XXXIII

253 20 4
                                    

VIVIAN AVERY

Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng makabalik kami sa Pilipinas at hanggang ngayon ay pinanghahawakan parin namin ang isang text ni Mandy kay Number 17 na ok lang siya.

Nandito na kami sa set ng show and even Agnes hindi siya pumunta that's why tita Cleo need to find another model for replacement nagpaalam kasi siya kay Aunt Cleo na she need a 3 months break.

"Number 17." Halata kasi na malalim ang iniisip niya.

"Are you thinking about Mandy?" Malungkot lang niyang tinango ang ulo niya kaya yinakap ko siya mula sa likuran niya.

"O–O-oy! Baka may makakita saatin." Aalisin na sana niya ang pagkakayakap ko sakanya pero hindi ko siya pinakawalan.

"And so? Ede maganda they know that you're mine akala mo ba hindi ko nahahalata ang pagpapa cute sayo ng ibang model? Tsss dukutin ko pa ang mga mata nila ee." Siniko pa ko.

"Pwede ba pervert weirdo careful with your words, paano kung makuhanan ka while you're saying those words baka isipin ng ibang fans mo na ganun ugali mo"

"They can think whatever they want to think about me, if they didn't like the real me then I don't care, I don't want to pleased a thousand of people just to like me." Nakita ko na napabuntong hininga na lang siya kaya napabitiw na ako.

Nagaalala din naman ako sa mga kaibigan ko, Agnes and Kelly they are both my bestfriends kaya hindi ko alam kung sino ba ang papaboran ko sa pagkakataong ito.

I know how Mandy Chavez changed those two at alam ko din kung gaano kalaking pagpapaubaya ang ginawa ni Agnes just to support the relationp of Kelly and Mandy, mahal na mahal ni Agnes si Mandy, that's why I can't blame her kung nagalit siya ng ganun kay Kelly. Sino ba naman ba ang gusto na makitang sinasaktan lang ng iba ang taong pinapangarap niya?

Pagkatapos ng episode ngayon ay hinintay ko na si Rhian na matapos sa pagaayos ng mga gamit niya pero bigla na lang may tumawag sakanya.

"Hello good evening po ito po ba si Ms.Rhian Freed?" Naka loudspeak kasi ito dahil sinagot niya ang tawag habang nag-aayos siya ng mga gamit niya, pero mabilis din niyang inalis ito sa loudspeaker ng maramdaman niyang importante ang tawag kaya hindi ko na narinig pa ang mga sinabi sa may kabilang linya but one thing is for sure may hindi magandang nangyari.

Kaya mabilis akong lumapit.

"Sino yung tumawag number 17?"

"Nurse sa isang hospital, may nangyari daw kasi kay S—" nahalata ko na pinigilan niyang bigkasin ang pangalan ni Steph.

"Kay Steph? Anong nangyari?"

"Naaksidente siya." Nakita ko ang pagaalala ko sa ex ng number 17 ko pero yung huling pag-uusap namin parang kahit papaano ay nakita ko naman na mabait din naman siyang tao.

"Hahatid na kita sakanya." Gulat naman akong tiningnan ni Rhian.

"What? No pervert weirdo, wala na kami ni St–" kinuha ko ang bag niya at ako na ang nagbitbit nito.

"But it doesn't mean na wala ka ng pakielam sakanya, I know wala ng ibang titingin sakanya. Stay with her she needs you."

"B–but—" binigyan ko lang siya ng ngiti.

"I know I'm childish sometimes but I'm matured enough to handle a relationship naiintindihan ko, you're just gonna look for her but it doesn't mean na magkakabalikan kayo remember—" hinawakan ko ang kamay niya na may suot ng singsing na ako mismo ang nagsuot sakanya.

"You're my wife." Nakita ko naman na medyo guminhawa ang loob niya.

Tumango naman siya, then bigla na lang niya kong yinakap.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now