IX

382 19 1
                                    

RHIAN

Masaya akong lumabas galing sa office ng adviser namin after kong ipasa ang designs and my actual product, then all I have to do is to asked Steph if she can be my model.

After kasi ng naging pag-uusap namin na yun lalo pa kaming naging open sa isa't isa.

"Baby babe ano next week na ang fashion show natanong mo na ba si Steph?" Naglalakad na kami ni Mandy papunta sa next class namin.

"Not yet, I'll talk to her later ikaw si Kelly talaga ang gagawin mong model?" Ngumiti naman siya ng nakakalokong ngiti.

"Op kors! hahayaan kong mamatay sa inggit lahat ng classmates natin ang nag-iisang Kelly Morgan lang naman yun." Siraulo talaga, pero totoo naman si Kelly pa nga ang nag volunteer.

Tiningnan ko kung sino yung nag text ng mag vibrate ang cellphone ko and it's Steph.

"Free ka mamaya? Dinner tayo?"

"Eh?! Bakit sa text lang?"

"Nasa meeting ako at sa ilalim lang ako ng lamesa nag te-text nakaka antok na nga eh." Loko talaga.

"Sure."

"Good where do you want? Restaurant?" Ngumiti lang ako at umiling.

"No, at your house ako na magluluto may spare key naman ako kita na lang tayo sa bahay mo? Okay?"

"Are you sure about that? Okay see you later lablab u."

"Ang jeje ah but l4bl4b u M0r jejeje"

"Siraulo okay see you later." Sinauli ko na lang ulit ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Mandy hindi muna ko sasaby sainyo ni Kelly mag dinner, uuwi lang ako para kuhanin yung sasakyan ko tapos pagluluto ko si Steph maaga naman uwian natin ngayon." Tumango naman siya pero hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa mga sinasabi ko dahil titig na titig siya sa wallpaper ng cellphone niya na mukha nila ni Kelly.

"Langya baliw na baliw lang sa girlfriend?"

"Maiintindihan mo din to bakit ikaw ba ano ba wallpaper mo sa cellphone mo?" Sapilitan naman niyang kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ko then nakita niya na simple violet lang ang wallpaper ko.

"Booooring! Hindi pa kayo nag pi-picture ni Steph?" Wait oo nga no never kaming nag pictite ni Steph ng magkasama. Kaya umiling lang ako.

"What?! Ee ako nga halos laman na ng gallery ko ay mga picture namin ni Kelly." Aysus kaya inirapan ko lang siya

"Baka kasi napipilitan lang si Kelly." Ang pang-aasar ko na lang kaya umiling lang siya.

"Hindi kaya!! siya pa ang nag-aayang mag picture saaming dalawa para daw may remembrance kaming dalawa sa every special event na magkasama kaming dalawa."

"Tapos ilalagay niyo sa social media?" Umiling lang siya.

"No. We both want privacy isa pa we both understand that hindi naman kailangan ipaalam namin sa lahat ang nangyayari sa realtionship namin our bestfriends and families are enough witnesses to our sweet journey. Kasi mas maraming involve na tao sa isang relasyon mas magulo." Minsan mukhang siraulo lang talaga si Mandy but she really amazed me with her matured actions.

"Pero sa totoo lang oo nga no hindi ko pa kayo nakikitang mag-away ni Kelly." Ngumiti naman siya

"We really fight a lot baby babe, kung ganun kaganda girlfriend mo hindi ka makakramdam ng selos? Pero yung problema namin hanggang kaya namin i-handle at harapain na kami lang dalawa, kami lang dalawa ang haharap walang perpektong relasyon." Siniko ko tuloy siya.

NO FEELINGS [COMPLETED]Where stories live. Discover now