CHAPTER 1: THE SUNRISE

20 1 0
                                    

"THE SUNRISE"

HESTIA'S POV

"Aling Silvia, Ito na po yuong bayad ko sa renta ng apartment. Bali pang tatlong buwan na po 'yan. Kasama na rin po diyan yung boundary." ani ko sa matandang babaeng nakatayo ngayon sa harap ng pintuan ng apartment ko.

Halos mag iisang taon pa lang ako dito. Kakalipat ko palang dahil doon sa nakaraang tinitirahan ko ay masyadong magulo. Ang daming nagkalat na basagulero. Ang hirap mabuhay sa ganoong lugar lalo na kapag nag-aaral ka. Imbis na maintindihan mo ang binabasa at sinusulat mo eh mas malakas pa ang soundtrip ng kapit-bahay mo at ang pag-aaway ng mag-asawa sa kabilang bahay.

"Sige, salamat hija." kinuha nito ang perang iniabot ko sa kanya at nginitian ako nito. Pagkaalis ni Aling Silvia ay agad kong isinara ang pinto at bumalik ako sa pagkain ng agahan.

Ako lang ang nakatira dito. Oo, nakakalungkot ang mag-isa pero pagnasanay ka na, parang normal nalang ang lahat. Kung tutuusin mas gusto ko nga ang mag-isa dahil malaya akong nakakakilos.

Matapos kong kumain ay iniligpit ko na ito at hinugasan. Ang aga ko palang nagising. Alas syete palang ng umaga at ang pasok ko sa Bake Sweet Shop ay alas dyes pa. Ayos na din dahil madalas matagal akong maligo. Kinuha ko ang tuwalya at inihanda ang aking uniform sa trabaho atsaka pumasok sa banyo. Hutang inasal! Nakalimutan kong bumili ng shampoo kanina. Wala na akong choice kaya naman nag conditioner nalang ako tsaka nagsabon. Makalipas ang 20 minutes ay lumabas na ako ng banyo. Nagpunas muna ako ng katawan at naglotion. Hindi kasi ako sanay na lumalabas ng hindi naglolotion dahil sobrang init sa labas at ayoko namang manuyot ang balat ko. Naglagay ako ng deodorant atsaka nagbihis na ng damit. Ipinulupot ko ang tuwalya sa buhok ko atsaka naglagay ng cleanser sa mukha. Hindi naman ako masyadong magamit sa make-up kaya naman kapag nag aayos ako, concealer lang ang nilalagay ko atsaka iseset ito ng baby powder. Konting liptint lang sa pisngi at labi tapos mag aayos na ako ng buhok.

Masyado na palang mahaba ang buhok ko. Hanggang bewang na ito dahil ang tagal ko ng hindi nagpapagupit. Hindi dahil sa wala akong oras kundi dahil nagtitipid ako sa gastusin. Hindi ako pwedeng gumastos ng gumastos dahil wala akong ibang aasahan. Nagblower na ako ng buhok atsaka ipinuyod ito ng maayos dahil bawal sa shop ang nakalugay lalo't isa akong baker. Iniayos ko ang aking double breasted jacket. Inilagay ko ang toque blanche sa bag ko dahil duon ko na ito susuotin sa trabaho. Inayos ko muli ang mga gamit ko sa harap ng salamin dahil ayoko ng makalat. Pinatay ko ang nga ilaw sa aking apartment at inilock ito.

At dahil nasa second floor ang unit ko ay kinakailangan ko pang bumaba. Habang naglalakad ay iniayos ko ang pagkakasukbit ng bag pack ko dahil ayoko ng magulo. Isinuot ko na din ang salamin ko dahil medyo malabo na ang paningin ko.

Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa gate kung saan nakakadena ang bike ko. Yes, nakabike lang ako pagnapasok. Inunlock ko ito at saka nagbike na paalis. Alas nuwebe pa lang ang oras sa mga pagkakataong ito.

"Good morning, Sir Jacob." halos kasabay ko lang ang may ari ng shop na pumasok. Ipinadlock ko ang bike sa gilid ng shop kung saan ipinapark ang mga bike.

"Aga mo na naman Ms. Gomez. Anyways, goodmorning." May iniabot sa akin itong sticky note. "Ito nga pala yung mga ibibake mong orders. Kailangan siyang matapos ngayon because it is urgent and it will deliver bukas. Have a nice day Ms Gomez!"

Pagkapasok ay agad akong dumiretso sa kusina at isinuot ang toque blance sa aking ulo. Inilagay ko sa locker ang gamit ko atsaka nagsimula nang mag bake. Idinikit ko ang sticky note sa dingding sa aking harapan para 'di ako mahirapan kumilos at tumingin ng mga kailangan kong i-bake. Binasa ko ito at puro cake pala ang mga ito. Limang cake na may iba't-ibang flavor mula sa magkakaibang client. Kinuha ko ang nga rekado sa refrigerator at inilapag ito sa aking harapan.

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon