CHAPTER 5: RIVALS

17 1 0
                                    

"RIVALS"


HESTIA'S POV.

Kasalukuyan akong nag aayos ngayon papasok sa university. Mag iisang linggo na ang nakararaan ng magsimula ang pasok. Normal naman ang mga pangyayari. May mga ginagawa na kami pero hindi pa ganoon kahirap at kadami. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatali ng buhok ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan.

~Ate Celestia calling~

"Hello, Ate?" sagot ko rito.

"How was your college days?" masaya nitong tanong mula sa kabilang linya.

Yes, I have older sister. Wala na 'kaming magulang. My father died at ang mama ko, hindi ko alam kung nasaan. Ate Celestia is the only one family I have right now. Dalawang beses lang akong nauwi sa kanya dahil ayokong maging pabigat kay Ate. Naniniwala kasi ako na kada tao ay may sari-sariling buhay at dapat matuto tayong mabuhay ng mag-isa because everyone who gets attached will be in pain and I'm sure with that.

Iniloud speaker ko ang cellphone para kahit nag-aayos ako ay makausap ko siya ng maayos.

"Okay naman ate. Wala namang problema. I can handle this." Nagperfume na 'ko.

"Sure 'yan ah. Miss na kita. Gusto na kitang makita."

"Bibisitahin naman kita diyan bukas, ate. Wag ka nag alala miss na din kita. Sakto day off ko sa linggo."

"Okay sabi mo 'yan ha. Anyways, alis na 'ko dahil papasok pa 'ko sa trabaho."

"Ikaw ate ha hanggang ngayon hindi mo sa 'kin sinasabi yung trabaho m--"

"Sige na, bye! Muah!"

Tignan mo 'tong isang ito hindi pa 'ko tapos ay binabaan na 'ko ng cellphone. Pinatay ko nalang ang phone ko atsaka pumasok na. So far hindi pa ako nalilate. Ginawa ko ang usual routine ko. Ipinark ang bike at naglakad na papunta sa classroom. Kasalukuyan akong naglalakad sa hagdanan paakyat ng 4th floor at kanina ko pa napapansin ang tinginan sa akin ng mga studyante. Nakasalubong ko ang dalawang babae at kahit nagbulungan sila ay rinig na rinig ko ang usapan nila.

"Siya yung babaeng sumagot kay chancellor Franztich 'di ba?"

"Oo, grabe imagine ang tapang niya."

"Baka nagpapabida kay Zyclus. Tss, kala mo naman magugustuhan siya."

Hindi ko na pinansin dahil hindi naman ako apektado. Anong pakialam ko sa kanila? Nakapamulsa akong naglakad ulit papunta sa 5th floor at pumasok na ng classroom.

"Hi, Hestia." bati sa akin ni Mayumi. Wait, I can't remember if she is Mayumi or Nayumi. Ewan ko ba basta may 'yumi' sa dulo. Tumango lang ako dito at umupo. Ang aga pa pala. Wala pa kaming prof. Tumingin nalang ako sa bintana at wala naman akong music o laro sa phone dahil dipindot lang ito at halos masisira na.

"Hestia." nagulat ako ng kalabitin ako ni Sailor Moon. Tinignan ko lang ito. Ano bang problema niya?

"Don't look at me like how did I know your name. Remember ilang beses na tayong nag introduce yourself?." Tinitigan ko lang siya dahil wala naman akong balak kausapin siya. Ngayon naka offshoulder na siya na halos kita na ang kanyang kaluluwa. Walang bago sa pangbaba nito dahil nakaminiskirt ulit ito. Iba nga lang ang kulay. As usual naka heels na naman siya.

"Are you a lesbian?" malanding sabi nito. Hutang inasal paano niya nasabing tibo ako?

"Kanina mo pa 'ko tinititigan. Crush mo 'ko noh?" pang aasar niya.

Ang lakas ng tama ng isang ito. Dumating bigla ang prof namin atsaka nagsimula ng magturo. Sa kalagitnaan ng oras ay nagparecite ito.

"What is the difference between visual designer to a graphic designer. Anyone?" Walang nagtataas ng kamay. Inilibot nito ang kanyang mata at heto na naman tayo. Suking-suki na 'ko sa recitation.

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon