CHAPTER 2

4.8K 161 13
                                    

Hindi pa man natatapos ang kanilang inuman ay isa-isa nang tumatawag ang mga asawa ng mga kaibigan ni Blue. Masaya si Blue habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaibigan habang sinasagot ang tawag ng kanilang mga asawa.

"U, let's talk"

Napatingin si U sa seryosong itsura ni Blue. Ngayon niya napagtanto na wala na siyang magagawa kundi ang sabihin ang totoo.

"Guys, mauna na ako. Magagalit na si misis"

Isa-isang umalis ang mga  kaibigan ni Blue. Ang natira na lamang ay si U at Blue.

"Sa tinagal-tagal nating magkaibigan ngayon ka pa naglihim sa akin."

Agad namang nilagok ni U ang alak na nasa baso, hindi niya aakalaing hahantong sa ganito ang lahat.

"Just promise me that you will protect Louise no matter what happens"

"How could I protect her if I don't know what is happening. Tell me everything then I'll decide."

Agad na napahawak sa kilay si U at huminga ng malalim.

"Alam mo naman siguro na kakambal siya ni Loaisa"

Hindi siya sumagot at agad namang naintindihan ni U na alam na iyon ni Blue.

"Magkapatid si dad at ang mom ni Louise. Alam mo naman na ang lahi ni dad ay Chinese at sumusunod kami sa tradisyon ng pamilya ngunit lumabag si tita. Pinagbabawal sa pamilya namin ang kambal dahil malas iyon, parang ying at yang, isang puti at isang itim. Kapag nalaman ng pamilya namin na magkakaroon ng kambal sa pamilya ay agad nila itong idinadala sa China para ipatingin kung sino ang malas at suwerte sa kambal. Ang suwerte ay mananatili sa sinapupunan at ang malas ay mapupunta sa basurahan, hindi kaya ni tita ang ganoong pamamaraan kaya tinago niya ang kanyang pagbubuntis at pumunta siya sa Amerika upang doon manganak. Marami ng ganitong nangyari sa pamilya namin at kapag nalaman ito ng matatanda sa pamilya ay gagawa sila ng paraan upang malaman kung sino ang  suwerte at malas tiyaka nila ipapapatay ang malas sa pamilya. Nang umuwi si tita, si Loaisa ang kasama niya at iniwan niya roon si Louise. Pinutol ni tita ang koneksyon niya sa aming pamilya kung kaya't walang alam ang mga matatanda sa aming pamilya tungkol sa pagkamatay ni Loaisa. Si Loaisa ang paboritong apo ng pinaka matanda at pinuno ng pamilya namin, hindi man tanggap si tita ngunit bukas palad namin tinanggap si Loaisa. Ngayong ilang araw na lang ang nalalabi ng lolo ko gusto niyang makita si Loaisa kaya naman nagpaimbestiga siya at nalaman niya ang patungkol kay Louise. Napagdesisyunan ng buong pamilya na ipapapatay siya at kasalukuyan silang gumagawa ng aksyon para matunton si Louise. Hindi alam ng buong pamilya namin na itinago ni dad si Louise at binubura ang lahat ng mga impormasyon patungkol sa kanya."

Walang ekspresyon ang mukha ni Blue, para siyang nakatingin sa kawalan sa lalim ng kanyang iniisip.

"Blue?"

"Sige payag ako, pero dapat malaman ng pamilya mo na patay na si Loaisa at walang kinalaman ang kambal ko sa nanay nila. Hindi anak ni Loaisa ang mga bata."

"Sige"

"Ibigay mo sa akin lahat ng detalye sa plano ng pamilya mo patungkol kay Louise, tandaan mo U walang kinalaman ang anak ko sa pamilya niyo. Magkalimutan na tayong dalawa kung sakaling may mangyari sa kanilang masama."

"Hindi ko hahayaang may mangyari sa kanila, pamangkin ko rin sila"

"Mabuti at nagkakaunawaan tayo. Tawagan mo si Louise at bukas ng umaga bago mag alas siyete ay dapat nasa bahay na siya"

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon