CHAPTER 34: CONFUSION

8 0 0
                                    

"CONFUSION"

HESTIA'S POV

Kasalukuyan kaming pabalik ni Zyclus ngayon sa kotse. Ang bilis niyang maglakad kaya naman halos madapa na ako sa kakahabol sa kanya.

"Anong bang nangyayari, Zyclus?" Sigaw ko habang hinihingal.

"Pinaglalaruan tayo ng kung sino!" sigaw niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"That fucking scene on the train station was just a set up. At sa reaksiyon ng matandang 'yon kanina ay halagang wala siyang alam sa nangyari."

"Sigurado ka ba?"

"Kilala ko ang kaluluwa ng sarili kong ama, Hestia."

Agad naman kaming sumakay sa kotse niya at pinaandar niya ito.

"Saan naman tayo pupunta ngayon?"

"Sa condo ko."

"Para saan? Ibabahay mo na 'ko ngayon?" pagtataray ko.

"Kapag ba sinabi kong oo papayag ka?"

"Kapal ng mukha mo."

Kinuha ko ang phone niya na nakapatong sa harapan ko.

"Ano password?"

"5879"

"May load 'to?"

"Oo."

Pumunta ako sa contacts at tinype ang number ni Harrison at tinawagan ito. Ayokong tawagan si mom dahil alam kong mag aalala na naman 'yon.

"Hello? Harrison Cowell speaking."

"This is Hestia. Tell mom that I can't go home for two days."

"Okay. Got you!"

Binaba ko ang phone at ibinalik iyon sa pwesto niya kanina. Buti nalang at hindi na nagtanong si Harrison kung bakit iba ang number na gamit ko. Hutang inasal ah. Ilang beses na akong nawawalan ng cellphone.

Pagkatingin ko naman kay Zyclus ay nakakunot ang noo nito.

"What?" inis na sigaw niya habang nagdadrive.

"Anong mukha 'yan?"

"I hate you!"

"I know."

"Harrison." he murmured.

"Narinig ko 'yon."

Hindi na nito ako pinansin at nakabusangot siyang nagdrive. Dumaan muna kami sa isang convenient store. Nagpaiwan na ako sa loob ng kotse at hinayaan ko siyang mag groceries sa loob.

After 20 minutes ay lumabas ito bit bit ang tatlong supot ng paper bag inilagay iyon sa backseat. Umupo ulit siya sa driver's seats at nagdrive.

Tahimik lang kami buong biyahe. Sa sobrang tahimik e pati paghinga namin ay maririnig mo na.

Ipinark niya ang kotse. Bumama na kami sa sasakyan at kinuha niya ang mga pinamili niya. Binuhat ko yung isa kasi nakakahiya naman. Pumasok kami sa elevator.

"Anong floor?"

"20th floor." nakasimangot nitong sagot. Lakas ng tama ng isang 'to.

Pinindot ko na ang botton at nagsimula nang umakyat ang elevator. Tinitigan ko lang siya dahil para siyang batang inagawan ng candy.

Nang makarating na kami sa 20th floor ay agad na lumabas si Zyclus at hindi man lang ako hinintay. Hinabol ko naman ito sa paglalakad.

Room 2029

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon