CHAPTER 22

3.7K 137 13
                                    

Kinabukasan nakatanggap si Blue ng teks mula kay Hier.

'Ito ang number ng lolo ni U. +63XXXXXXXXXX'

'Salamat, anong oras ka nga pala pupunta dito sa bahay?'

'Sa hapon ako makakapunta, 2:00 pm.'

'Sige. Salamat'

Napatingin si Blue sa kusina at napangiti. Ganito ang pangarap niya noon, tuwing umaga ay makikita niya ang kaniyang mahal na nasa kusina at naghahanda ng almusal.

"Mommy!"

Napatingin sila sa kambal. Mukhang nabagsakan ng sama ng loob si Blue nang makita ang kambal.

'Tsk, wala nga palang pasok ngayon dahil sabado.'

"Good morning!"

Humalik ang kambal kay Blue at Louise bago naupo sa harap ng hapagkainan. Inihanda ni Blue ang mga plato at ilang kubyertos sa kambal habang nagluluto si Louise. Masaya ang mga kasambahay tuwing sabado at linggo dahil pinapayagan silang umalis sa bahay ni Blue sa kadahilanang gusto ni Louise na maasikaso niya ang kanyang mag-aama.

Kinuha ni Blue ang kanyang cellphone upang iteks si King.

'King, pumunta ka dito mamayang 2:00pm ng hapon'

'Bakit? Family day namin ngayon'

'Ha? Anong family day? Sinabi ni End na pinapunta mo sa kanila ang anak mo.'

'Tsk! Ang ingay talaga ni katapusan. Sige, mamayang hapon pupunta ako. Ihanda mo na nga pala ang mga regalo na hindi mo naibigay kay Vallir'

'Sige, basta pumunta ka dito sa bahay mamaya.'

Hindi na nagreply si King kaya naman itinabi na ni Blue ang kanyang cellphone. Masaya silang nag-almusal at hindi pa rin nagbabago ang kambal dahil nagtatalo sila sa hapagkainan.

"Akin na 'tong hotdog. Nakatatlo ka na Sian."

"Sabi na eh, 'di ka talaga marunong magbilang. Dalawa pa lang nakakain ko!"

"Okay, hatiin natin 'tong hotdog. Magbigayan kayong dalawa."

Sumagot si Sian sa sinabi ni Louise.

"Sige po mommy."

Si Louise na ang naghati para pantay ang hatian ng kambal. Napapailing na lang si Blue sa dalawa niyang anak.

'Hindi sila marunong magbigayan, tiyak kapag may kapatid silang mas bata matututo silang magparaya. Tama... Dapat talaga sundan na namin ni Louise ang kambal.'

Matapos silang kumain ay inasikaso ni Louise ang mga pinagkainan at ang kambal ay nanuod sa sala. Lumapit si Blue kay Louise tiyaka siya humalik sa pisngi, ipinulupot niya ang kaniyang braso sa bewang ni Louise bago magsalita.

"Louise?"

"Hmm?"

"May tatawagan ako at baka aalis ako mamaya."

"Anong oras ka uuwi?"

"Saglit lang. Baka dalawang oras lang ako sa labas."

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon