WHAT'S WRONG WITH HIM...?
THAILA'S P.O.V.
"Bakit ba nandito ka?! Hindi naman kita kilala dahil naaalala ko naman lahat mula ng maaksidente ako pero hindi ko alam kung bakit andito ka pa din? Yaya ka ba namin?" Tanong nya sobrang sakit nya magsalita at hindi ko kinakaya. Sya pa ba yung minahal ko at minahal ako??...
Bakit parang gusto ko nalang bitawan ang pinangako ko sa kanya..? Susukuan ko na ba ang pangako ko?
After nyang sabihin ang mga masasakit na salitang iyon ay awtomatikong umalis ang mga Paa ko at tumakbo paalis ng lugar kung nasaan sya..
Tumakbo ako kung saan nya ako dinala noon kung nasaan ang pinakamagandang lugar para isigaw ang sakit na ibinigay nya kanina...
Kahit pagod na pagod na ako sa kakatakbo dahil sa sobrang layo ng lugar na yon hindi ako tumigil. Pati pagtulo ng mga luha ko ay hindi ko na rin napigilan.
Pagkarating ko roon ay napaluhod nalang ako sa damuhan saka sumigaw ng sobrang lakas "Bakiiiiitttt?! Bakit mo nagawang kalimutan din ang ipinangako mo ha?! Bakit Zack?! Bakit?!" Umiiyak na sigaw ko
"Baby kung hindi man tayo hanggang huli sana ipangako mo... Ipangako mong magmamahal ka pa rin at hayaan ang sarili mong muling sumaya ok?" Malungkot ang boses nya
"Hindi ko yan maipapangako dahil ikaw lang ang minahal ko ng sobra Zack ikaw lang..." Saad ko at tuluyan ng bumagsak ang luha ko
"I will love you till my next life I promise baby... Kahit pa tutol ang tadhana satin hahanapin kita hanggang dulo..." Sabi nito kaya hinarap ko ito
Naalala kong pag uusap namin noon dito. Humagulgol na ako.
Kakalimutan ko nalang din ba ang pangako ko? Siguro nga hahayaan nalang kita Zack... Masakit Zack at hindi ko kinaya na ito lang yung kapalit ng lahat ng pagdurusa ko. Akala ko pa naman tapos na ang parusa ko dahil minahal kita bilang multo noon.
Ibinuhos ko na lahat ng luhang natitira pa sa akin at tahimik na pinagmasdan ang lugar.. noon sobrang saya ko na makita ang magandang lugar na ito at kasama ko pa sya... Magkayakap at dinadama ang malamig na hangin...
Pero ngayon mag isa ako ramdam na ramdam ko ang lungkot ng lugar pero kinocomfort ka.. nang maramdaman kong ok na ko ay umuwi na agad ako at nagpahinga mabilis naman ako nakatulog dahil siguro sobrang pagod..
Hindi pa tumutunog ang alarm clock ko ay gising na ako at nakatulala na naman sa kisame..
Tinatamad pa akong bumangon pero pinilit ko nalang. Binilisan ko lang ang paliligo ko at pag aayos saka ako dumeretso sa kusina. Naabutan ko sila mama at papa na tahimik na kumakain nang makita nila ako ay ngumiti lang ako at nagbeso sa kanila
"Anak kain na." Saad ni Papa
"Sa school nalang po." Maikling saad ko pero nagtinginan lang silang dalawa
"Anak gusto ko bang ipaghanda kita ng baon?" Tanong ni Mama pero ngumiti lang ako at umiling
"Una na po ako.." saad ko at umalis na. Tahimik lang akong naglalakad ng maalala kong palabas na nga pala sya ng ospital ngayong umaga pero sa tingin ko di na ako kailangan dun ni hindi na nga nya ako makilala eh
Nang dumaan ako sa park ay napansin ko ang lalaking nasa swing kaya napahinto ako sa paglalakad.. anong ginagawa nya dito? Alas syete palang ng umaga ah?
No Thaila hayaan mo na sya sasaktan ka lang nyan!
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi sya pinansin kunwari hindi ko sya nakita..
Nang makalayo na ako sa park ay huminga ako ng malalim.Nagpatuloy pa ako sa paglalakad at napansin kong parang May sumusunod sakin at kinakabahan ako.. mas binilisan ko pa ang paglalakad sa abot ng makakaya ko.
Mas bumilis din ang lakad ng sumusunod sakin kaya nilakasan ko ang loob ko at biglang humarap sa kanya
Nagulat kaming pareho at napatitig sa isa't isa ilang minuto pa nang marealize ko kung sino ang kaharap ko
"A-Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko pero hindi sya sumagot
"W-Wala p-pauwi na!" Saad nya saka nauna nang lumakad
Lalakad na rin sana ako ng May tumawag sa pangalan ko "Thaila!" Sigaw ni Liam at napansin kong napalingon si Zack kaya tiningnan ko rin sya pero umiwas lang sya ng tingin
"Hi Liam" saad ko hinabol pala nya ako kaya hingal na hingal sya ngayon
"Goodmorning Thaila" nakangiting saad nya kaya binati ko rin sya pabalik "sabay na tayo sa pagpasok ah?" Tanong nya
"Sige lang" nakangiting saad ko
"Asan na nga pala yung jowang sinasabi mo noon sa akin nung nasa bench tayo?" Tanong nya at napansin kong parang bumagal ang lakad nya
"A-Ahhm.. W-Wala na kami." Saad ko
"Oh s-sorr---"
"No! It's ok!" Saad ko at ngumiti
"Pwede ka ba mamaya?" Tanong nya at napakamot sa ulo
"S-si---" naputol ang sasabihin ko ng tuluyan na syang humarap saming dalawa at nakakunot na ang noo nya dahil sa sobrang sama ng mukha nya..
Anong problema nya?....

BINABASA MO ANG
Until We Meet Again...
RomanceDid you experience having a third eye? but did you also having a relationship with a ghost? Paano kung isang araw May makilala kang isang multo at magkaron ka ng nararamdaman sa kanya? Are you ready for its consequences?