XXIII

328 19 0
                                    

VIVIAN AVERY

"I love you Viv, mahal na mahal kita weirdo" halos mapatalon ako sa sobrang saya hindi ako makapaniwala dahil nandito kami sa isang restaurant na siya mismo ang pumili para i-celebrate ang una naming pagkapanalo.

"Number 17, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon." Hinawakan nya ang kamay ko at binigyan ako ng isang magandang ngiti, pero hindi din to nagtagal dahil nagbitiw kaming dalawa dahil dumating na ang order namin.

Pagbukas namin ay halos matawa kaming dalawa dahil sunog ito tumunog pa nga ang alarm na nagpaingay sa buong restaurant.

"Amoy sunog." Pero nginitian niya lang ako
- - -

"Amoy sunog!" nabigla ako ng tayo at nadulas dahil naapakan ko yung lego na nakakalat sa kwarto ko kaya nagising ako sa katotohanan na panaginip lang yun.

"Kainis naman oh! Number 17!!!" Pero totoo nga na amoy sunog at patuloy sa pag beep ang fire alarm kaya nagmamandali akong lumabas ng kwarto paglingon ko sa kabilang kwarto sabay kaming nagkatinginan ni Mommy.

"Si Mama."

"Si Ella." Ang sabay na sabi namin ni Mommy at nagmamandaling bumaba ng kwarto namin pababa sa kusina and when we got there I saw my Mama Ella smiling with us.

"Good morning Viv and good morning my wife." Ang nakangiti niyang bati saamin habang hawak ang pan na may sunog na pancake.

"I told you Ella wake me up." Nag-aalalang nilapitan ni Mommy Eris si Mama Ella.

"Pero gusto ko kayong paglutong dalawa ni Viv." Kumuha naman ng tissue si Mommy at pinunasan niya ang mukha ni Mama.

"We can make breakfast together, tssss Asinus." Hindi ko tuloy mapigilan matawa.

"Why are you laughing Viv?" Ang nagtatakang tanong saakin ni Mama.

"Alam mo ba Mama tinawag kang Asinus ni Mommy."

"Oo nga, ano ba kasi yun? Tuwing cute na naiinis ang mommy mo sinasabihan akong Asinus, it's that a compliment?"

"Wait hindi mo pa sinesearch yun? I can't believe it Ella Quinn for 15 years of our life together hindi mo sinearch yun? But you know all the generics name of medicines"

"What? Of course I'm a doctor but Excuse me did you call me Ella Quinn? Correction It's Ella Quinn Scarlett my dear wife." She put a smirk on her face.

Oh! Oh! Now my conclusion is done Mama Ella is the top!

"Goooood mooooorning!!!" Sabay-sabay kaming napalingon sa bigla na lang sumigaw na si Aunt Shawn kasama si Aunt Cleo, nagtatakbo ako para yakapin silang dalawa.

"Ella di ba sabi ko sayo i lo-lock mo tong pinto ng hindi nakakapasok tong isang to."

"Anye! Nye! So ano niluto mo Eris? Gutom na gutom na ko ito naman kasing si Cleopatra puro trabaho." Si Aunt Shawn na nakatanggap ng isang apak sa paa mula kay Aunt Cleo.

"Isang buo mo pang sabihin ang pangalan ko Shawntell Mailor."

"Hindi ako ang nagluto, si Ella." Nakita ko kung gaano nanlata si Aunt Shawn.

"Busog pa pala ko." Paalis na sana si Aunt Shawn ng sabay siyang tawagin nila Mama at Mommy.

"Shawntell." Kaya napaupo na lang sa dining table si Aunt Shawn.

"Ako na po ang maghahain." Hinayaan ko lang silang mag usap na apat habang naghahain ako.

"Nga pala Mama Thank you sa pagpunta sa taping namin ah." Halos mamula naman ang pisngi ni Mama.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now