"Ano nga palang pangalan niyo?"
"Ako po si Lion"
"Terrence"
"Benedict"
"Zion"
"Chase"
"Ang ganda ng mga pangalan niyo ah. Ako nga pala si Louise, huwag niyo na akong tawaging madam. Louise na lang."
"Okay po, ma'am Louise"
"Ilang taon na kayong nagtatrabaho kay tito Zild?"
"Sir, hindi po pwedeng sabihin."
Humingi ng tawad si Chase dahil hindi sila puwedeng magbigay ng mga personal na impormasyon sa iba.
"Daddy!"
Napatingin ang lahat sa kambal at kay Sky. Napatulala ang lima nang makita nila ang kambal samantalang napahinto sina Lian at Sian nang makita ang mga pamilyar na mukha. Pumikit ng dalawang beses si Sian at nakuha naman ng lima ang ibig sabihin noon.
Mabilis nilang inayos ang ekspresyon ng kanilang mukha at umarte na hindi sila magkakilala.
Nagmadaling lumakad ang kambal papunta kay Blue at Louise tiyaka yumakap ng mahigpit.
"Sky, salamat sa paghatid sa mga bata."
"Wala 'yon ate Louise."
"Mauna na ako kuya Blue, ate Louise... kayong dalawang makulit mag-aral kayong mabuti. Kung sino ang top 1 may regalo sa akin."
"Sinabi mo 'yan tito Sky!"
Tumango si Sky tiyaka nagpaalam sa kanila. Buo na ang desisyon ni Blue na sabibin sa mga bata ang katotoohanan patungkol kay Louise.
"Kayong lima, dito muna kayo sa sala."
Napalunok ang kambal dahil akala nila na may napansing mali si Blue sa kanilang ikinilos nang makita nila ang limang lalaki sa sala.
"Okay po sir."
Tumingin si Blue sa kambal tiyaka hinawakan ang kamay ni Louise bago magsalita.
"Sumunod kayong dalawa sa amin."
Tumango sina Sian at Lian, inalalayan naman ni Blue si Louise upang makatayo at makalakad ng maayos. Napakunot ang noo ni Sian sa nasaksihan niya.
'Pinahirapan na naman ni dad si Tita Louise! Kaya pala pinaalagaan kami ni daddy kay Tito Sky.'
Pinili ni Blue na pumunta sa guest room sa unang palapag ng bahay nila dahil nahihirapan kumilos si Louise. Nang makapasok sa loob ay agad siyang kinuwestiyon ni Sian.
"Daddy, pinagod mo na naman ba si tita Louise? Bakit nahihirapan siyang maglakad?"
"Sumama kasi ang pakiramdam ng mommy niyo—"
Hindi naituloy ni Blue ang kanyang sasabihin dahil biglang umentra si Lian.
"Mommy namin?"
"Si Louise, siya ang mommy niyo."
Biglang natigilan ang kambal tiyaka napatingin kina Louise at Blue.
"Dad, this is not funny."
"Sian, hindi nagbibiro ang daddy niyo."
BINABASA MO ANG
Fucker Series#2: Two Blue (COMPLETE)
RomanceTo the man I love the most: I'm sorry ****** Book Cover by: findinghumanity