"Sige nurse Louise bumalik ka na sa station mo. Pagpasensyahan mo na ang mga anak ko"
Umalis si Louise at naiwan silang pamilya sa loob ng opisina.
"Dad, are you okay?"
Binuhat ni Blue ang anak niyang si Lian at hinalikan niya sa noo.
"Yeah, I am okay"
Pinigilan ni Blue ang pag-iyak niya.
"Sian and Lian, behave okay? You will be with tito Sky... I have a lot of things to do, hindi makakauwi si Dad. Promise, tomorrow... Babawi ako"
"But dad, ngayon ka na nga namin talaga makakasama"
"Sian listen to me, I have lots of of pending works here. Kapag hindi ko inayos, maraming mga pasyente at staff ng hospital ang maapektuhan. Isang araw lang naman"
"Daddy"
Kitang-kita niya ang pagtutubig ng mga mata ng kaniyang kambal.
"Promise, tomorrow... Kambal time na ah"
Niyakap niya ang kanyang mga anak at medyo napaluha.
"Yeah. Buong araw ko bukas, ilalaan ko sa inyo"
"Puwedeng isama si tita Louise?"
Hindi agad nakapagsalita si Blue kung kaya't sumali na sa usapan si Sky.
"Diba sabi niyo, kambal time? Tapos susulitin ni kuya ang oras na kasama kayo. Siguro next time pwedeng sumama si tita Louise, tiyaka marami ring inaasikaso si tita Louise"
Mabigat ang pakiramdam ng kambal at sabay yumuko.
"Okay po."
"Sky, ikaw na muna bahala sa kanila."
Naintindihan naman ni Sky ang kundisyon ni Blue kaya naman ngumiti siya at tumango.
"Kambal, magpaalam na kayo sa daddy niyo"
Humalik ang kambal sa pisngi ni Blue tiyaka sumama kay Sky. Nang makaalis ang mga anak niya ay naupo siya sa upuan at hindi na niya napigilang umiyak.
"Bakit? Loaisa naman, gusto kong manahimik tapos ngayon nanggugulo ka. Ito na ba yung sinabi mong babalik ka?"
"Naghintay naman ako pero gusto ikaw talaga, ayoko ng kambal mo. Please naman"
Agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha ngunit hindi iyon nakisang-ayon dahil patuloy pa rin sa pag-agos ang mga ito.
"Patay ka na eh... Bakit ka ba nanggugulo"
Nagulat si Blue nang bumukas ang pintuan at nakita niya si Louise.
"Hindi ka ba marunong kumatok?"
Nabigla si Louise sa nakita niya at sa kung anong ugali ang inasal ni Blue. 'Napaka sungit naman pero iyakin'
"Ilang beses na po akong kumatok ngunit hindi po kayo sumagot. Pasensya na po, mayroong emergency meeting sabi ni Dr. Gascon"
BINABASA MO ANG
Fucker Series#2: Two Blue (COMPLETE)
RomanceTo the man I love the most: I'm sorry ****** Book Cover by: findinghumanity