XXXII

276 15 1
                                    

RHIAN

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi pero mukhang ang awkward lang dahil tahimik sila Agnes, Kelly and Mandy.

"So ano plano niyo ngayong araw?" Ang tanong ni Viv na para bang sanay na soya sa ganitong scenario.

"Lalabas muna ako mag-isa I need to post something on my blog." Napatango naman ako, ngayon ko lang din kasi nalaman na Agnes is smarter than she looks, she have her own blog wherein she can write something resourceful.

"Mag stay na muna ko dito sa loob medyo masakit pa ang ulo ko." Si Mandy.

"Then I'll stay with you." Nanlalata lang na tumango si Mandy, ok may problema nga silang dalawa.

But I know they can fix it, sobrang mahal nila ang isa't isa.

"Ok tapos kami ng mumber 17 ko ay mamasyal pa, di ba?!" Hays hindi ba nauubusan ng energy tong isang to?!

"Hays oo sige." Syempre kunwari lang akong napipilitan but deep inside I'm excited to be with her again buong araw.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami ni Viv sakay ang isang tour bus kasama ang ilang guest sa kabilang guest house na papunta sa City sakto kasi at may festival kaya maraming tao at masaya.

Para lang akong may batang kasama dahil kung ano-ano ang binibili niya.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mangiti habang pinagmamasdan siya mula sa likuran niya.

"W—wait is that Avery?" Napatingin n
naman ako sa boses ng isang babae na nakaturo kay Pervert weirdo.

"Oh my gosh! That's Avery!" Hinitak pa niya ang tatlo niyang kasama palapit kay Viv, and I gave way for them.

"Avery!" Nagulat pang lumingon si Viv sa tatlo nakita ko naman ang pagaalala niya habang hinahanap ako sa kumpulan ng mga babaeng humahanga sakanya, ng sandaling makita niya ako ay aktong lalapitan na sana niya ko pero bigla na lang dumami ang mga taong nakapaligid sakanya.

Kanya-kanya na sila n kuha ng picture kasama si Avery, I know we need to date secretly lalo na at hindi parin taos ang pag ere ng programa namin, mamaya kasi ay mabalita pa kami, ayoko naman masira si Viv sa iba, I mean may mga ibang fans na ayaw nilang nakikita na nakikipag date ang idol nila sa iba.

"Ohhh hey you." Ang turo sakin ng maarteng to, tumingin pa ko sa paligid ko pero ako talaga ang tinuturo niya.

"Me?"

"Obviously yes?! Hold this camera and took us a photo with Avery." Tssss kaya kahit masama ang loob ko ay kinuha ko na lang yung camera para kuhanan sila ng picture and when Viv saw me.

Halatang nawala ang pagpapanic sa mukha niya lalapitan na sana niya ako but I gave her thumbsuo to tell her that I'm fine.

Pagkatapos ko kuhanan ng picture ang sandamakmak na fan nitong si Avery ay nilapitan niya agad ako dahil yung huling atribidang babae ay napitikan pa ko ng strap ng bag niya.

"Are you okay? Rhian? Did they hurt you?" Umiling lang ako.

Masama naman niyang tiningnan yung babae aktong susugurin na sana niya ito but I stop her.

"Wag Viv, I'm fine don't make a scene here okay? Calm down." Huminga muna siya ng malalim bago niya hawakan ang kamay ko

"Can you take us a picture here? Together with my girlfriend." Bwahahaha ano?! Nga-nga kayo ngayon!

Halata ang inggit,inis at dismaya ng makita nila kung gaano ka sweet saakin si pervert weirdo, pagkatapos ng ilang picture ay umalis na kami habang ito naman si Viv ay kilig na kilig na tinitingnan ang picture naming dalawa.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now