XIII

341 20 5
                                    

RHIAN

"So you're telling me na hindi ka padin kinakausap ni Steph simula kagabi?" Tumango naman ako habang parang batang hinahainan naman ako ni Kelly ng dala niyang sushi.

"Haysus! Kelly Morgan kausapin mo lang yang kaibigan mo baka kung ano magawa ko mabalibag pa kita sakanya." Halata ang inis kay Mandy sa padabog niyang pagbaba ng baso niya.

"Nadamay ako diyan? But okay kakausapin ko si Steph." Umupo naman si Kelly sa tabi ni Mandy.

"Haist hindi na Kelly kami na lang dalawa ang mag-aayos nito."

"Pero bakit nga ba kasi kayo nag-away?"

"Papunta na talaga kami nun sa bahay niya ng tumawag sakanya yung ka band mate niya at sinabing hindi nga nakapasok ang entry nila sa Ppop." Sandali namang nagkatinginan ang dalawa.

"Hmmm may alam kayong dalawa?" Nagpakawala naman ng malalim na buntong hininga si Mandy.

"Wag mo kong pipigilan Hon karapatan to malaman ng bestfriend ko." napatingin naman ako kay Kelly.

"Kasi that Ppop thingy nagsimula yun with Rain, her ex." Bigla ko na lang nabitawan ang chopstick na hawakan ko.

So Rain is her name.

"R-really?" They both answered me with a nod. I just picked up the chopstick at kumain na lang ulit hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi nila.

Ayokong masaktan.

"By the way pupunta ko sa bar niya mamaya gusto niyong sumama?" Tiningnan lang nila akong dalawa but I just ignored their pity looks on me.

"Okay ako na lang." Wala namang mangyayari saaming dalawa ni Steph kung parehas kaming magpapataasan ng pride wala naman yun sa kung sino ang nakagawa ng kasalanan, kahit siya ang may kasalanan ako na lang ang unang kakausap sakanya.

Yun kasi ang sabi ng iba, kahit siya ang may kasalanan ikaw ang umunawa.

Pero bakit nga ba?

Ah oo dahil MAHAL NA MAHAL ko si Steph.

  - - -
Pagkataps mag dinner ay umalis na lang ako ng hindi nagpapalalam sa dalawa dahil alam kong sa mga tingin nila kanina pipigilan lang nila ako.

Pagdating ko sa bar, sa lugar niya.... Sa mundo niya.

Sumalubong agad saakin ang matapang na amoy ng mga alak, amoy ng mga sigarilyo mga ehem sorry for the bad word pero yung ibang mga naglalampungan sa gilid. Sa totoo lang hindi ako sanay sa ganitong mundo yes I'm a paly girl but bar thing? Nah!

Pero may isang bagay lang ang nagpapaganda sa magulong lugar na ito— si Steph habang damang dama niya ang bawat linya ng kantang inaawit niya.

Ang ganda niya.

Ganito din ang unang pagkakataon nung nakita ko siya, natulala agad ako sa ganda niya, sa mga mata niya, sa labi niya, at sa pagkanta niyang damang-dama ng bawat makakarinig sakanya.

Pagkatapos ng kanta ay tulad ng inaasahan ko ay naglapitan sakanya ang mga taong may paghanga sakanya. Ang dami nila pero sa totoo lang kayang kaya ko silang talunin sa atensyon ni Steph dahil girlfriend ko siya, pero yung masakit?

Hindi ko kayang talunin yung taong hindi ko nakikita, yung taong minahal niya ng sobra, yung taong alam kong hanggang ngayon ay mahal padin niya.

Palapit na sana ako pero napaatras ako ng may lumapit sakanyang isang babae at halikan niya ito sa pisngi. Shit ang sakit.

T-teka ano ba ginagawa ko?

Wag kang lalapit Rhian masasaktan ka lang.

Rhian!

"Steph." Huli na.

"R-Rhian." Halata na hindi niya inaasahan ang pagpunta ko kaya mabilis niyang binitawan ang babaeng hawak niya sa bewang kanina.

"Anong ginagawa mo dito?" What the hell?! Tatanungin niya kung anong ginawa ko dito? Of course gusto kong ayusin ang gulo na siya mismo ang gumawa.

"Tara na. " hinawakan na niya ang kamay ko hanggang sa makalabas kami sa bar.

"May kotse ka?" Tumango lang ako.

"Sige na umuwi ka na muna ngayon Rhian."

"I want to sleep in your place Steph." Napabitiw siya sa pagkakahawak niya saakin dahil sa sinabi ko.

"W-why?"

"Because I miss you." Tiningnan ko siya sa mga mata niya alam kong nanggigilid na ang luha ko.

Hindi ko na matatago pa yung sakit! May karapatan naman akong masaktan di ba?! Afterall she's my girlfriend my fucking girlfriend!

"Nakita mo ba yung kanina?" Sandali akong tumalikod sakanya at tsaka pinunanasan ang luha ko then huminga ako ng malalim at ngumiti sakanya. Pekeng ngiti.

"Sige na Steph! Uwi na muna tayo pagluluto kita!" Ang masaya kong paglalambing sakanya na para bang walang nangyari saamin.

"No. Rhian, umuwi ka na busy ako." Palapit na sana ako pero biglang hinawakan nung bbaaeng hinalikan niya kanina sa pisngi ang kamay niya.

"Tara na sa loob Steph." Tiningnan lang ako ni Steph at tsaka pumasok sa loob kasama yung babae na yun! Pinigilan ko na ang sarili ko na maiyak pang ulit dahil sa sakit pero wala just call me masochist kinuha  ko ang cellphone ko at tsaka nag message sakanya.

  - wag kang masyadong magpapagod Steph. I love you.-

Now I know, Love can make you blind.

"Rhian." Napatingin ako sa tumawag saakin.

"Anong ginagawa mo dito? Nabalitaaan ko hiwalay na daw kayo ng gagong Leo na yun." Umiwas naman siya ng tingin saakin.

"May pinuntahan lang ako sa loob ng bar kanina."

"Hindi ko alam na mahilig ka din pala sa bar Lorrain." She's a nerdy innocent girl yung tipo ng babae na hindi inaasahan na makikita mo sa loob ng bar.

"Hindi masyado, pero please wag mo na kong tawaging Lorraina masyadong pormal parang hindi naman tayo niloko ng iisang lalaki." Atleast she knows how to joke.

Well bakit nga naman ako magaglit sakanya? Kung hindi naman ako niloko ni Leo ng dahil sakanya hindi ko makikilala si Step, kaya wala namang reason para magalit ako. So okay I'll accept her friendship offer.

"So what do you want me to call you then? Bestie?" Ang pagbibiro ko pa.

Then she gave me the most annoying smile that I've ever seen!

"No. Just call me Rain."

Shit!

- - -
Note:

Hi! Naks! Parang ang daming nagbabasa bwahahahaha

Wala lang gusto ko lang maglagay ng note para magsabi ng Thank you! Lablab Bwahahaha ❤

-Ms98Percent

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now