TNC:III

304 17 11
                                    

VIVIAN AVERY

Haist hindi man lang ako nakatulog kahit limang minuto bakit ba kasi nandito siya ?!

Wala pang isang ring ng alarm ko ay agad na akong napatayo at pinatay agad ito, pagbangon ko ay nakita ko ang secretary ko na sarap na sarap ang tulog sa lapag kahit mga extrang kumot lang ang naging sapin niya.

"Gising." Mahina ko siyang sinipa sa hita niya.

"Hey."

"5 minutes pa." Nag smirk lang ako.

"Kung hindi ka pa bumangon diyan before 10 seconds, within 5 minutes wala ka ng trabaho." Nakita ko naman ang panlalaki ng mata niya kasabay ang biglaang pagbangon nito.

"Good morning po Ms.Avery." inirapan ko lang siya at sinuot ang salamin ko.

"Lumabas ka tapos ikuha mo ko ng pagkain."

"Pero Ms.Avery di ba may mga room serv—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigyan ko siya ng isang matalim na tingin.

"Are you saying something huh?" Umiling lang siya.

"Wala po Ma'am"

"Good, I'll give you 10 minutes to fix yourself then you may go." Mabilis naman siyang kumilos pero hindi ko na siya pinansin pa dahil binuksan ko na yung tablet ko at muling binasa ang binigay na documents ni Ms.Valdez.

But still I don't get it bakit kailangan ako pa ang kuhanin niya if this project is too simple, but even if I want to give up this project because Rhian is here, I still can't, Valdez and Wright are one of my stock holders.

Sumasakit ang ulo! Kaya tumayo na muna ako para tumayo sa veranda nitong room ko, mula dito kita ko ang isang labyrinth.

Kung kanina masakit ang ulo ko ngayon ang mata ko na.

Tsss she's still playing her games. Sino ba kasi yung babaeng kasama niya?

"Ms.Avery labas na po ako." Ang paalam nung secretary ko.

"Milcha" ang tawag ko sakanya.

"Ms.Avery, Monique po ang name ko." I clear my throat.

"Whatever lumapit ka dito." Nakita ko ang gulat at kaba sa paglapit niya saakin pero sobrang lapit niya kaya tinulak ko siya gamit ang isang daliri ko.

"Masyado kang malapit."

"Sorry po Ms.Avery." pasimple ko namang tinuro ang kinatatayuan ni Rhian at nung babaeng kasama niya.

"I want you to search for that girl."

"She's Victoria Lim, she's new in modeling industry but nakilala siya sa mga designs ni Ms.Rhian Freed. Nag graduate siya ng Elementary hanggang Highschool sa St.Agatha an all girls school as valedictorian, her mom is a dentist and yung dad naman po nya ay may ari ng isang bus company, she is undergraduate Business Administratiom in Ateneo, her blood type is A, and her fav—" I covered her mouth pero nandidiri ko din itong pinahid  sa likod ng damit nya.

"You're talking too much Monique, tsssss bakit ang dami mong alam tungkol sakanya?"

"Idol ko po siya sa pagdadala ng damit."

"Tsss you really have a bad taste, sige ikuha mo na ko ng pagkain."

Valedictorian ng At.Agatha? Tsss isampal ko pa kung paano ilampaso ng Scarlett University ang St.Agatha dati.

Tinitingnan ko pa si Rhian pero hindi dahil na miss ko sya, Wala lang! Pero ng alam kong titingin siya sa gawi sa kwarto ko mabilis kong sinara ang kurtina.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now