CHAPTER 16: BACK HOME

6 1 0
                                    

"BACK HOME"


HESTIA'S POV

Dahil sa nangyaring aksidente ay agad kaming pinabalik sa kanya kanya naming hotel room. Pinag-ayos na kami at pinagligpit ng mga gamit. It's already 2:30 in the afternoon. Pagkatapos kong mag ayos ay tinulungan ko nang mag ayos si Mayumi. Hanggang ngayon at tahimik pa rin ito at tila wala siya sa kanyang sarili. Tinulungan ako nila Gab na buhatin ang bag ni Mayumi. Lumabas na kami ng hotel room at isinubmit ang susi sa hotel admin. Nang makarating na kami sa bus at nagpasalamat ako kila Gab atsaka sila umalis papunta ng bus nila. Dito ko nalang pinasakay si Mayumi. Tatlo lang naman kami dito dahil nga pinaalis ni Zyclus ang ibang students. Nilagay ko sa katapat naming upuan ang mga gamit namin dahil wala namang nakaupo.

Kapansin-pansin ang katahimikan ng lahat. Hindi pa nga nakakalimot ang lahat sa nangyaring patayan noong nakaraang araw ay ito na naman. Naguguluhan ako. Napapaisip ako kung ano bang mayroon sa Quintana University at bakit ganito ang mga nangyayari? May mga kaaway ba sila? May atraso ba sila sa ibang tao? Ano bang mayroon?

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ay nilapitan ko si Mayumi. As usual nasa dulo kami ng bus. Umupo ako at tinitigan ko siya. Nakatulala siyang nakatingin sa labas habang nakapulupot sa palikat niya ang pink niyang scarf. Ngayon ko lang nakita na ganito katahimik si Mayumi. Kinuha ko ang brush niya sa buhok at sinuklay ko ang blonde niyang buhok. Hindi ako sanay na wala siyang ayos.

Sa kalagitnaan ng magsusuklay ko sa buhok ni Mayumi ay bigla namang pumasok sina Lincoln at Zyclus. Inayos nila ang kanilang gamit at umupo sa kanang bahagi ng dulo ng bus. Magkakatabi kaming apat. Umupo si Zyclus sa tabi ng bintana. Tahimik rin ito pati na si Lincoln. Ibinalik ko ang atensiyon kay Mayumi. Pagkatapos kong suklayin itobay ibinalik ko sa bag niya ang brush.

"Mayumi, uminom ka muna ng tubig. Namumutla ka na." Inilapit ko sa kanya ang isang bottle ng tubig. Tinignan niya ito atsaka uminom. Inalalayan ko siya sa pag inom dahil wala siyang lakas para hawakan ito. Matapos noon ay bumalik ito sa pagtingin sa labas ng bintana.

"Hestia, can you sit here? Palit nalang kayo ni Lincoln." napatingin naman ako. "Please?" dugtong pa nito.

Tinignan ko si Mayumi, "Lincoln will take care of her. Don't worry."

Kusa namang lumipat ng upuan si Lincoln at nagpalit kami. Pagkaupo ko sa tabi ni Zyclus ay agad niya akong niyakap na parang bata habang nakatanday ang ulo niya sa balikat ko. Ano bang mayroon sa araw na 'to?

Kinuha ko ang cellphone ko. Oo dipindot lang ito pero may camera naman siya. "Pwede ba kitang picture-an?" singit ko. Sumenyas ito ng "oo".

Bumitaw siya sa pagkakayakap at pumwesto sa tabi ng bintana. Nakataas ang dalawa nitong paa at nakatanday sa katapat nitong upuan. Ang dalawang kamay niya at magkapataong sa kanyang harapan. Tumingin ito sa akin pero hindi siya nakangiti. Pagod din siguro ang isang ito. Nakasuot ito nh over size pink polo shirt na may bulsa sa kanang dibdib. Plain white jeans at nakatupi ang dulo nito hanggang sa ankle ng paa niya. Then iconic socks with black two stripes sa itaas at isang converse shoes. Kinuhaan ko siya ng litrato. Isinave ko iyong sa gallery.

Muli siyang yumakap sa akin. By this time hinaplos ko ang buhok niya ng kanang braso ko mula sa likod habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Niyakap ko ang braso niyang nakayakap sa baywang ko gamit ang kaliwa kong kamay. This man needs to rest.

ZYCLUS' POV

I closed my eyes to pay more attention on Hestia's fingers as it runs through my hair. She fingertips are soft and tiny. She's touching my hair as if I was like something fragile. And I love how it made me feel. I draw circles on her palm using my thumb. Her right hand is touching my hair while her left hand were intertwined with mine. Our intertwined hands are now resting on her left thigh.

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon