CHAPTER 26

3.6K 141 7
                                    

Napansin ni Blue na na-dislocate ang balikat ng kambal.

"Anong nangyari dito?"

Hindi makasagot ang dalawa sa katanungan ng kanilang ama.

"Uhm..."

Nagtataka si Blue kung bakit ganoon ang balikat ng kambal. Tiningnan niya ang kamay ng mga bata at pamilyar siya sa naiwang marka sa daliri nila.

"Kailan pa kayo natuto humawak ng baril?"

"Dad"

"Mag-uusap tayo sa bahay!"

"Dad, huwag mo pong sabihin kay mommy"

"Bakit nagkaganito ang balikat niyo?"

"Dad, promise us first that mommy won't know about this.".

"Fine"

"Binaril namin 'yong dalawang lalaki, isang kamay lang po kasi ang ginamit namin kaya hindi kinaya ng balikat namin 'yong pitik ng baril."

"Pitikin ko kaya kayong dalawa! Dumiretso tayo sa ospital."

"Okay po."

Sumkay ang mag-aama sa kotse kasama nina King at Zico samantalang ang dalawang bodyguard naman ay bumalik sa sasakyan na ginamit nila.

Hindi akalain nina Lion at Benedict na bali ang balikat ng kambal. Sariwang-sariwa pa sa kanila kung paano sila nakalabas sa lumang pabrika na iyon.


-

Nang malaman nilang papasok na ang mga tauhan ay agad na inilabas ni Sian ang isang maliit na bomba. Ito ay kulay itim at pabilog, pinindot ni Sian ang kulay pulang buton at itinapon sa isang tabi. 

"Three minutes!"

Naintindihan nila ang sinabi ni Sian kaya tumakbo sila. Ang dalawang bata ay sumuot sa butas samantalang ang dalawa ay dumaan sa bintana. Nang matagpuan nina Lion at Benedict ang kambal ay agad nilang binuhat ang dalawa tiyaka tumakbo. Nang sumabog ang buong pabrika ay tumalsik sila, agad namang niyakap nina Lion at Benedict ang kambal upang hindi masaktan.

Nang yakapin sila nina Benedict at Lion, parehas silang napakagat sa labi dahil sa sakit ng kanilang balikat. Hindi sila sanay na bumaril gamit ang isang kamay dahil sa lakas ng pitik ng baril. Kung kaya't sa tuwing nag-eensayong bumaril ay dalawang kamay ang gamit nila.

Namangha sina Benedict at Lion sa kanilang  kapitan at bise dahil hindi biro ang bilis at linis gumalawng kambal.


-

Bumalik sa wisyo sina Benedict at Lion ng makita nilang huminto ang kotse na sinasakyan ng kambal sa isang ospital.

Lumabas ang kambal habang nakasimangot at mukhang inis naman si Blue. Pumasok sila sa loob ng ospital at agad silang hinarap ng dalawang nars.

"This way."

Dinala sila ng dalawang nars sa loob ng isang pribadong kuwarto. Hindi tumagal ng limang minuto at dumating ang isang doktor. Tiningnan ng doktor sina Louise at Sian bago umupo sa tabi nila.

"Dr. Mendoza, use traditional method for these two kids."

Hindi nila maintindihan kung ano ang traditional method na tinutukoy ni Blue ngunit napangiwi si Zico nang marinig ang sinabi ni Blue.

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon