TNC:II

285 17 8
                                    

7 YEARS AGO

RHIAN

Parang kahapon lang ng sumali ako dito para mag moved on at nagsimula ng panibagong buhay ko para makalimutan si Steph but here I am now holding my trophy as the 2nd runner up as a designer of course I can't beat Gab.

"Number 17 congrats." Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Weirdo mula sa likuran ko pero agad din naman siyang bumitaw.

"Thank you Weirdo sor—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang pumulupot ang braso ni Gab sa braso ng girlfriend ko.

"G—Gab-" nakita ko ang kaba ni Weirdo habang inaalis ang pagkakayakap sakanya ni Gab.

"Avery Scarlet." Napatingin naman ako sa medyo may edad na babae pero halata ang pagiging ma postura nito.

"Mrs.Scott." mabilis naman siyang binigyan ng isang halik nito sa pisngi.

"I just want to congratulate you, well kahit pang second runner up lang ang napili mong designer." Tinasaan naman ako ng kilay nito.

"Kung ang anak kong lang ang napoli mo maging partner." Ah okay like mother like daughter, in fairness ah ang galing niyang magtagalog.

"Ka—"

"Let's have a dinner Avery." Pailing na sana si Avery pero lintek na Gab na to nakayakap at makahitak kay pervert weirdo, nanlaban naman si Weirdo but naisip ko na wala naman akong dapat ipag-alala isa pa nakita ko na kasama din nila si Aunt Cleo na halatang ayaw din sa mag-ina kaya sigurado ako na maaga siyang mag-aya na umuwi.

"Okay lang Viv, kita na lang tayo maya." Miss Lorelei gave me a smile.

"But I—"

"Pumayag na ang girlfriend mo Avery, it's just a simple dinner." Tumango naman ako at nakangiting tiningnan silang maglakad palayo.

Okay uuwi muna ko habang hinihintay ko si weirdo umuwi tapos I su-surprise ko siya sa bagong ehem na binili ko mwehehehe. Minsan napagtatanto ko na talaga  na ako ang pervert saaming dalawa.

"Hey congrats." Nginitian ko naman si Sabrina yung naging kapalit na model ni Agnes na naging partner ni Gab.

"Thank you Sabrina."

"Mukhang matatagalan pa sila Gab and Avery, gusto mo sumama saamin? Magkakaroon kasi ng konting celebration ang ilang mga kasama natin, yung ibang model at designers ay pupunta din." Umiling lang ako.

"Thank you Sabrina pero uuwi na lang din muna ako pagod na din kasi ako."

"Ano ka ba Rhian tara na." Ang sunod-sunod na aya ng ibang models at designers saakin.

"Don't worry I won't let them na lasingin ka, so let's go?" Napakamot Naman ako sa batok ko, haist no choice na ako.

"Hmmm sige pero bawal ako magtagal ah." Binigyan naman ako ng ngiti ni Sabrina.

"Oo, ihahatid kita."

"Hindi na kailangan Sabrina may kotse naman ako."

"Sakto so can I have a ride?" Hmmmmm?

Tumango na lang ako, nagpunta na kami sa isang karaoke bar they are all singing and drinking but here I am just waiting for time passes by hinihintay ko din ang reply ni Weirdo sa lahat ng text ko pero hindi naman siya nag re-reply.

Mga 11pm unti-unti na ding nagpaalam ang iba kaya nagpaalam na din ako pero pinigilan  naman ako ni Sabrina.

"Hindi ka naman uminom Rhian." Inabot niya saakin ang isang baso na naglalaman ng kung ano mang klase ng alak na yun.

"Oo nga Rhian! Inumin mo na yan." Ang kantyaw nilang lahat kaya ininom ko na lang din pero bigla na lang akong nahilo, alam kong may masamang nangyayari pero hindi ko man lang magalaw ang mga binti ko para tumayo o maigalaw ang boses ko para magsalita, pero narinig ko ang usapan ng iba pero bwisit iba na talaga ang hilo ko.

"Mahina pala sa inuman si Rhian, tatawagin ko na yung driver ko para ligtas na siyang makauwi ayokong magalit saatin si Ms.Avery." hindi ko alam kung sino na yung nagsasalita.

"I can handle this, she have her car I can drive her home alam ko address Niya."

"You sure about that Sab?" Blurred man ang paningin ko nakita ko na lang na kinuha ni Sabrina ang susi ng kotse ko sa may bag ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero nagising na lang ako ng ihiga ako ni Sabrina sa kama namin ni Viv.

"Let's enjoy the night Ms.Freed." sinubukan kong manlaban pero nanghihina ako wala akong lakas.

"Shall we?" I saw her devilish smirk.

"N-no."

"I should thank her  for using me on her plans."

And the last thing that I remembered that night is that she's on top of me while I'm lying on our bed naked.

VIVIAN AVERY

Daig ko pa ang nasa karera dahil sa pagmamandali ko sa pag drive kainis naman kasi si Gab! Hindi ko naman alam na aabutin kami ng alas dose ng Gabi hearing the history of her life all over again, tapos hindi ko man lang ma replyan si Rhian, kaya doon muna ako pinatulog ni Aunt Cleo sakanila because she can't leave me driving on my own ng ganung oras, tinatawagan ko naman si Rhian para sabihin kaya lang patay ang cellphone nya.

Nandito na ako sa labas ng bahay namin and I saw her car syempre nandito na siya Kasi nagpaalam siya na mga 11 daw ay nakauwi na siya dahil nga sinama siya ni Sabrina para mag celebrate kasama ang ilang models and designers.

Alam kong tulog na siya dahil sa sobrang pagod kaya maingat ang bawat hakbang na ginawa ko.

Alam ko mahabang suyuan nanaman to dahil nga hindi man lang namin na celebrate ang pagkapanalo niya, pero okay lang handa akong suyuin siya.

Pero pagpihit ko ng pintuan nanlamig ang buong katawan ko sa nakita ko, I saw my girlfriend lying naked with Sabrina. Sakto Naman na napabangon siya habang sapo-sapo ang ulo Niya.

"Ang sakit ng ulo ko." Nakapikit pa siya kaya hindi niya ko nakikita then pagbukas niya ng mga mata niya ay ako kaagad ang bumungad sakanya at sitwasyong kinalalagyan niya ngayon.

"Oh shit, Vivian." Mabilis niyang pinulot ang damit at pinantapis niya itong sa hubad niyang katawan.

"This not what you're thinking." Tumingin naman ako sa babaeng kakagising lang at nginitian ako.

"Did you enjoy our celebration Rhian" tangina.

Inalis ko ang kamay ni Rhian.

"Viv please pakinggan mo lang ako" Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko.

"Really? Fuck! She's asking you if you enjoy what she did for you." Ang naiinis kong sabi.

"No! No! Vivian please listen hindi ko alam lasing ako, please." Tiningnan ko naman si Sabrina.

"No, sapat na yung nakita ko Rhian."

"Please please!" She's begging now, huh lasing? Tsss.

"Now I'm asking myself did you slept every girl na alam mong may gusto sayo?"

"W–what?"

"Alam kong naintindihan mo ang sinasabi ko, ganyan ka din kadaling nakuha ni Ste—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang malutong niyang sampal. Nginitian ko siya, this is enough.

"Rhian, we're over" Tinalikuran ko na siya at hindi ko na magawang lingunin man lang siya.

And that was the last time that I saw her.

The girl that I love the most and the same girl who hurt me so much.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now