapat ngayon May konting pagbabago pero wala" saad nito at umupo sa swivel chair nya

"Napano ba yon Papa?" Tanong ko at naupo sa couch na nasa gilid at tiningnan yung magazine

"Ang pagkakaalam ko naaksidente sa truck" saad nito at biglang bumukas ang pinto ng office nya

"Ah Doc! Yung patient sa room 025!" Kabadong sagot ng isang nurse kaya agad na tumakbo palabas si Papa naglibot ako ng paningin at wala si Zack....

Until We Meet Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon