Author's Note
Next chapter will be epilogue.
Sa wakas, ito ay huling kabanata na kay Blue. Sana nagustuhan niyo ang kuwentong 'to at subaybayan ang mga susunod na kuwento ng mga fuckers.Salamat sa lahat!
-EN
*********
"Blue"
"Hmm?"
"Puwedeng huwag na muna tayong tumuloy sa Maldives?"
"Louise, nakaayos na ang lahat."
"Pero buntis ako, ayokong gumala-gala."
"Tss... Hindi naman basta gala ang pagpunta natin sa Maldives. Honeymoon natin 'yon."
"Kailangan pa ba natin ng honeymoon? May anak na nga tayo, magha-honeymoon pa."
"Ah basta, kapag hindi maselan ang pagbubuntis mo... Tuloy ang honeymoon."
Lumabas sila sa kotse at pumasok sa loob ng Jones Hospital. Dumiretso si Blue sa kakilala niyang ob-gyn upang ipatingin ang kalagayan ni Louise.
"Ikaw pala yan, Dr. Jones"
"Hello, Dr. Francisco"
"Siya ba ang asawa mo?"
"Oo, siya ang asawa ko."
"Napaka ganda naman... Teka, nurse Louise?"
Napangiti si Louise tiyaka tumango.
"Hello po dok"
"Asawa mo pala si Dr. Jones, bakit hindi namin alam?"
"Hahaha, dok... Mahaba pong kuwento"
"Sige... Kailan mo nalaman na buntis ka?"
"Kahapon lang namin nalaman."
"Sige, mahiga ka."
Sumunod si Louise sa sinabi ng doktor at humiga sa kama. Si Blue naman ay nakamasid sa kanilang ginagawa.
Itinapat ni Dr. Francisco ang stethoscope sa tiyan ni Louise. Napakunot ang kaniyang noo sa narinig.
'Bakit ang bilis nang tibok ng puso?'
Kinabahan si Dr. Francisco tiyaka inayos ang gagamiting aparato para sa ultrasound.
"Kamusta ang baby namin?"
"Dr. Jones, hindi ko sigurado kung may problema sa sanggol na nasa sinapupunan ni Louise. Mabilis kasi ang tibok ng puso niya, may posibilidad na may problema sa puso ang sanggol o kaya naman hindi lang iisa ang nasa sinapupunan ni Louise."
Napangiti si Blue nang marinig ng huling sinabi ng doktor.
"Baka kambal ulit ang anak natin."
Napangiwi si Louise nang marinig ang sinabi ni Blue. Naalala niya noong ipinanganak niya ang kambal. Halos mamatay siya dahil normal delivery ang nangyari sa kambal. Agad siyang napadasal sa sinabi ni Blue.
BINABASA MO ANG
Fucker Series#2: Two Blue (COMPLETE)
RomanceTo the man I love the most: I'm sorry ****** Book Cover by: findinghumanity