Papalabas na sa Enchanted Kingdom sina Blue at Louise nang tumunog ang cellphone ni Blue. Tiningnan niya kung sino ang nag-text, si Hunter lang pala. Binuksan niya at binasa kung ano ang mensahe ni Hunter sa kanya.
'Blue, Phoebe brought your kids to our house.'
'Ahh, Sige. Bukas ko na lang sila susunduin'
Nagtaka naman si Louise dahil wala pa ang dalawang bata.
"Blue—"
"Don't worry they are safe."
Hindi na nagsalita ai Louise hanggang sa makarating sila sa sasakyan.
"Uhm, nasaan na ang kambal?"
"Hunter's house"
"Kelan sila uuwi?"
"Tomorrow, they are having a good time with other kids."
Hindi naman na nagsalita pa si Louise dahil ramdam na ramdam niya ang lamig ng boses ni Blue.
'kanina okay pa kami ah, bi polar'
******
Samantalang sina Sian at Lian naman ay kasama ni Phoebe pauwi sa bahay nila. Kilala nila si Phoebe at ang asawa niyang si Hunter, kampante naman ang kambal na walang gagawing masama sa kanila ang asawa ng ninong nila. Natulala ang dalawa nang huminto ang kotse sa isang napakalaking gate at kusa itong gumalaw. Ang kingulat nilang magkapatid ay kung gaano kalaki ang bahay ng kanilang ninong.
"Dito ka po nakatira?"
"Yes"
Hindi makapniwala si Lian sa sinagot sa kanya ni Phoebe.
"Are you a Queen?"
Natawa naman si Phoebe sa tanong ni Sian.
"No, I'm not"
"Then why are you living in a palace?"
"Hahaha, actually I am a Queen but it is a secret."
"Wow"
Mababatid sa mukha ng kambal ang pagkamangha. Nang huminto ang sasakyan ay agad silang pinagbuksan ng katulong at sinalubong ng butler. Tinawagan naman ni Phoebe si Hunter upang imbitahan ang mga anak ng kaibigan niya ngunit tanging ang anak lang ni End ang makakarating.
Nang makapasok ang kambal sa loob ng mansyon ay agad silang sinalubong ng anak ni Hunter.
"Vaughn!"
Agad na binuhat ni Phoebe ang apat na taong gulang na si Vaughn at buhat-buhat naman ng isang katulong si Vien na kasalukuyang tatlong buwan na sanggol. Napatingin si Vaughn kay Sian at ngumiti, magkakilala na sila dahil sa tuwing may pagkakataon ay sinasama ni Hunter si Vaughn sa upang bisitahin ang mga kaibigan niya at madalas ay sinasama naman ni Sky ang kambal. Simula nang magpagaling si Blue ay si Sky na ang madalas na kasama ng kambal at ng mga kaibigan ni Blue.
"Hello Vaughn"
Nginitian ni Lian si Vaughn at tinitigan lang siya ni Sian at tumango naman ang bata. Hindi sila ganoon na nag-uusap at ang malapit kay Vaughn ay si Lian. Nakarinig sila ng paghinto ng sasakyan at dumating si Xavier na pitong taong gulang kasama ang kanyang kapatid na si Etherius na apat na taong gulang. Hindi alam ni Phoebe kung paanong pagpapalaki ang ginawa ni Ley sa kanyang mga anak dahil mabait si Xavier at Etherius ngunit hindi rin sila pala-kaibigan.
"Xavier!"
"Vaughn, kuya Xavier ang itawag mo sa kanya. Siya ang pinaka matanda sa atin"
BINABASA MO ANG
Fucker Series#2: Two Blue (COMPLETE)
RomanceTo the man I love the most: I'm sorry ****** Book Cover by: findinghumanity