CHAPTER 8: ABOUT HER

11 1 0
                                    

"ABOUT HER"


HESTIA'S POV

"Salamat sa paghatid! Masaya akong makilala yuong kambal. Ang cucute nila." Nakangiti kong sabi sa kanya. Pagkababa ko ay agad kong isinara ang pinto. Paalis na 'ko nang biglang bumukas ang window shield nito at tinawag niya ang pangalan ko.

"Hestia." Napatigil ako sa paglalakad.

"Hm?"

"Thank you for completing my day. Sana may susunod pa ulit. I'm sure that Zakia and Zahara will find you to me." nakangiti nitong sabi habang tinititigan ako ng diretso. Hindi ko alam kung ano yuong nararamdaman ko. Ayoko namang mag assumed pero kanina ko pa napapansin na iba yung pakikitungo niya sa akin. Wala naman akong ibang ginawa e. May magic ba yung pagsalba ko sa kanya kay Chancellor?

"Uhm.." napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Yung bike ko nga pala." nahihiya kong sabi.

"Ah yes, your b-bicycle." Bumaba ito ng kotse at kinuha ang bike sa back seat dahil hindi ito kasya sa compartment. "Here."

Kinuha ko ito at nakaramdam ako ng kuryente nang aksidente kong nahawakan ang kamay niya.

"Your blushing." pang aasar niya. He laughed at me.

"Nako! Zyclus, tigilan mo 'ko."

"Okay sige hindi na pero GIRLD FRIEND na kita ah."

"Kaibigang babae? Syempre! Walang problema 'no!" sinuntok ko pabiro ang braso nito.

"That girl friend will be soon my girlfriend!"

"Ano?!" Bakit lagi nalang kasing may naharurot na motor e.

"Nothing. Sige na, you should go home. Rest well, girl friend." He chuckles.

"Ewan ko sa 'yo." kumaway na ako sa kanya at nagbike na papasok ng village. Oo, nasa loob ng Village ang apartment na nirerentahan ko.

Pagkauwi ko ay agad kong ginawa ang usual kong routine. It is sunday tomorrow kaya dadalaw ako kay ate Celestia. Isa hanggang dalawang beses lang akong nadalaw doon. Sinigurado kong nalock ko na ang pintuan pintuan at bintana atsaka pinatay ang ilaw bago pumasok sa kwarto. Inilugay ko ang buhok ko at ng tatanggalin ko na ang eye glasses ko, hutang inasal nasaan 'yon?

Hinanap ko ito sa bag ko. Wala pa akong pambili ng bago, jusko naman. Hindi pwedeng wala akong salamin bukas dahil malabo paningin ko. Napatigil ako sa paghahanap at napasapo ako sa noo ko. Hutang inasal, naiwan ko pala 'yon sa sasakyan ni Zyclus. Umidlip kasi ako sa biyahe kaya hinubad ko ang salamin ko at inilagay iyon sa patungan sa harap ng kotse.

Wala naman akong magagawa. Kahit papaano naaaninag ko pa naman ang daan. Bahala na. Inayos ko ang kama at pinatay ang ilaw. Humiga na ako atsaka natulog.

"Iyan ang napapala mo Francisco. Walang mapupunta sa 'yo at kahit kailan hindi siya magiging sa 'yo. Akin lang siya, Francisco. Akin lang!!"

Ilang putok ng baril ang siyang narinig ko kasabay ng pagbagsak ng katawan ni daddy. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong magwala sa mga oras na 'iyon pero wala akong magawa dahil binabalot ako ng takot.

Nang makita ko ang pag-alis ng mga lalaki ay agad nanlambot ang tuhod ko kasabay ng pagbagsak ng katawan ko. Nakakapanlumo. Nakakagalit. Nakakaubos ng lakas.

Hindi ko alam na sa ganitong paraan ko makikita ang pagkamatay ng sarili kong ama. Ang tattoo na nakatatak sa kanang pulso ng taong pumatay sa tatay ko ay ang siyang tanging pinanghahawakan ko.

"I will make them pay, dad. I will torture them slowly na hihilingin na lang nilang patayin ko sila. I will haunt them whatever it takes. I promise you that, daddy."

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon