XXVI

330 15 3
                                    

AGNES

GRABEEEE NAPAKA SAKIT NG ULO KO!!!

"Good morning Agnes." Binigyan ko lang sila ng pilit na ngiti. Nasaan ba kasi yung Vivian Avery na yun?! Sino nanaman kayang babae ang inuwi nun?

Palabas na ko sa TV Station nila Ms.Gerville dahil nga wala si Viv ako ang inutusan ni Aunt Cleo na makipag-usap kay Ms.Paris Chase, ng makita ko na nag-aabang ng masasakyan si Number 17.

"Number 17!" napalingon siya saakin ng tawagin ko ang pangalan niya kaya nagtatakbo ako palapit.

"I have a name pwede ba gamitin niyo naman ng kaibigan mo." Napangi na lang lang ako.

"Bakit nandito ka?"

"Hindi kasi ko nakapag log out kahapon uhmmm alam mo na nandito ang ex ko." Napatango naman ako.

"So you're with her all night?" Kahit naman bully sakin si Viv kaibigan ko padin yun that's why huhulihin ko tong si number 17.

"No, umuwi ako kahapon sa totoong bahay namin one of my brother came home, by the way nagmamandali ako sabi ni Weirdo magkita daw kami, alam ko hinintay niya ako kagabi that's why I'm gonna make up to her." Wait, something is wrong here. 

"Really? Well matutuwa ang mokong diyan, pakita nga tapos ihahatid na kita." Pinakita naman niya ang sinend na address ng isang hotel. 

Bullshit!

"Wait me here okay? May nakalimutan lang ako sa loob but babalik ako."

"Okay? Wag kang OA hindi ako aalis wala akong dalang sasakyan ngayon. I'll wait you here." Nagmamandali akong bumalik sa loob at ng makalayo na ko sakanya ay agad kong tinawagan si Kelly Morgan.

"What?!" Halatang bagong gising siya.

"Code red!" I heard her gasp, gulat siguro to.

"Honey sino yan?" Damn! Boses lang ni Mandy alam ko na.

"It's Agnes, kailangan kong umalis." Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto sa kabilang linya.

"Bakit ba ako na lang talaga ang loyal saating tatlo? Now send me the address, dating plano." Nangiti na lang ako.

"Pinapasok ka parin niya?" Narinig ko ang mahinang tawa ni Kelly.

"Nakiusap ako kagabi, sige na this is a code red, hintayin ko na lang ang address send it right away." Binaba naman niya ito at ako naman ay agad kong sinend sakanya ang address after nun ay mabilis ko namang binalikan si Number 17.

Okay that code red means super emergency, so yung babaeng kasama ni Viv kagabi ay si Gab no wonder kung bakit pumayag yung barista na hindi sabihin yung pangalan ng babae dahil isa sa loyal customer doon di Gab.

Okay! Hindi naman sa kinukunsinte namin at pinagtatakpan si Viv sa kalokohan niya dahil unang-una alam namim na hindi ginusto ni Viv ang anumang nangyari sakanila ni Gab, halata naman na baliw na baliw si Viv kay number 17. Haist ngayon ko lang ulit siya makitang ma inlove ng ganito maliban kay Kelly. Nah! Isa yun sa natutuhan ko wag na wag kang maiinlove sa taong kaibigan lang ang tingin sayo.

"Wait Agnes bakit dito tayo dumaan? Mas malayo tong route na to dapat sa kabila na lang tayo dumaan." Haist.

"Really? Mas okay dito." Napakagat na lang ako sa labi ko I just need 5 minutes more.

"Agnes paikot-ikot na tayo." Naramdaman ko naman na nag vibrate ang cellphome ko it's a sign na nakuha na ni Kelly si Gab.

"May hinahanap kasi ko dito gusto ko sanang ilibre ka muna bago kayo magkita ni Viv pero dahil nagmamandali ka ok." Dineretso ko na kaagad sa parking lot at hinatid si number 17 sa room na sinend ni Gab gamit ang cellphone ni Viv.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now