XXIX

297 18 2
                                    

RHIAN

"Hey bakit naman kinakabahan ka diyan number 17? Kapatid mo naman yung dadating." Napabuntong hininga naman ako buti sana kung si Kuya Dos o kaya sila kuya Third at Fourth pero si Kuya Ace ee!

"Viv kahit anong pananakot ang gawin sayo ni Kuya ko wag mo kong susukuan ah." Alam kong para kong tanga dito pero uunahan ko na si Kuya baka kasi mamaya takutin niya si Viv ee.

"Kahit ikulong ako ng Kuya mo sa kwarto na may kasamang aso hindi kita iiwan." Hinawakan naman niya ng mahigpit ang kamay ko.

Hindi naman nagtagal ay lumapag na ang hinihitay namin ni Viv and then I saw my handsome kuya, pero nung magkita sila ni Viv ay nagkagulatan pa silang dalawa.

"Ikaw?!!!" Sandali lang parang magkaaway pa silang dalawa ah.

"Magkakilala kayo?" Hindi ko kasi agad sinabi kay Kuya yung pangalan ng girlfriend ko.

"Haist Rhian ito talagang babae na to ang nagustuhan mo?!"

"Kapal mo ah! Porket hindi lang kita sinagot noon tsss."

"Oh talaga?! Tsss mabuti na nga lang at nadulas ako nun sa banyo at nakalimutan ko ang nakakasulasok na dahilan kung bakit kita nagustuhan!"

"Ah so sinasabi mo na panget ako ganun? Excuse me?! I'm Vivian Avery yung iniyakan mo lang naman." Teka ano ba ang nangyayari?!

"Teka nga! Kuya! Niligawan mo si Viv?"

"Yes but wag mo ng isipin yun hindi ko din alam kung bakit ako nagkagusto sa isang kagaya niya na ang laki-laki na ee takot padin sa aso. Don't worry gusto mo iuntog na kita hanggang maaga?"

"Kesa naman sa kalalaking tao takot sa iguana." Hindi talaga papatalo si Viv ee.

"Viv kahit ako takot ako sa iguana." Humarap naman siya saakin at kinurot ang pisngi ko at ngumiti.

"Really? Kapag ikaw ang natatakot ang cute siguro nun."

"Tsss. Tara na nga." Sumakay na kaming tatlo sa kotse ni Viv ako sa passenger seat nakaupo at si kuya naman ay sa likod.

"Saan niyo gustong kumain?"

"Italian Restaurant."
"Japanese restaurant" ang sabay na sabi nung dalawa.

"Okaaaaaay sa Italian Restaurant tayo." Nakita ko namam ang pang-asar na ngiti ni Viv at ang napipikon na Kuya Ace ko.

Pagdating namin ay nag order na kami.

"Order what you want my number 17 ako ang bahala." Napangiti namam ako, pang-asar lang naman talaga si Viv pero sweet siya.

"No, ako ang magbabayad our princess." Kuya naman mag-aaway nanaman sila ee! Kaya aktong magsasalita na sana silang dalawa ng kunwari ay padabog akong tumayo.

"Where are you going Rhian?" Si Kuya.

"Sorry na number 17 wag ka ng magalit." Hinawakan naman ni Viv ang kamay ko.

"Hindi ko na papatulan ang isip bata mong kuya promise."

"Sino isip bata?!" Napabuntong hininga naman ako.

"Mag C-CR lang ako." Hinalikan ko naman sandali sa lips si Viv at binulungan.

"I trust you." Pagkasabi ko nun ay umalis na ako.

Kung totoo man na niligawan ng Kuya Ace ko si Viv ibig sabihin nun my Kuya Ace really loves her pero sa tingin ko naman they ended up as good friends at alam kung wala akong dapat na ikaselos.

VIVIAN AVERY

"Avery." Napabuntong hininga na lang ako, I know this man he really loves me before but heaven knows! Magkaaway at magkaibigan na lang kami ngayon. Hays kasi naman nung nag research si Mom tungkol sa pamilya ni number 17 malay ko bang magkapatid silang dalawa.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now