VII

450 19 0
                                    

RHIAN

Hay sa wakas makakahinga at makakakilos na ko ng maayos dahil aalis na ang mga bwisit kong kuya!!!! (si Kuya Third lang talaga kahit maiwan na si Kuya Fourth hahaha) kaya nandito kami ni Mandy sa airport para ihatid sila kuya.

"Our Princess ma mi-miss ka namin!" Ang naiiyak na sabi ni Kuya Third habang yakap yakap si Mandy ako na ang nahihiya sa kakapalan ng mukha ng mga kapatid ko mabuti na lang sanay na si Mandy sa kagaguhan ni Kuya Third.

"Rhian tawagan mo agad kami kapag may nangyari sayo." Si Kuya Dos.

"Yes Kuya."

"Paano ba yan sa graduation mo uuwi kami okay?" Yinakap naman ako ni Kuya Fourth.

"Enough for that tara na." Hinalikan ako ni Kuya Ace sa pisngi at aktong hahalik na din sana siya kay Mandy pero hinarangan ko na.

"Sige na alis na! Iisa pa ee!" Nagtawanan na lang kami habang si Mandy ay napapangiti at napapailing na lang.

Pinagmasdan ko na lang ang mga Kuya hanggang sa makalayo sila.

"Mandy ampunin niyo na lang ulit ako ni Kelly." Sabay yakap sa braso niya, kailangan maglambing sa taong aampon saakin.

"Hays nagpaalam ka ba kila Kuya?" Tumango naman ako bilang sagot syempre naiintindihan ko din naman mamaya nasa paligid ko lang si Silvano ang tapat na tauhan ni Kuya Ace.

"Yes, yung gamit ko nasa kotse ko na, bahala na yung driver namin ang mag-uwi ng sasakyan nila Kuya." Ngumiti naman siya syempre kahit papaano gusto din niyang makasama ang bestfriend niya.

Habang nasa sasakyan kami at nag dri-drive ako hindi ko mapigilan ang mangiti sa kilig, sa kilig tuwing maalala kong girlfriend ko na si Stephanie Salazar.

"Hay ano yang ngiti mo na yan ha?!"

"Di ba na chicka ko naman na sayo nung isang gabi pumunta saamin si Steph and official! Kami na talaga!!!"

"Sabi na eh! Pero sure ka na diyan?" Sandali akong napahinto at nagtatakang tumingin sakanya, pero sandali lang syempre ayokong maaksidente kami.

"I mean baby babe hindi naman sa ayaw ko kay Steph, kasi first of all may part saakin na gusto ko din siya but are you really want to have a relationship with her? She's your first girlfriend paano kung masaktan ka niya? What if sa sobrang sakit ayaw mo ng magmahal pa ulit?"

"I'm sure with this Mandy. Isa pa ayoko din dumating sa what if moment kung saan matatanong ko sa sariki ko na. What if kung minahal ko siya? What if sumugal ako? Kasi si Steph yung unang tao na nagparamdam sakin na yung mahal ko mamahlin ko ng walang kapalit, unlike those guys that I loved before mga manggagamit tsss."

"Hopefully Stephanie Salazar is the real the one." Hindi nagtagal ay tumunog yung cellphone ko speaking of, it's Steph. Kaya sinagot na to ni Mandy and just put it into loud speak.

"Hi Rhian." Hindi ko tuloy maiwasan ang mangti. Lambing ng boses.

"Hey Steph."

"May gagawin ka mamaya?" Tiningnan ako ni Mandy and told me about my project na hindi ko pa natatapos.

"Wala naman." Inirapan lang ako ni Mandy.

"Nice invite kita sa bar mamaya? Isama mo na din si Mandy and Kelly."

"Sure. Sige na mukhang pagod ka sa boses mo pahinga ka na."

"I love you Rhian see you later."

"I love you too." Then she ended our call.

"Ewan ko sayo Rhian Freed kapag hindi mo natapos yang project mo ah tapos bumagsak ka hindi na ko magtataka kung kaladkarin ka nila kuya papunta sa Spain." KJ Naman nitong bestfriend ko.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now