II

796 25 4
                                    

RHIAN

"Good morning." I just put my long dark hair into messy bun tinanghali na kasi ko ng gising dahil wala naman kaming pasok ngayon.

And Yes kagabi lang nangyari ang lahat ng yun, kagabi ko lang nakilala ang Stephanie Salazar na yun.

"Have any plan for today baby babe? I can go with you." Ang tanong niya habang naghahain ng almusal namin.

"Si Kelly?"

"Tuwing weekend wala siya, pasok niya yun sa Modeling Academy as a freelance mentor." Tumango na lang ako.

"Hot choco?" Tumango naman ako at hinayaan kong lagyan niya ng hot choco ang baso ko.

"Babalik lang ako sa dati naming tinitirhan namin ni Leon naiwan ko kasi yung sketch pad at yung mga gamit ko doon."

"Okay I'll go with you."

"No need Mandy I can handle this okay?" Tumango naman siya.

"Okay if you say so." Alam ko din naman tamad din to.

Pagkatapos namin kumain ng breakfast ay mabilis na kong naligo at nag-ayos naabutan ko na lang si Mandy na nanonood sa sala she's just wearing her plain white shirt and she doesn't evenn wear a bra!

"Hayst! Ano ba Mandy!" Nagtataka lang niya kong tiningnan nahinto din ang pagsubo niya sa popcorn, teka! 11am pa lang buhay tambay na agad to?

"W-wait what? May nagawa ba ko?"

"Magsuot ka nga ng bra!" Natawa naman siya ng malakas.

"At kailan ka pa nailang sakin? Ehhhh." Mabilis niyang binitwan ang popcorn at lumapit sakin sabay akbay.

"Don't tell me na may something na ah. Well not with me but with... Steph?" Naramdamam ko na lang ang pag-init ng pisngi ko kaya naiinis kong inalis yung kamay niya sa pagkakaakbay sakin.

"Hays baby babe let me remind you okay? Stephanie Salazar she's a play girl. Literally she can toy you around, papaibigin ka niya tapos iiwan ka niya."

"Tsss what are you saying? Bahala ka na nga diyan." Tumawag na lang ako ng grab tinatamad akong mag drive eh.

Pagpasok ko sa loob ng dati naming tinitirhan ni Leon nakita ko na nagluluto doon yung bagong babae niya nagulat pa siya ng makita niya ko, well sorry may extra key pa ko dito.

"W—what are you doing here?" Takot ba siya? Tsss weakling.

"Don't worry I'm not here para manggulo o para makipagbalikan sa isang gago, I'm just here para kuhanin ang mga gamit ko." Nilapag ko na yung spare key ko tsss I don't need it anymore. Nilagay ko na ang lahat ng drawing materials ko sa eco bag na dala ko, nakita ko pang natutulog si Leon tsss wag ka na sanang magising.

Palabas na sana ko ng biglang hawakan ni Leon ang kamay ko.

"Bumalik ka Rhian!" Ang masaya niyang sabi tiningnan ko naman yung babaeng halatang nasaktan ng makita niya kung gaano kasayang si Leon ng makita ako. Bigla tuloy akong nakaramdam ng... What's that word again? AWA.

"Yes bumalik ako Leon but not for you but for my drawing materials mas mahalga kasi sila kesa sayo." Pinilit kong alisin ang kamay niya at nagmamandaling bumaba ng hagdan sa paupahan niya tsss lasing ba ko ng 3 months? Paano ko nakatiis na tumira dito? Eeew.

"Rhian!" Ang sigaw niya tapos naramdamann ko na ang mahigpit niyang hawak sa braso ko, this is the first time na hawakan niya nang sobrang higpit ang braso ko.

"Leon nasasaktan na ko." Tumingin ako ulit sa babaeng nanonood sa eksena namin ng gago kong ex halata ang sakit sa kanyang mga mata.

Natural masakit talaga yung makita mong hinahabol ng taong mahal mo ang taong mahal niya. Tangina solid ang sakit nun.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now