Tumunog ang cellphone kaya agad itong sinagot ni Hongwu.
"Hello Ma?"
"Hongwu, kamusta ka na?"
"Okay naman"
"Hongwu, siguraduhin mo ang pusisyon mo sa Sy Corporation. Ang laki na ng sinakripisyo mo para sa pusiyon na 'yan. Kung hindi lang sa babaeng 'yon, ikaw sana ng tagapagpana ng buong kumpanya."
"Huwag kayong mag-alala, mapapasaakin din ang lahat Ma."
"Siguraduhin mo lang na malinis ang nangyari kay Yvonne."
Ngumiti si Hongwu at siniguro sa kaniyang ina na ang nangyari kay Yvonne ay walang sabit.
Ang daming kinaharap ng kaniyang pamilya upang mapasakamay ang kayamanan ng Sy. Ang lola ni Hongwu na si Luosang ay nagpakasal kay Zhuang na biyudo.
Si Zhuang ang nagpalaki sa negosyo ng Sy, hindi niya alam na ang babaeng pinakasalan niya ay mayroong anak na babae sa pagkadalaga. Nasilaw si Luosang sa kayamanan ng Sy kaya naman ginawa niya ang lahat upang ipakasal ang kaniyang anak na babae sa anak ni Zhuang sa una nitong asawa.
Ang anak ni Zhuang na si Ling Sy ay nagpakasal sa kanyang nobya nang palihim. Ang kanyang nobya ay mayroong kakambal kaya nang malaman ito ni Luosang ay binayaran niya ang isang eksperto upang sabihin na malas ang kambal sa pamilya Sy. Nagpumilit si Ling at ayaw niyang iwanan ang kaniyang asawa. Ilang taon na ng dumaraan ngunit hindi pa rin sila biniyayaan ng anak kaya naman nagsuwestiyon na mag-ampon si Luosang sa mag-asawa. Nirespeto at sinunuod ni Ling at ng kanyang asawa ang suwestiyon ng kinikilala niyang Ina.
Pinilit ni Luosang ang kaniyang anak na si Jiang na magbuntis. Pumunta sila sa ospital upang magpa-implant ng spermcell sa eggcell. Naging maayos ang lahat at ipinanganak ni Jiang ang isang sanggol na lalaki at pinangalanan nila itong Hongwu. Dahil si Luosang ang may pinakamataas na pusisyon sa mga kababaihan ng pamilya ay siya ang namahala sa pagpili sa batang aampunin. Naghintay siya hanggang makapanak si Jiang at ito ang kanyang ipapasok sa pamilya ng Sy. Naging matagumpay ang lahat, ngunit makalipas ang dalawang taon ay nagkaroon ng anak na lalaki si Ling. Pinangalanan nila itong Guio, makalipas ang tatlong taon ay muli silang biniyayaan ng anak. Pinangalanan naman nila itong Yvonne.
Dahil sa nagkaroon ng tunay na anak si Ling at ang kaniyang asawa ay naisantabi si Hongwu. Sa kagustuhan ni Luosang na mapaalis ang asawa ni Ling sa pamilya ay pinapatay niya ang asawa nito at pinalabas itong aksidente. Dahil sa kaganapan na iyon mas pinatindi nito na malas ang kambal sa kanilang pamilya. Noong nag-asawa si Hongwu hindi niya akalain na magkakaroon siya ng kambal na anak, upang maisakatuparan ang lahat isinakripisyo ni Hongwu ang isa sa kambal.
"Guio"
"Bakit kuya Hongwu?"
"Nakakasawa na dito sa bahay. Marami sa mga kamag-anak natin na gustong agawin ang negosyo ng ating pamilya, puro na lang siraan. Si dad naman gusto niyang kontrolin ang lahat, nakakapagod at nakakasawa na."
"Sinabi mo pa kuya. Kaya ako ayoko dito, gusto kong magsarili."
"Kung ano ang desisyon mo susuportahan kita. Kung gusto mong magsarili o gumawa ng sarili mong pangalan sa pagnenegosyo ay magpaparaya ako. Ako na bahala dito at ikaw... Lumipad ka ng mataas, maging malaya ka."
BINABASA MO ANG
Fucker Series#2: Two Blue (COMPLETE)
RomanceTo the man I love the most: I'm sorry ****** Book Cover by: findinghumanity