"Bakit ba kasi kailangan magkahiwalay tayong matulog?"
"Isang gabi lang naman, tiyaka mas mabuti na ang ganito dahil 'pag sa iisang kuwarto tayo natulog tiyak mapupuyat ako. Ayaw mo naman siguro na puyat tayo habang ikinakasal bukas."
"Sige na nga, sa kabilang hotel lang ako. Tawagan mo ko kapag na-miss mo 'ko."
"Sige, asahan mong hindi kita iistorbohin."
"Aba't!... Ikaw talaga! Kung ayaw mo 'kong tawagan, ikaw na lang ang tatawagan ko."
"No need, magpakasaya ka sa kabila. Kasama mo naman ang nga kaibigan mo."
"Sige lang, galingan mo lang Louise."
"Well—"
Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil bigla na lang siyang hinalikan ni Blue at tulad noon, mabilis siyang bumigay.
"Blue"
Bahagyang kiniskis ni Blue ang kanilang ilong, parehas silang nakapikit at ninanamnam ang bawat sandali.
Kumapit si Louise sa braso ni Blue at mas inilapit ang kaniyang sarili. Hindi niya akalaing papatak ang kaniyang luha. Agad namang pinunasan ni Blue ang mga luha sa kaniyang pisngi
"Louise, bakit ka umiiyak?"
"Hindi ko kasi akalain na ikakasal tayo ng ganito. Pangarap ko lang kasi noon na maikasal ng ganito sa'yo. Dati... kuntento na 'ko basta lagi tayong magkasama. Hindi ko na lang iniisip na walang nakakaalam na mag-asawa tayo bukod sa mga pamilya at kaibigan natin. Akala ko habang buhay akong magtatago. Salamat, lahat ng pangarap ko tinupad mo. Gumaling ako dahil sa'yo, namumuhay ako ngayon bilang ako, ikakasal ako sayo sa harap ng maraming tao at minahal mo ako bilang ako. Maraming maraming salamat... Binuo mo ako, dinagdagan mo pa ng dalawang chikiting."
"Louise, hindi mo kailangan magpasalamat. Huwag mo lang akong iwan, handa akong gawin lahat para sa'yo."
"Till death do us part?"
"Till death do us part."
"Hoy, nagpapraktis ba kayo para bukas? 6:00pm na, tara na Blue."
Kung puwede lang makamatay ang titig ni Blue, pinaglalamayan na siguro si U.
'Putangina talaga! Bwisit na 'yan! Puwede kayang itapon si U mula dito sa 26th floor?'
"Blue, sinusundo ka na. Bukas na lang tayo magkita"
"Tatawagan kita mamaya"
"Oo, sige."
Mabilis na humalik si Blue sa labi ni Louise bago umalis. Paglabas ni Blue ay pabiro niyang tinadyakan sa puwet si U.
"Tsk! Bakit mo ko tinadyakan?"
"Nagtanong ka pa! Panira ka talaga! Why are you not lazy in destroying our moments? Go to hell please."
"Ulol! Bakit di ka mauna?"
Hindi na lang niya pinansin si U dahil tiyak at mamumuti ang kaniyang buhok. Inilabas niya ang kaniyang cellphone at bago pa siya makatawag ay biglang nagtanong si U.
BINABASA MO ANG
Fucker Series#2: Two Blue (COMPLETE)
RomanceTo the man I love the most: I'm sorry ****** Book Cover by: findinghumanity