III

634 29 1
                                    

RHIAN

Dapat talaga ay nung Sunday pa kami magkikita ni Steph but totoo naman na madami akong project na gagawin kaya ang sabi ko ay magkita na lang kami sa bar  niya after ng class ko ngayon friday which is 4:30 pm.

"Ooooh mukhang hindi ka saamin sasabay ngayon ni Kelly." Nagtataka ko namang tiningnan si Mandy. Busy kasi ko sa pag type kung ano ba ang dapat kong sabihin kay Steph eh.

"What do you mean?" Then bigla siyang ngumuso at sunundan ko naman ito.

Bumungad saakin ang magandang si Steph habang nag-uusap sila ni Kelly and when they noticed us ay sabay silang kumaway saaming dalawa ni Mandy.

"Baby babe so si Step—" tinakpan ko ang bibig niya at binigyan ng alanganing ngiti sila Kelly and Steph.

"Gagabihin ako ng uwi ngayon." Ngumiti naman tong siraulo kong kaibigan.

"Hi Mandy." Ang nakangiting bati ni Steph pagkatapos ay pinako na niya ang tingin niya saakin.

"Hi Rhian." Nagpakawala naman ako ng pilit na ngiti.

"What are you doing here Steph?" Tumawa naman siya.

"Naninigurado lang ako na hindi ako I-indianin ng date ko." Bigla naman nag-init ang pisngi ko.

"Sige na Steph and Rhian mauna na kami ni Mandy." Binigyan kami ni Kelly ng tig-isang yakap ni Steph pero nung ako na ay binulungan niya ko.

"Enjoy the night." Siningkitan ko tuloy siya ng mata, hinintay  namin silang makalayo at pinagbuksan ako ng pintuan ni Steph.

"Let's go?" Tumango naman ako. Pero pasakay na sana ko ng biglang narinig ko ang sigaw ni Leon.

"Rhian!" Paglingon ko ay nakita ko na lang si Steph na nasa harapan ko yung tindig niya halatang handa na ulit niyang suntukin si Leon.

"I'm sorry miss but I just want to talk to my girlfriend." Nag smirk naman si Steph, tangina! Bakit ba ang ganda niya?!

"As far as I know ang sabi nang date ko you're just her EX." May diin pa sa pananalita ni Steph. Tiningnan naman ako ni Leon.

"Rhian?"

"Leon, we're over. Steph tara na."
sumakay na ko sa kotse ni Steph at ganun din siya.

"He's an asshole he can't accept the word over." Ang bulong ko lang sa sarili ko pero napalakas yata ako dahil pinagtatawanan na ko ni Steph.

"Mukhang malaki ang atraso sayo nung lalaki na yun." Tumango naman ako.

"Yes. Haist! Mamaya na natin siya pag-usapan I don't want to ruin this date wi—" napatakip ako sa bibig ko. Daldal ko bwisit!

"Bakit hidi mo tinuloy? This is really a date." Napalunok naman ako.

"Steph hindi ba kasi mabilis? Date agad?"

"So that I can know you more." Ang sagot naman niya then I noticed her tattoo again she's damn hot.

"Why? To know me more as a friend?" Nagkibit balikat naman siya.

"Kung yun ang gusto mo okay. I want to know you more as a friend." Habang nasa biyahe kami nag-uusap lang kami tungkol sa kung ano-ano about her, about me. Nalaman ko din na she's 3 years older than me magkasing edad lang sila ni Kelly, hindi siya naka graduate kaya tinakwil na siya sakanila, that's why she worked in a bar bilang isang vocalist ng banda. Then yung dating may-ari ng bar ay lumipat na sa Australia kaya sakanya na to binigay. Pero sa haba haba ng story there's a one special thing that I learned from her, her passion in music.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now