IV

527 23 0
                                    

RHIAN

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng may nangyari saamin ni Steph and after ng araw na yung himdi ko muna siya kinausap.

Nagkasabay pa ang suspension ng klase namin for 3 days, sa course lang naman namin maybe dahil sa loob ng 3 months kailangan na naming matahi ang mga na design namin for our finals.

Hays! Ang gulo na sobra! Ang bilis kasi ng pangyayari! Parang sandali ko lang siya tinitigan tapos pagdilat ko nasa kama na niya ko. Curse you Stephanie Salazar!

"Sa wakas lumabas ka na din ng kwarto mo." Ang nakangiting bati saakin ni Kelly.

"Na miss mo ba yung kagandahan ko?" Ang pagbibiro ko.

"Whatever kumain ka na." Weekdays nga pala kaya nandito tong isang to.

"Nga pala Kelly nasaan si Mandy?" Umiling naman siya.

"Hindi ka nga okay, nagpaalam kaya siya sayo." Nagtataka ko naman siyang tiningnan habang nagsasalin ng tubig.

"Bumili siya ng mga gagamitin niya para sa project niyo." Tumango naman ako.

"Bakit hindi mo sinamahan?" Tumawa naman siya.

"You know her Rhian iikot at iikot lang yun nakakapagod kaya kasamang mamili yun, pero pagbalik niya I'll just give her a massage."

"Sakto buti narinig ko yun!" Si Mandy na may dalang mga tela na gagamitin niya.

Mabilis namang tumayo Si Kelly para tulungan si Mandy sa mga pinamili niya.

"Yes you heard it right Hon, bibigyan kita ng massage." Kumindat pa si Kelly at ng makuha na niya ang lahat ng gamit ay hinawakan naman ni Mandy ang pisngi ni Kelly and give her a short kiss.

"Sure hon." Hay kailangam. Talaga maglandian sila sa harapan ko?!

"EHEM! PASINTABI NAMAN SA KAIBIGAN NIYONG SINGLE!" sabay naman tumawa yung dalawa.

"Maghahain na ko sabay-Sabay na tayo mag lunch." Ang pag prisinta ko naman kakahiya na kasi sa dalawang to nagkaroon sila ng instant ampon.

Habang kumakain kami syempre hindi maiiwasan na tanungin ako ni Mandy tungkol saamin ni Steph. Iniiwasan ko na talagang mapag-usapan na to but I think this time wala na kong takas sa bestfriend ko na to.

"So what happened sa naging date niyo?" Nagpakawala muna ko ng buntong hininga.

"Haist! I should trust you Mandy she's a player... A good player." Sabay naman na nagkatinginan sila Mandy and Kelly na para bang naintindihan nila ang gusto kong sabihin.

"Ohhh. Okay. So how are you?" Ang casual na tanong naman sakin ni Mandy.

"Huh?" Ako yung nasaktan sa naging pagsiko ni Kelly kay Baby Babe ee.

"Let me rephrase it. How do you feeling right kow?" Umiling naman ako at binaba ang kutsara ko.

"I don't know." Nagbalik balik ang tingin ko sa dalawang to.

"After nun anong nangyari? Iniwasan ka ba niya or iniwasan mo siya?" Ano to? Interrogation? Tsss.

"Iniwasan ko siya." Sabay naman tumango yung dalawa.

"Hmmm nag cha-chat or text siya sayo?" Tumango naman ako sa naging tanong ni Kelly.

"Yeah tinatawagan din niya ko."  Ito namang si Mandy ay ngumiti ng isang nakakalokong ngiti.

"Ehhhh! nasarapan." Nakatikim nanaman siya ng palo sa braso niya mula kay Kelly.

"What now hon?! I Mean nasarapan siyang kasama ni Steph. Green minded mo Hon!" Ang natatawang sabi naman nitong si Mandy. Napailing na lang si Kelly habang hawak ang ulo niya then hinarap ako.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now