CHAPTER 11

3.7K 133 6
                                    

May isang matanda ang nakaupo at naghihintay ng balita tungkol sa kanyang pinaiimbestigahan. 

"Dad, sino ang hinihintay mo?"

"Tauhan ng Aeluos Crime Family"

"Ha? Tauhan ng Aeluos? Anong pinagawa mo sa kanila?"

"Tungkol kay Loaisa."

"Akala ko ba sa Murder Corporation ka kumuha ng Tao para imbestigahan ang usapin kay Louise at Loaisa."

"May kutob ako na hindi nagsasabi ng totoo itong M.I kaya ang ginawa ko ay kumuha ako ng isang pang mag-iimbestiga."

Bago pa man magtanong ang anak ng matanda ay dumating ang tauhan nila sa bahay.

"Sir, may dumating pong lalaki. Kakausapin daw po kayo."

"Papasukin mo."

"Sige po."

Pinapasok ng tauhan nila ang imbestigador. Ang Murder Corporation o kilala bilang M.I ay ang pangalan ng organisasyon na pinamamahalaan ni Rare ngunit nawalan ng tiwala ang matanda nang malaman niyang kulang ang ibinibigay sa kanyang impormasyon kaya naman kumuha siya ng isang tao mula sa ibang organisasyon upang malaman niya kung ano ang tinatago ni Loaisa.

"Magandang hapon po."

"Magandang hapon... Maupo ka."

Umupo ang lalaki at ngumiti sa mag-ama. 

"Ano ang balita?"

"Wala kaming makuha patungkol kay Loaisa ang lahat ay burado bukod dito."

Inilabas ng imbestigador ang larawan ng kambal. 

"Ito ang anak ni Loaisa sa dating doktor."

"Doktor?"

Inilabas ng imbestigador ang larawan ni Blue.

"Siya ay si Mr. Blue Jones ang namamahala ng Jones Hospital dito sa Pilipinas. Ikinasal siya kay Loaisa at nagkaroon sila ng anak sina Cerulean at Prussian. Malawak ang koneksyon ni Mr. Jones at hindi ko lang alam kung..."

Natigil ang pagsasalita ng imbestigador at biglang nabasag ang salamin at nagulat na lang sila dahil duguan at nakahandusay na ang imbestigador. 

"Dad, mission accomplished"

Lumabas sa isang abandonadong bahay si Zero habang kausap ang ama sa cellphone. Ngumiti ang tiyuhin ni Blue sa sinabi ni Zero sa kabilang linya at napatingin kay Sky.

"Sige, tatawagan ko pa ang kapatid mo. Maghintay ka na lang ng ibababa kong utos."

"Okay Dad."

Naputol ang linya at tiningnan ni Sky si Zild.

"Ikaw si Sky diba?"

"Opo"

"Kilala mo naman siguro ako, tawagan mo mamaya si Blue at ibigay mo sa kanya ang diary ni Loaisa."

"Sige po. Sasabihin ko po ba kay kuya ang tungkol kay Loaisa?"

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon