VIII

383 19 0
                                    

RHIAN

"Ms.Rhian Freed are you listening?" Natauhan lang ako ng mahinang paluuin ni Mandy ang balikat ko, kasi naman si Stephanie Salazar ee!

"Sorry po Ma'am." Ang paghingi ko na lang ng sorry. Paano kasi yubg katawang lupa ko nandito pero yung isip ko kung saan-saan na napunta.

"Okay it's enough for today sana tapos niyo ng gawin ang mga designs niyo and have your own models." Paglabas ni Ma'am ay unti-unti na ding umalis ang mva classmates namin samantalang ako ito nauntog ko yung ulo ko sa gilid ng pader. Hindi ako pwedeng bumagsak kung hindi kakaladkarin talaga ko ng mga kuya ko tapos malalayo ako sa girlfriend ko! No!!!!

"Next week na yun Baby babe gusto mo ba kausapin ko si Kelly na ihanap ka ng pwede mong maging model?" Umiling na lang ako.

"Binigyan na din ako ni Kelly ng list last time pero wala akong makita, I need someone who have a short hair."

"Ohhh." Tumingin ako ng nakakainis kay Mandy alam ko na kung ako nasa isip ng babae ito eh. Yung tipong problemado na nga ako tapos may pang-asar pa kong bestfriend.

"Like Stephanie Salazar?" Inirapan ko na lang siya.

"It's impossible she's too busy handling her business she have no time with this kind of stuff." Naramdaman ko naman na sinandal ni Mandy ang ulo niya sa likod ko.

"Just ask her for sure if she loves you she will give you time."

"Haist if she loves me she will never let me to ask for her time." Diniin niya yung ulo niya sa likod ko sumakit sana bunbunan nito.

"Drama wala pa kayong one month may pa ganyan ka na tss." Napabangon naman siya ng may tumawag sa cellphone niya maybe it's Kelly.

"Yes hon pababa na kami sorry hon.... What? Si Steph nandiyan? Okay pababa na kami." Mabilis ng tumayo si Mandy at hinawakan ang kamay ko.

"And now this is the sign she's with Kelly sa baba so baby babe tara na langya wag ka ng pabebe." Hinayaan ko na lang siyang hitakin ako. Pagbaba namin I saw my gorgeous hot girlfriend.

"Hon kanina pa tapos ng klase niyo di ba? Bakit ngayon lang kayo lumabas?" Mabilis namang yinakap ni Mandy si Kelly.

"Sorry hon may pinag-usapan lang kami ni baby babe, by the way Steph isasama mo ba si Rhian?" Nakangiti lang na umiling si Steph.

"No. I just want to say sorry to her about what happened last night, I invited her even if it's Sunday and yung hindi pa siya tapos sa project that's why I'm here to help her on her project." Ngumiti nama siya at humarap sakin.

"Okay lang ba?" And with her smile siguro nga masaydo lang akong nag o-over think sa mga hindi mahahalagang bagay.

Sumakay na ko kay Blacky habang sinusundan lang namin ni Steph yung sasakyan ni Kelly.

"Hmmmmmm ano yung amoy na yun?! Ang bango Amoy kaldereta." Ngumiti naman siya kaya tumingin ako sa likod.

"Nagluto ako para don na ko mag dinner and—" napangiti naman ako ng makita ko na may bag siyang dala.

"Doon ka na din matutulog?" Nakangiti naman siyang tumango.

"Yup but hindi para mag movie marathon! Doon ako matutulog para matapos na yung project mo." Nag pout naman ako. KJ ee!

"Sungit ah, pero paano yung bar mo?"

"Don't worry, Nathaniel will handle that I already talk about him about this." Tumango naman ako atleast even for today I can spend this day with her.

Ang hirap din kasi ng time naming dalawa eh paano hindi naman siya nagsasara kahit Sunday tapos hanggang 4am gising siya. Kumbaga tulog siya sa umaga gising siya sa gabi magkaiba ang oras naming dalawa.

Nagtulong na sila Kelly and Steph para mag-ayos ng kakainin namin then after that sabay-sabay na kaming kumain.

Pagkatapos namin kumain ay nav prisinta na si Mandy na siya na daw ang maghuhugas ng pinagkainan namin para masimulan na namin ni Steph ang gagawin naming project ko. Hindi naman ako nahirapan na turuan ang girlfriend ko sa mga dapat niyang gawin dahil nagawa na daw niya to kila Manang.

Pero hindi ko mapigilan na mapatitig sakanya habang busy siya.

"Did it still bother you?" Umiwas ako ng tingin.

"H–huh?"

"What happened last night yung sinabi ni Bianca." Huminga naman ako ng malalim hindi ako sanay na kino-compare ko ang sarili ko sa iba but when it comes to Steph hindi ko talaga maiwasan na tanungin ang sarili ko na "Sapat na kaya ako sakanya?"

"H–hindi." Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Steph mula sa likuran ko.

"Please wag mo ng isipin yun okay? Para sakin yung relasyon natin hindi isang laro, seryoso ko, seryoso ako sayo."

"Sinabi mo din ba ang mga salitang yan sakanya?" Mabilis naman siyang bumitaw. Alam kong kapag tinanong ko ito maaring magkasagutan kami pero huli na dahil nasabi ko na.

"W–what?"

"Sa babaeng minahal mo ng sobra. Steph mahal mo ba talaga ko? Kasi it's too impossible that yo—"

"So you're doubting me? So you really think that I'm just fooling around? That I'm not seriuos about you? About us? Kasi ako Rhian alam ko sa sarili ko mahal kita. Mahal kita sa paraang hindi ko alam na mararamdaman ko kaagad sa isang tulad mo."

"I'm sorry Steph. Pero kasi hindi ko maalis sa sarili ko na ma insecure sa taong minahal mo noon ng sobra. Baka hindi ko siya mapantayan, baka hindi ko kayang gawin ang ginawa niya sayo, at higit sa lahat baka siya padin ang laman ng puso mo."

"Baka. Hinahayaan mong guluhin mo yung nararamdaman mo sa BAKA? So we're thinking the same thing. Na baka kasi mahal mo padin ang ex mo. Na baka nabigla ka lang lahat at higit sa lahat baka iwan mo lang din ako kagaya ng pagiwan na ginawa niya sakin." Tiningnan ko lang siya.

"So you're really thinking that I'll left you with the same reason of that girl? Stephanie unang-una pinili kong mahalin ka. Pinili kong ikaw yung tayaan ko sa sugal na to kahit sa dulo hindi ako sigurado kung ako na ba talaga ang mahal mo. Steph ngayon ko lang naramdaman to, ngayon ko lang naramdaman na magplano. Gusto ko ng i fastforward ang lahat kung saan nakikita ko ang sarili kong kasama ka sa iisang bahay. Steph this is my first time to have a plan and direction in my life and you are the reaosn for it." Yinakap niya ko when I feel something cold falling down into my cheeks.

I'm crying.

This is the first time that I cried for someone.

"I–I'm crying." Bumitaw siya saakin at pinunasan ang luha ko

"Sorry Rhian sorry." Umiling lang ako.

"N–no t–this is the first time that I cried for someone." Nagtataka niya kong tiningnan.

"And I'll never be proud of it, na ako yung unang reason ng pag-iyak mo. Hindi ka pro-proud yun." She gently kiss my forehead.

I'm crying because I'm hurt....
I'm hurt because I love her.

So this is Love?

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now