Naiiyak ako sa sobrang emosyonal ng kabanatang 'to. Sana magustuhan niyo!
Love yah
-En
************
Pinatay ni Louise ang kalan at hinango ang pancake habang si Blue ay nakakapit pa rin sa kanya. Inilagay niya ang plato na may pancake sa isang tabi tiyaka humarap kay Blue.
Niyakap ni Louise si Blue, iniligay niya ang kanang kamay niya sa bewang at ang kanan naman ay sinserong hinihimas ang buhok ni Blue.
"Na-miss mo ako? Magkasama tayo kanina tapos nangulila ka kaagad sa akin. Iba talaga ang alindog ko."
Pilit mang pagaangin ni Louise ang nararamdaman ni Blue ay hindi niya magawa bagkus mas lalong umiyak si Blue na animo'y isang batang paslit na iniwan ng isang ina.
"Louise, halos siyam na taon mo 'kong iniwan."
"Limang taon lang. Nagkita tayo sa sikretong ospital ng pamilya niyo."
"Hindi 'yon kasali, saglit lang 'yon tapos namatay ka pa! Buti na lang hindi ka talaga namatay."
"Hindi ka ba nagagalit sa akin?"
"Bakit ako magagalit? Alam mo bang parang kulangot lang ang pride ko sa sakit na naramdaman ko noong akala ko namatay ka! Mababaliw talaga ako kapag nawala ka pa ulit."
Hindi inakala ni Louise na hahantong sa ganito ang lahat. Hindi niya inamin noon na siya si Loaisa dahil akala niya magagalit si Blue. Tiyaka sino ba ang maniniwala na buhay ang isang patay? Kaya napagdesisyunan niyang itaya ang lahat noong magkaroon siya ng tiyansang mapalapit ulit kay Blue.
"I'm sorry, pero kailangan kong gawin ang mga bagay na iyon noon."
Inalis ni Blue ang kanyang mukha sa leeg ni Louise. Tumingin siya sa mga mata ni Louise at hindi niya mapigilang mapaluha.
"Alam kong may rason ka, pero sana naman... Isali mo ko sa mga magiging pasya mo. Louise..."
Halos mapatid ang hininga ni Blue dahil sa bigat ng kaniyang nararamdaman kaya naman ang salita niya ay halos maging isang bulong.
"Hindi ko kaya na mawala ka... Please, hindi naman kasi ako bagay na puwede mong iwanan tapos babalikan. Binigay ko lahat... Kinuha mo ako ng buo kaya sana naman huwag mo akong isauli ng kulang."
Pumikit si Louise tiyaka matamis na idinampi ang kanyang labi kay Blue.
"I love you"
Sambit ni Louise matapos niyang halikan si Blue.
"I love you too."
Kahit may konting tampo si Blue ay agaran itong nawala nang marinig niya ang tatlong salita at walong letrang sa labi ni Louise.
Muli silang nagyakapan, ang ilang taon nilang pangungulila sa isa't-isa ay hindi maibsan ng basta yakap lang kaya kahit anong higpit ng yakap ni Blue ay parang may kulang. Bumitaw sa pagyakap si Blue at kinuha ang cellphone tiyaka tinawagan si Sky.
"Kuya?"
"Sunduin mo ang kambal, sa inyo muna sila ng dalawang araw... Ay hindi tatlo pala... Mali, isang buwan na lang. Ikaw muna bahala sa kambal ng isang buwan—"
BINABASA MO ANG
Fucker Series#2: Two Blue (COMPLETE)
RomanceTo the man I love the most: I'm sorry ****** Book Cover by: findinghumanity