CHAPTER 13

3.6K 131 13
                                    

"Grandpa, may Villa po ako sa katabing subdivision. Doon na lang  po muna kayo, magpapahanda na rin ako ng ilang kasambahay at tauhan na magbabantay sa kaligtasan niyo."

Hindi man aminin ni U ang kanyang motibo ay agad namang nakuha ng kanyang lolo ang ibig niyang gawin. Gusto niyang mabantayan ang mga gagawin ng kanyang lolo laban kay Blue.

"Hindi na, ako na bahala sa mga makakasama ko."

"Sige po."

Lingid sa kaalamanan ng matanda na ang buong Villa na kanyang titirhan ay bantay ng makabagong teknolohiya na gawa ni Hier. Ang lahat ng kuwarto, banyo, sala, kahit ang kasuluk-sulukang bahagi ng Villa ay mayroong CCTV.

Pumasok ang ina ni U sa sala at inaya niya ang lahat na pumunta sa hapagkainan. Walang ni-isa ang nagsasalita sa kanila, miski tunog ng kubyertos sa pinggan ay hindi marinig. Ang buong hapagkainan ay nabalot ng katahimikan at ang bawat kilos nila ay  elegante na animo'y sila ay mga maharlika sa isang malaking palasyo. Matapos ang salu-salo, pumunta si U sa kanyang silid tiyaka tinawagan si Hier.

"Hello?"

"Oh, bakit ka napatawag U?"

"May hihingin kasi akong pabor."

"Ano 'yon?"

"Pakibantayan ang mga nangyayari sa Villa ko"

"Marami kang Villa, alin doon?"

"Sa Residencia Amore"

"Sige ako na bahala."

"I-record mo lahat ng mga nangyayari tapos i-send mo na lang sa akin."

"Sige."

Natapos ang tawag ay agad na lumabas si U ng silid at lumapit sa kanyang ama.

"Dad, mauna na ako. Uuwi na po ako."

"U, dumito ka muna."

"Hindi pwede dad. May patabaing baboy akong inaalagan."

"Hahaha, grabe ka talaga sa asawa mo. Dapat sa'yo pinapaluhod sa harap ng pinto."

"Hahaha, baka siya ang paluhurin ko."

Hindi nakasagot ang ama ni U dahil biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello"

"Uuwi ka ba o hindi?"

"Honey, nagmamadali na nga akong umuwi eh."

"Anong oras na, saan ka ba galing? Tapos na ang oras ng trabaho mo nasa labas ka pa rin? Nanlalaki ka ba o nambababae?"

"Honey, dati lang 'yon. Tiyaka nabuntis na kita diba, matikas ako at higit sa lahat loyal tiyaka faithful ako sa'yo."

"Siguraduhin mo lang. Nasa'n ka ngayon?"

Halos matawa ang ama ni U nang marinig niya ang linya ng kanyang anak. Hindi lingid sa kanilang kaalamanan na nagkaroon si U ng karelasyong lalaki. Tanggap naman nilang pamilya kung ano talaga ang kanilang anak.

"Nasa bahay ako, dumating si Lolo."

"Ahh, sige. Love you"

"Hmm, I love you too."

Fucker Series#2: Two Blue  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon