CHAPTER XVI

400 18 3
                                    


RHIAN

Tama kaya itong pinupuntahan ko? Okay ang alam ko ay diretso lang ako dito then may makikita akong subdivision na sinasabi na kinuha na daw saakin ni Kelly, kainis naman kasi lowbatt pa ko at yung power bank ko tinatamad naman akong kuhanin yung charger ko hindi ko tuloy matawagan yung dalawang yun.

Agad naman akong huminto ng may nakita akong isang guard ang dami naman kasing subdivision dito ee.

"Uhmm excuse me po manong guard nasaan po ba dito and Magdalene Subdivison po?"

"Yes po Ma'am, dito na po yun. May ID po ba kayo?"

Kinuha ko naman yung papel na binigay saakin ni Kelly sabi niya ipakita ko lang daw ito sa guard. 

"Ay! kayo po yung binilin saakin ni Ma'am Kelly, sige po Ma'am kuhanin ko lang po yung patrol vehicle namin tapos sumunod na lang po kayo saakin."

"Okay po, thank you." Medyo natagalan pa ko sa paghihintay sakanya dahil tinawag pa niya yung kahilinlin niya.

Pagdating niya ay sinundan ko na si manong guard.

Aba malaki ang mga bahayan, kaya lang yung bahay na napunta saakin ay medyo malapit sa dulo.

"Ma'am dito po ang sainyo." Bumaba naman ako para magpasalamat. Tinitigan ko naman ang susing hawak ko.

"This is it Rhian ito na ang simula ng pagbangon mo, and the number one rule bawal ma inlove!"  Pagbukas ko ay agad akong pumasok sa loob para tingnan, well malaki naman ang space, this slace is enough for a single person like me, simple but elegant.

I rolled up my sleeves okay! Kaya kong buhatin ang gamit ko, pero paglabas ko may nakita akong babae na umiikot ikot sa kotse ko.

"Sino ka?! Magnanakaw?!" Umiling naman siya.

"Hindi! Hindi! Look Miss bagong lipat lang din ako dito, kahapon lang." Nagdududa ko siyang tiningnan but I admit it ang ganda niyang magnanakaw ah but wala pading papantay kay Stephanie Salazar. Tanga ko nagagandahan padin ako sa babaeng niloko lang ako.

"Okay. So?" Nakita ko namam na napangiti sota.

"So I'm just thinking if you need some help." Inirapan ko lang siya.

"I don't need your help,kaya ko naman ng gawin ito mag-isa." Nilagpasan ko na lang siya pero hindi padin nawawala yung ngiti niya saakin.

"Wag kang mag-alala libre lang, ngiti mo lang ang bayad." Inirapan ko lang siya at tsaka binuksan ang backseat kung saan nakalagay ang mga gamit ko pero paghitak ko ng isa sa mga bag ay bigla namang nahulog ang sketch pad ko kung saan nakalagay ang mga designs ko. I'm about to pick it up pero inunahan na niya ako hanggang sa mabilis niya itong binuklat.

"Woah! Ang ganda ng mga designs mo ah." Bigla ko na lang ito hinitak sakanya.

Hindi naman ako ganito dati, maybe natatakot na ko na mapalapit sa isang tao na ganun ganun lang, I'm not gonna let my guard down, No! Not again.

"Look Miss i don't know you pero alam kong alam mo naman ang kasabihan na don't talk to strangers."

"Well then, my name is Vivian." Nilahad niya ang kamay niya saakin pero tiningnan ko lang ito.

"It's just your name." Binaba naman niya ang kamay niya na hindi ko man lang inabot at tsaka ngumiti at napailing.

"Well everything begins with a name, so how about hmmm." Kinuha niya yung isa sa mga box sa compartment ng kotse.

"How about I'll help you carry all these things then after this kahit tubig lang tapos usap lang tayo, promise matutuwa ka dahil kinausap kita " tinaasan ko lang siya ng kilay wow! Parang utang na loob ko pa at kinausap niya ako.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now