CHAPTER 16

3.5K 132 16
                                    

Pumasok sa loob ng opisina si Rare at umupo sa visitor's chair.

"Kamusta na si Yller?"

"Okay na siya kaso wala pa ring malay. Kailangang magising ni Yller sa loob ng 24 na oras dahil kung hindi malaki ang problema, maari siyang ma-comatose."

"Magigising 'yan, masamang damo si Yller."

"Hahaha, grabi naman kasi ang sipa mo. Alam mo talaga ang dapat tamaan, tiyaka naging sensitibo ang kanang tainga ni Yller dahil dumugo daw 'yon. Hindi naman daw nabasag ang eardrum pero nagkaroon ng problema sa tainga niya dahil sa pagsipa mo."

"Kamusta 'yong asawa niya?"

"Okay naman, hindi ka niya sinisisi sa nangyari dahil naipaliwanag ko ang lahat. Kasalanan din kasi ni Yller."

"Mabuti, buti mabait ang asawa niya. Malayong-malayo sa kaniya. Hinayupak na 'yon!"

"Blue, tiyaka mo na siya gantihan kapag maayos na ang kalagayan niya."

"Siguraduhin niya lang na magigising siya. Ano kayang magandang gawin kay Yller? Maging alila ko siya ng walong taon? Kung gaano katagal simula noong umalis si Loaisa hanggang ngayon, ganoon din katagal siyang magiging utusan ko."

"Hahaha, bahala ka. Basta huwag mo siyang gagawan ng ikakapahamak niya dahil pamilyado na si Yller."

"May anak na si Yller?"

"Oo, ito pa... Siya ang unang nagkaroon ng anak sa ating lahat."

"What?"

"Oo, 15 o 16 na taon na ang panganay ni Yller."

"Ay tangina! May naanakan siya dati?"

"Oo, pero ni-rape niya yung babae."

"Ay gago! Bakit hindi natin alam?"

"Si Hier lang ang nakakaalam, alam din niya ang lahat ng nangyayari lalo na sa ikinikilos ni Yller."

"'Di ba sinabi mong gumanti kayo noon?"

"Oo, si Hier ang nagplano ng lahat. Basta maraming nangyari lalo na noong mawala ka."

"Bali sa akin na lang may utang si Yller?"

"Hahaha, Oo. Ikaw na lang ang hindi pa nakakaganti."

"Humanda talaga siya sa akin! Oo nga pala, 'yong mga impormasyon tungkol kay Loaisa? Nasaan na?"

"Huwag kang mabibigla. Kung ano man ang malaman mo ngayon."

"Oo, sige."

Inilabas ni Rare ang dalawang death certificate. Binasa ni Blue ang dalawang dokumento at siya ay lubos na nabigla.

"Dalawa ang death certificate ni Loaisa at magkaiba ang taon kung kailan siya namatay. This is one is fake"

Nabigla si Blue nang malaman kung alin ang pekeng death certificate.

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon