XI

341 18 5
                                    

RHIAN

Medyo na late kami ng uwi dahil sa practice for our graduation tapos na traffic pa si Kelly kaya nandito kami ni Mandy nakatalungko sa harap ng gate habang hinihintay si Kelly. Hindi ko din alam kung bakit napili ng babaeng to na dito kami tumalungko sa harap ng gate.

"Baby babe what's your plan after our graduation?" Ang bigla niyang tanong saakin, oo nga no? Hindi ko alam when it comes to career but there's a one thing that I know, I want to live with Steph.

"Hindi ko alam maybe to start my life with Steph?" Napahawak naman ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang mahinang sabunot saakin ni Mandy.

"Anong start your life, start your life with Stepg?! Hoy Ms.Rhian Freed bago mo unahin ang lovelife mo unahin mo muna ang sarili mo."

"Wow! Bakit gusto ko yung kamukha sainyo ni Kelly I want to live with her with the same roof." Nagbuntomg hininga naman siya.

"Okay medyo lumaki naman ang ulo ko dahil hinahangaan mo ang relasyon namin ng aking lovely dovey Kelly Morgan, pero Rhian hindi kasi ganun kadali yun." This time alam kong seryoso na ulit si Mandy.

"You know what I gave up para lang magkasama kami ni Kelly, pero hindi ko yun ginawa ng wala akong plano sa sarili ko. Yes I really love Kelly but I know that I should not forget to love myself too, oo nasa plano ko talaga na makasama siya pero may plano din ako sa sarili ko. Yung for my career pero yung plano ko na yun alam kong magkikita padin kami sa dulo." She take a deep breath para huminga na muna.

"So I'm just saying my stupid bestfriend baby babe don't depend yourself with Steph. Gumawa ka ng plano mo for yourself, yung kahit dumating sa punto na iwanan ka niya pero wag naman sana, alam mo kung paano bumangon, alam mo kung paano buuin ulit ang sarili mo. Sana natuto ka na sa mga naging past relationship mo kung saan masyado mong dinepende ang sarili mo sa mga naging ex mo." Napaisip naman ako sa sinabi niya. Pero sabay kaming napalingon ng may bumusina and it's Kelly.

"Hon and Rhian sobrang traffic lang talaga. Tara na? Pero mabuti pa mag order na tayo ng pwede nating makain sa daan dahil alam kong sobrang traffic padin." Tumayo na kami ni Mandy at tsaka nilakad ang fastfood chain na malapit lang sa school para mag order ng kakainin namin sa daan.

Tama nga dahil halos 2 hours na kami at parang hindi man lang kami umuusad.

"Hon weekend naman bukas ako na ang mag drive may work ka pa bukas." Ngumiti lang si Kelly at umiling.

"I'm fine hon." Nakatunganga lang ako sa bintana ng kotse at pinagmamasdan ang kawalan, lahat naman ginagawa to.

"By the way Rhian, si Steph?"

"Ah umalis kailangan niya kasing mag prepare for her audtion sa P-pop song writing competetion."

"Hmmm." Napatingin naman ako kay Kelly dahil iba yung pag hmm niya parang may alam siya. Pero hindi ko na lang yun pinansin.

"Guys okay lang bang umiglip na lang muna ako?" Kinuha ko yung unan.

"Sige lang baby babe gisingin ka na lang namin." Nahiga na ko sa likod hindi naman nagtagal ay nakatulog na din ako.

Nakakaantok din kasing maghintay sa text ng girlfriend ko na maghapon akong hindi tinext.

MANDY

"Hon ano ang alam mo?" Ang naging tanong ko kay Kelly ng alam kong tulog na ang bestfriend ko.

"What Hon?" Tsss alam ko naman kapag may tinatago si Hon tumataas ang kaliwang kilay napagdidikit niya ang dalawa niyang tuhod. Kilalang-kilala ko na ang girlfriend ko kahit yung lamang loob niya charot, but this is not the right time to joke around I know she know something.

"You know what I mean Kelly Morgan." She take a deep sigh.

"It's about Steph, when I heard that Steph continue to join that writing contest ugh! Pangarap nila yun ng ex niya ee!"

"Hmmm is that all Kelly Morgan?"

"Yes Hon! Promise!" I just nod my head.

"Okay I trust you, so Hon nakilala mo na ba ang ex ni Steph?"

"Yes Hon, and honestly nagulat ako ng magustuhan ni Steph si Rhian." Her word caught my attention kaya napatingin ako sakanya.

"I mean yes Rhian is beautiful."

"EHEMMMM!"  Diniinan ko talaga yung ehem ko yung tipong sasakit yung lalamunan ko.

"Pero syempre mas maganda ka."

"Good now tuloy."

"Pero hindi talaga si Rhian ang tipo ni Steph. Well based sa naging ex niya bago si Rain her ultimate ex. Mahilig si Steph sa mga nerd. Sa mga tahimik." Napatango naman ako, dahil totoo halos lahat ng naging ex ni Steph ay yung mga innocent and nerd yung madaling kontrolin.

At lahat ng yun ay kabaligtaran ni Rhian. Walang ka inosente inosente ang pagmummukha ng bestfriend ko. Madaling kontrolin? Nah! Bossy siya.

"Pero baka namam napagbago ni baby babe si Steph?" Napailing lang si Kelly.

"I doubt it Hon." Katahimikam ang bumalot saaming dalawa.

Pero alam kong something is bothering with my girlfriend.

"Hon may hindi ka sinasabi saakin, tell me may problema ba?" Ngumiti lang siya at nahalata ko ang kaba. Yes napag-uusapan namin ang ibanag bagay but at the end hindi namin nakakalimutan na pag-usapan ang isa't isa.

"Umuwi na si Aunt with Viv para maghanda sa launching na magaganap next 4 months."

"Well kakaba-kaba nga yun. So ano pumayag na si Aunt na maging mentor ka doon?" Ang masaya kong tanong.

"Not yet Hon, si Viv ang gusto niya." Nalungkot naman ako. Well oo malaki din ang modeling academy na hina handle ni Kelly but that major launching ibang usapan na yun, international na yun, 50 beginner designers ang papasok doon at kung sino ang mananalo ay ma fe-featured sa isang magazine at maipapalabas sa isang TV network, so I know it would be a big break for Kelly, pero for unknown reason ayaw siyang isali ni Aunt doon as one of the mentors.

"Cheer up Hon mapagiisipan din yun ni Aunt." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Thanks Hon." I just gave her a kiss on her cheeks.

Ang pinaka paborito kong gawin, ang pangitiin ang babaeng pinaka mamahal ko nakakawala ng pagod. Hindi ako nagsisi na pinili kong ipaglaban si Kelly kesa sukuan siya dahil lang sa panghuhusga ng iba.

- - -

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now