XXXIV

260 18 1
                                    

AGNES

Pinili ko na wag na muna sabihin kila Viv at Rhian na alam ko kung nasaan si Mandy. Umuupa lang siya ngayon sa condominium kaya umupa din ako sa kabilang kwarto nito kung saan naririnig ko ang pag-iyak niya gabi-gabi. 

Pero ang pinaka masakit wala akong magawa.

Lumalabas lang siya para bumili ng pagkain at ganun din ako, pero this time nakabihis na siya, kaya ito nanaman ako nakasunod sakanya. Palapit na ng palapit ang destinasyon kung saan kami pupunta at alam ko kung saan ito papunta.

Sa bahay nila ni Kelly.

Hindi na ako lumapit pa at langya naman pag minamalas nga naman oh ang lakas pa ng ulan.

Mga isang oras akong naghintay kay Mandy na lumabas and nung lumabas na siya nakita ko na ang bitbit niyang mga gamit, at kahit umuulan alam ko ang pagkakaiba ng mga patak ng luha nya sa patak ng ulan, kabisado ko na ang luha niya, ang luhang ako lagi ang nakakasaksi.

Nakita ko pa kung paano pigilan ni Kelly si Mandy pero tangina lang bigla na lang lumabas mula sa loob si Carmen at yinakap si Kelly at hinitak papasok sa loob.

Ang sakit ng makita kong ganito nasasaktan ang taong gusto kong ingatan.

Manilis kong kinuha ang payong ko at lumapit sakanya.

"Tabi tabi po." Dinadaan ko lang sa biro at pang-aasar sakanya ang lahat, pero shit! I really love this girl.

"Sorry Agnes pero ayaw ko na munang may makausap."

"Ok, but sumakay ka na sa kotse ko."

"Hindi na, mamasaheros na lang ako." Pero mabilis kong kinuha ang maleta niya.

"Sakay." Inabot ko sakanya yung payong at hinayaan ko na mabasa ang sarili ko sa ulan.

"Here is the address of my condominium." Nakita ko ang panginginig ng kamay ni Mandy habang tina type niya ang address nya. I just take it kahit na alam ko kung saan na siya nakatira.

I really want to talk to her and comfort her but I know there's no words that can comfort her broken heart right now.

"Thank you  Agnes you can go now." Pero napatingin siya ng buksan ko ang kabilang unit na katabi lang ng sakanya.

"Agnes." Tinaasan niya lang ako ng kilay pero bakas parin ang pag-iyak na ginawa niya kanina buong biyahe namin pabalik dito.

"I can't leave you alone Mandy Chavez." Napabuntong hininga na lang siya, papasok na sana siya sa loob ng tawagin siya ng manager ng floor namin.

"Ms.Chavez, ang binigay mo lang saakin ay 3 days advance pero pang five days mo na dito." Nakita ko naman ang pagiging problemado ni Mandy.

"She's my firend." Inabot ko ang kakulangan bayad ni Mandy. Tiningnan naman kami ng mapanghusga ng matandang babae na ito bago umalis dala ang bayad na binigay ko.

"Thank you Agnes Babayaran kita." Umiling lang ako.

"You can't live forever here. Sumama ka na saakin while your searching for job."

"But Agnes."

"Stop saying buts Mandy, this is not about your pride or our past... I just can't bare to see that your struggling your life here alone. So just let me in as your friend"

"If Kellly is here, if she didn't leave me." Magsimula na siyang umiyak at tulad ng dati kong ginagawa, wala akong magawa kung hindi alalayan ang ulo niya para isandal sa dibdib ko at muling basain ng luha niya ang damit ko.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now