"Mommy sama kami!"
"Dito na lang kayo, sa grocery lang ako pupunta."
"Pero mommy, wala si dad."
"Sige. Basta huwag kayong malikot."
"Yes!"
Pumunta sila sa grocery kasama ang limang bodyguard.
Si Zion ang nagmamaneho ng sasakyan, katabi niya si Chase samantalang ang tatlong na kasamahan nila ay kasama ni Louise at ng kambal sa likuran. Napansin ng kambal na tingin ng tingin si Zion sa rear-view mirror. Sa pagkakataong iyon alam na ng kambal na may sumusunod sa kanila. Nang makarating sa grocery ay nagpabuhat ang sina Lian at Sian kina Benedict at Lion.
"Bumaba nga kayong dalawa."
"Eh, mommy. Nahihilo po kami."
"Sinbi ko na kasing huwag kayong sumama eh."
"Sorry na mommy."
Napailing si Louise at nauna sa paglakad, naiwan naman sa likod ang Lima at ang kambal.
"May sumusunod pa rin ba sa atin?"
"Yes, captain."
Sumagot si Terrence sa sinabi ni Sian.
"Terrence, Chase, at Zion. Siguraduhin niyong walang makakalapit kay mommy. Kayo namang dalawa, alamin niyo kung sino ang sumusunod sa atin at kaninong tauhan sila."
"Copy."
Bumaba ang kambal sa bisig ni Lion at Benedict. Humawak sa kamay ni Lian si Sian. Tumakbo sila papalapit kay Louise habang kumukuha ng cart si Louise tiyaka sila nag-umpisang maglibot. Napansin ng kambal na hindi lang isa ang sumusunod sa kanila.
"Mommy, punta lang po kami doon. Titingin lang kami ng toys."
"Sige."
Alisto ng kambal sa mga taong nakapalibot sa kanila at doon lang nila napagtanto na ang puntirya ng mga masasamaang loob ay silang dalawa. Nag-bulungan ang kambal, kung ano ang gagawin ngunit sa tingin ng iba ay naghaharutan sila.
"Captain anong plano?"
"Magpahuli tayo?"
"Ano? Bakit?"
"Para malaman natin kung sino ang umupa sa kanila."
"Paano kung saksakan nila tayo ng drugs?"
"Magtiwala ka. Dadakipin nila tayo, huwag kang huminga kapag nakaramdam ka ng panyo sa bibig at ilong."
"Hanggang 2 minutes lang ang hangganan ko sa pagpipigil ng hininga."
"Okay lang 'yan. Basta magpanggap tayo na nakatulog."
"Sige."
Hindi napansin ni Louise na lumayo ang kambal. Sinenyasan naman ni Sian si Benedict na sumunod lang sa plano.
Walang kaalam-alam ang mga masasamang loob na may nagmamanman din sa kanila. Palihim silang kinukuhanan ng litrato ni Lion at sinend sa pinaka boss nilang si Zild.
BINABASA MO ANG
Fucker Series#2: Two Blue (COMPLETE)
RomanceTo the man I love the most: I'm sorry ****** Book Cover by: findinghumanity