XXIV

322 17 6
                                    

RHIAN

Shit! Bakit naman kasi biglaan ang aya sakin ni weirdo na pumunta sakanila?! Para daw makilala ko sya at baka daw sakaling magustuhan ko din siya, bwisit hindi ko na alam kung kailan ba siya seryoso.

"Haist ano ba susuotin ko?!" Nag papanic na ko dahil nag text siya sakin na after 5 minutes daw ay nandito na siya, ilang araw na din kasi siyang natutulog sa bahay ng Mommy at Mama niya, na curious tuloy ako.

Hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang busina niya.

"Number 17 nandito na ko!" Ang sigaw niya pero hindi ko siya pinapansin bahala siya diyan.

Ano ba susuotin ko? Mag dre-dress ba ko? Skirt? Jeans?! What?!!!

"Number 17!" Haist ang ingay naman nag pa-panic na ko dito.

Pero napatili ako ng biglang may tumamang kung akong bagay sa salamin sa kwarto ko na nandito sa second floor, kaya binuksan ko na yung bintana ko bahala na simple jeans and simple shirt na lang.

"Ayan na ko sandali pwede?!" Ang sigaw ko sakanya tapos nakangiti lang siya habang patalon-talon dahil wala siyang sapatos sa kabila, so yun yung pinambato niya kanina, siraulo talaga.

"Okay sinusugarado ko lang na buhay pa ang ka date ko, malay ko ba kung namatay ka na sa sobrang kilig kagabi." Langya ang kapal talaga ng mukha.

Nagmamandali naman akong bumaba at kinuha ang sapatos na pinambato kanina.

"Oh!" Binagsak ko na lang yung sapatos niya.

"Sawamat number 17." Mabilis din naman niyang nasuot ang kanyang sapatos.

"So saan tayo pupunta?" Ang tanong ko sakanya pagkasakay namin sa sasakyan.

"Syempre gusto ko malaman mo muna kung gaano ako ka cool kaya dun tayo sa school na pinasukan ko dati." Weirdo talaga aayain ako sa unang date namin sa school?! Hays!

"Ayokong isipin mo na napaka self centered kong tao, but seryoso ko I want you to meet me more." Napailing na lang ako.

"Nga pala number 17 ano mas gusto mo yung mala CEO at business woman na datingan o yung doctor?" Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Kahit ano." Ang tipid kong sagot.

"Ano ba gusto mo sa isang tao?" Hay papatulan ko na lang ang tanong ng isang to mukhang medyo mahaba din ang biyahe namin at ayoko naman na magkaroon ng dead air sa pagitan naming dalawa.

"Mabait, loyal, hindi ako lolokohin and someone who can make me smile." Napatingin naman ako ng bigla siyang pumilintik.

"Tinatanong ko kung ano ang gusto mo sa isang tao hindi ko sinabing i describe mo ko, ikaw number 17 napaghahaltaan na kita ah!" Weirdo talaga, kaya napangiti na lang ako.

"Ikaw ano gusto mo sa isang tao?"

"Ako? Hmmm someone who can call me pervert weirdo on live TV broadcast bwahahaha." Hay nako...

Buong biyahe ay kung ano-ano lang din ang pinag uusapan naming dalawa, sobrang random niyang tao, unpredictable kaya bawat minuto at oras na kausap ko siya na e-excite ako dahil hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng mangyari.

"T—teka! Oh my gosh! Alam ko tong  daan na to papunta to sa Scarlett University!" Napangiti naman siya.

"Dito ko gustong-gustong mag-aral! Wait baka hindi tayo papasukin this is a prestigious school at bawal pumasok ang hindi student dito." Ngumiti lang siya.

"Of courae not, but probably they allowed to enter the daughter of the owner of this school." She just gave me a wink ng walang sabi-sabi ay nakapasok agad kami sa loob ng school and even the guards call her

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now