*********
Tumawa ang tiyuhin ni Blue sa sinabi ni Rare. Lumakad siya at umupo sa sofa na nasa gilid nina Rare at Yller, ang mga tauhan naman ay luminya sa pintuan at sumaludo sa paparating na lalaki. Palihim na pinunasan ni Rare ang kanyang pawis sa noo nang pumasok ang pinsan ni Blue na si Zico.
"By the way Rare, this is my son Zico."
Kilala ni Rare si Zico dahil minsan na niyang nakasama sa isang misyon ang binata. Sa edad na pitong taon, ang buhay sa underworld ang palaruan ni Zico. Si Blue na namamahala ng buong Jones Hospital na nagbibigay ng pangalawang tiyansa upang mabuhay ang isang tao at si Zico naman ang kumikitil sa sino mang nakaharang sa kanyang dinadaanan. Yumuko si Rare at nagbigay galang kay Zico na kasalukuyang nakatayo sa kananang bahagi ng kanyang ama.
"Yow! Dad, have you seen my firing skills?"
Napatingin naman sila sa isang binata na papalapit sa kinaroroonan nila.
"Not bad"
"Well, you missed their heads"
Kumindat ang binata sa kanyang kapatid tiyaka kinuha ang 'picture frame' na nakatumba at ipinakita kay Zico.
"I didn't"
Tiningnan ni Zico ang larawan at butas ang ulo nina Rare at Yller. Natawa naman ang kanyang ama.
"Rare, this is my second son Zero, he is the joker in our family"
Nagbigay galang naman si Rare kay Zero at inakbayan siya ng binata.
"Better watch your head"
Ngumiti si Rare at tiningnan niya ng maigi si Zero.
'This Rare is not bad.'
Lumakad naman si Zero at umupo sa tabi ni Yller.
"The famous lawyer, nice meeting you"
Kinamayan naman ni Yller si Zero.
"Hindi ko akalain na Lawyer ka rin tulad ni Dad."
Napatingin naman si Yller sa tiyuhin ni Blue.
"Oh, di pa pala ako nakakapagpakilala... I am Attorney Zild Jones"
Napatulala si Yller sa sinabi ng tiyuhin ni Blue dahil siya ang tinitingala ni Yller sa larangan ng abogarsya at ang tanging abogado na tumalo sa kanyang ama. Ngumiti si Yller at mababatid sa kinang ng mata niya ang admirasyon na kanyang nararamdaman.
"Welcome to my world"
Kinamayan ni Zild at buong pusong tinanggap ni Yller ang kamay ni Zild. Samantalang umupo naman si Rare sa tabi ni Yller.
"Let's discuss what happened to my dearest nephew, as much as possible I don't want to act reckless but boy, you crossed the line. I have my own bottomline and that is the entire Jones's clan."
"Actually Yller, I know what you did from the start but now you messed up and Sy family hired lots of organization to handle this case. Rare, you are just a chess piece of that old Sy because he already knew that you and Blue are friends. Rare, I want to clean your organization and purge all agents but the more I investigate the deeper its value. My wife is the founder of this organization, right? She trusted this to you, I hope you have a plan about this and I'm telling you... don't you ever dare to sell my grandchildren to the Sy Family."
"I have a plan, let me handle this one. It is my fault and I want to make it right but it has a huge consequence."
Napatingin silang lahat kay Yller na nakangiti. Napangiti naman si Zild sa inasal ni Yller. Nakatingin lang si Zero at ang kanyang mga mata ay dumiretso sa kaluluwa ni Yller. Ramdam ni Yller na hindi siya puwedeng magkamali sa mga bibitawan niyang salita.
BINABASA MO ANG
Fucker Series#2: Two Blue (COMPLETE)
RomanceTo the man I love the most: I'm sorry ****** Book Cover by: findinghumanity