CHAPTER 30: SCOUNDREL

2 0 0
                                    

"SCOUNDREL"

HESTIA'S POV

Napatakip ako ng bibig sa gulat nang biglang sinapak ni Zyclus si Harrison. Hinila niya ang kamay ko palabas ng bar at sumakit ang parte paa ko sa pabilis niyang paglakad habang hila-hila ako.

"Bitawan mo nga ako, Zyclus! Ano ba!"

Binitawan niya ang kamay ko atsaka humarap sa akin. Sa twing nakikita ko ang pagmumukha ni Zyclus ay hindi maiwasang magalit.

"Ano bang problema mo?!"

"You're seriously asking me that question woman?!"

Hutang inasal ba siya? Magtatanong ba ako kung hindi? At anong karapatan niyang singhalan ako?!

"Bakit? Dahil hinalikan 'ko si Harrison? Kaya mo ako hinila rito? Walang tayo, Zyclus! I can do whatever I want to do. Ikaw nga may kasamang babae kanina pinigilan ba kita?"

Nagsinungaling ako. Hindi ko talaga hinalikan si Harrison. Nag-uusap kami nung nga oras na 'yon. Hindi marinig ni Harrison ang sinabi ko kaya naman mas lumapit pa ako sa kanya. Tumalikod ako sa direksiyon kung nasaan si Zyclus dahil ayoko siyang makitang nakikipaglandian doon sa babae. Ikakasal na nga e nagagawa niya pang lumandi. Tapos ano? susugod siya bigla sa pwesto namin?

"Baby it's n—"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil naririndi na ako sa boses niya dahil puro pambibintang at kasinungalingan lang ang maririnig ko mula sa kanya.

"You know what? Tigilan na natin 'tong paguusap na 'to kasi walang kwenta. Wala ka na dapat pakielam sa akin. At ganon rin ako sayo."

Akmang llapitan niya ako kaya naman umatras ako at dinuro ko siya.

"Don't you dare come near me. I hate you."

"Why are you doing this, Hestia? Hindi ikaw 'to."

"You made me like this. You made this angry Hestia, Zyclus. Ginawa mo 'to sa'kin. Napakawala mong kwenta! Niloko mo lang ako."

"Hestia hindi. Anong niloko hindi!"

Una, pinagbintangan niya akong mamamatay tao. Hindu niya ako nagawang pagkatiwalaan. Ngayon, huli na na pinaglololoko at ginawa nila akong tanga ni Mayumi tapos magkukunwari siyang inosente! Napakagaling niyang artista!

"Really? E sino si Mayumi sa buhay mo? I have evidence, Zyclus. Binigay ni Mayumi ang wedding invitation niyo sa'kin. Oh, congrats nga pala huh? Sana maging masaya kayo."

Lumapit siya sa akin at biglang hinawakan ang braso ko.

"What are you saying?"

"Zyclus tama na okay? I get it! Ginamit mo lang ako at pinagmukha niyo akong tanga ni Mayumi tapos ang usapan!"

Inalis ko ang kamay niya at tinalikuran ko siya. Tapos na akong umintindi. Ayoki ng paglaruan ng kung sino-sino.

Nagulat ako sa biglang pagyakap niya. Nandidiri ako.

"Bitaw!"

"Don't turn your back on me, baby."

"Tama na, Zyclus."

Halos ibigay ko ang lakas ko para matanggal ang pagkakayakap niya sa akin pero masyado siyang malakas at mas lalong humihigpit ang yakap niya.

"Let me go, Zyclus."

Nang maramdaman ko ang pagbitaw niya at hinarap ko siya.

"Tandaan mo 'to Zyclus. Simula sa araw na 'to hinding-hindi na ako lilingon pa sayo. Sa pagkakataon na 'to kapag tumalikod na ako hinding-hindi mo na ako mahihila pabalik sayo."

Bouquet of Secrets and Lies (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon